Pagkatapos ay ngumiti si Jun Wu Yao, at sa pagkakataong iyon ang ngiti nito ay iba kaysa
noon. Inunat niya ang kaniyang mga kamay at niyakap si Jun Wu Xie, magiliw na ipinalibot ang
braso sa munting katawan na iyon, ang puso niya ay halos sumabog sa kasiyahan.
Ano naman kung nakamit niya ang karilagan kadakilaan at kataastaasang naghari sa buong
realm sa nakaraan?
Wala maski isang sandali, na naranasan niya ang pakiramdam na nararamdaman niya sa
ngayon, kung saan pakiramdam niya ay… pag-aari niyang lahat ng nasa mundo… lahat.
Ang tanging hiling niya, na huminto ang oras ng mga sandaling iyon.
Naningkit ang mata ni Jun Wu Yao, isang malalim at nakakatakot na kislap ang kumisap sa mga
iyon.
Ang paglalakbay patungo sa Heaven's End Cliff ay payapa at walang anumang nangyari, at
bukod sa kanilang paglusong, ang tanging bagay para sa kanilang paghinto ay upang
magpahinga, kung saan ay bababa sila mula sa mga karwahe upang magtipon paikot sa apoy.
Ang panahon ay nagiging mainit na, ang hangin ay hindi na ganoon kalamig. Bagama't ang
simoy ay medyo maginaw pa rin, masasabi na mas maayos ito kaysa nung mga nakaraan.
Si Little Jue ay isinama sa paglalakbay na iyon kasama si Jun Wu Xie at grupo nito. Sa hindi
malaman na kadahilanan, ang munting paslit tila ay nagkaroon ng malaking tiwala kay Jun Wu
Xie at kahit na ang madalas nitong sabihin ay "yit…", sa tuwing nasa harapan nito si Jun Wu
Xie, ang pulang pares ng mga mata nito ay nakatuon lamang sa anyo ni Jun Wu Xie, na
animo'y isang walang kapanatagan na munting hayop na takot maiwan.
Ngunit, dahil sa ang karwahe ni Jun Wu Xie ay puwersahang inokupa ni Jun Wu Yao, kahit si
Little Jue na malabo ang pang-iintindi ay hindi na nangahas na magsumuksik doon at walang
magawa kundi ang makihati sa ibang karwahe na okupado ni Qiao Chu at ng iba pa.
Ang ikalawang pinili ni Little Jue ay si Rong Ruo. Halos tila sa sandaling napagtanto niya na
hindi niya magagawang manatili kay Jun Wu Xie, ay agad niyang inunat ang munting mga
kamay kay Rong Ruo upang siya ay akayin.
Sa huli…
Ay kinuha siya ni Fei Yan at inilagak sa isang tabi, hindi hinayaan na mapalapit ito kahit kaunti
kay Rong Ruo.
Matapos makita ng ilang beses, kung saan si Little Jue na nais makalapit kay Rong Ruo ay
dinadampot ni Fei Yan sa pamamagitan ng paghawak sa kuwelyo nito upang ilagay muli sa
isang tabi, si Qiao Chu na kabababa pa lang sa karwahe ay hindi maiwasan na humalakhak.
"Little Yan, kailangan mo ba talagang mag-alala ng ganito? Sa aking palagay ay wala namang
balak na masama si Little Jue at maaring tunay na gusto lamang si Litlle Ruo. Bakit mo ba siya
binabantayan na para siyang isang magnanakaw?" Saad ni Qiao Chu, hindi naitago sa mukha
nito ang tuwa na nararamdaman. Sa buong paglalakbay, matapos ang bigong magsubok ni
Little Jue na makalapit kay Jun Wu Xie at Rong Ruo, ay itinapon siya kay Fan Zhuo. Ngayon na
bihira ang pagkakataon na makababa sila sa karwahe upang magpahinga, si Fei Yan ay bantay
sarado pa rin ang munting nilalang.
Pinandilatan ni Fei Yan si Qiao Chu.
Kung si Little Jue ay isang ordinaryong bata lamang, ay hindi niya ito gaanong bibigyang
pansin.
Ngunit sa tuwing makikita ng bata si Rong Ruo, ay lagi pa rin nitong sinasabi ang parehong
salita: "Yit Big Brother."
Laban sa isang munting halimaw na kayang durugin ang mga batong jade ng kaniyang ngipin,
paano niya hahayaan ang munting batang iyon na ang laman lang ng isip ay "yit Big Brother"
na tumabi kay Rong Ruo?
[Hindi dapat mangyari iyon!]
Sa sandaling hindi niya ito mabigyan ng atensyon, at ang munting batang iyon ay makagat si
Rong Ruo, sa uri ng ngipin na mayroon ito, ay siguradong makakagat niya si Rong Ruo
hanggang sa buto nito!
"Hindi kita kailangan na dumagdag pa sa isipin ko!" Plaatak ni Fei Yan kay Qiao Chu, at ibinaba
niya ang tingin upang masdan si Little Jue na ang kamay ay hawak niya.
Kiming nakatingin sa kaniya ang munting bata, ang malaking mata niya ay tila may hinanakit at
puno ng takot. Ang sulok ng labi ni Fei Yan ay napangiwi. Ang munting halimaw na ito ay
walang pinag-iba sa pangkaraniwang mga bata sa panlabas na kaanyuan, ngunit binanggit
noon ni Jun Wu Yao. Kung silang lahat ay lalaban, wala isa man sa kanila ang kaparis sa
munting batang iyon.
Bagama't naaawa rin siya kay Little Jue, ay hindi pa rin hahayaan ni Fei Yan na malagay sa
alanganin ang kaniyang "nobya".
"Ito! Maging mabait ka at tandaan mo na hindi mo maaring hanapin si Big Brother Rong Ruo.
Naiintindihan mo ba?" Mabigat sa loob na inilabas ni Fei Yan ang isang munting supot mula sa
kaniyang roba, at ang laman sa loob ng supot ay malinaw na kumalansing.