Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 1281 - Ito ay isang Rebolusyon (1)

Chapter 1281 - Ito ay isang Rebolusyon (1)

Ang pusang itim na nakasunod sa likod ni Jun Wu Xie ay malungkot na napatingin kay Jun Wu

Yao.

Sa ilang kadahilanan, hindi niya maiwasan na biglang maramdaman na ang dakilang Demon

Lord ay walang-awa na tinutukso ng kaniyang Mistress.

Ang pakiramdam na iyon ay…

Tunay na katangi-tangi.

Nagawang mahanap ni Jun Wu Xie si Jun Xian at dinala niya ang mga bagay na ilang araw

niyang pinagkaabalahan na isulat at ibinigay sa kamay ni Jun Xian.

Si Jun Xian ay hindi nagkaraoon ng panahon na maglibang nitong mga nagdaan araw. Ang

kabayaran mula sa Condor Country na dinala ni Jun Wu Xie ay nagdulot ng gulat sa buong Qi

Kingdom. Agad tinipon ni Mo Qian Yuan ang mga opisyales ng korte sa Imperial Study upang

pag-usapan ang tungkol doon, kung paano nila mabisang makukuha ang pamana ng Condor

Country dahil iyon ang malaking problema na kinakaharap ng Qi Kingdom sa mga sandaling

iyon.

At dahil iyon ay mahalaga at importanteng bagay, ay hindi na nagawa ni Jun Xian na umalis

upang harapin ang ibang problema at lahat ng mga bagay tungkol sa Rui Lin Army ay napunta

kay Jun Qing.

"Ano ito?" Minasdan ni Jun Xian ang mga bagay na dinala ni Jun Wu Xie habang nakangiting

nagtanong.

Kahit gaano pa siya kaabala, sa oras na magbalik sa Lin Palace, si Jun Xian ay hindi na ang

striktong si Duke Lin, sa halip ay siya na ang mabait at mahinahon na lolo.

"Grandfather, gaano kabihira makamit ang Purple SPirit sa lupaing ito?" Biglang tanong ni Jun

Wu Xie.

Hinid inaasahan ni Jun Xian na biglang magtatanong si Jun Wu Xie tungkol doon ngunit

nakangiti pa rin siyang tumugon: "Ang Purple Spirit ay nakatayo sa pinakatuktok ng pag-iral ng

mga tao at talagang mahirap hanapin. Sa buong nagdaan na siglo, tanging si Wen Xin Han

lamang ang nakagawa na makamit ang Purple Spirit. Bakit bigla mo natanong sa akin ang

tungkol dito?"

Sumagot si Jun Wu Xie: "Ngunit, kung ang isang paraan ay umiiral sa ilalim ng Heavens at

nagagawang makamit ng karaniwang tao ang Purple Spirit, paano nito mababago ang mga

bagay?"

Natigilan si Jun Xian habang gulat na napatingin kay Jun Wu Xie.

Ang lakas ng Purple Spirit, kahit saan o kailan, ay isang bagay na laging nakakkuha ng aensyon

ng mga tao. Sa tuwing magpapakita ang Purple Spirit, ay gumagawa ito ng kaguluhan sa buong

kalupaan at at lahat ng iba-ibang kapangyarihan ay itatakda ang kanilang mga sarili na tudlaan

upang makuha nila ang Purple Spirit.

Ang pagnanais na makamit ang Purple Spirit, ay hindi lamang isang simpleng bagay kahit saan.

Halos isang siglo na tahimk na paglinang ang kailangan, at nangangailangan din na nagtataglay

ang isang tao ng matinding likas na talino. Upang maging Purple Spirit, kahit na iyon man ay

likas na regalo o ang mabagsik na paglinang sa buong buhay nila, imposible pa rin kung ang

isang tao ay kulang sa alinman sa mga kondisyon na iyon. Higit pa doon, isang elemento ng

suwerte ang kailangan bukod pa doon bago makamit ng isa ang Purple Spirit.

Maaring itanong ng isa, sa ilalim ng Heavens, ilan na ang nabansagan na kagila-gilalas? Walang

kakulangan sa walang-katulad na talino at silang lahat ay nasiyahan sa maayos na paglalakbay

sa buong paglinang, ngunit ilan sa kanila ang nagawa na makamit ang Purple Spirit?

Ilang indigo spirits ang binagtas ang paglalakbay ng buong buhay nila at hindi nagawa na

tahakin ang paghihiwalay?

Ilang tao ang naputol ang mga pakpak para mapanatili ang kanilang indigo spirits?

Gaano karami ang sinuko ag lahat para tumungtong sa pedestal ng karurukan at makamit ang

walang kapantay at dalisay na kapangyarihan? Sa huli, ilan sa mga iyon ang natupad ang

kanilang hiling?

Sa nagdaan na siglo, nag-iisa lamang si Wen Xin Han.

Sa hindi mabilang na mga tao na nabigo, gaano sila karami, isang katotohanan na walang

nakakaalam.

"Masasabing tulad lamang iyon ng pantasya. Kung mayroon talagang paraan, ang gulat na

iyon ay magdadala ng kaguluhan sa buong kalupaan." Saad ni Jun Xian matapos ang pag-iisip,

inisip na nagtatanong lamang si Jun Wu Xie dahil sa pag-uusisa at hindi na iyon binigyang

pansin.

Sa halip ay umiling si Jun Wu Xie habang sinasabi: "Hindi iyon nakaktakot tulad ng sabi mo

Grandfather. Tignan mong maigi ang mga bagay na ibinigay ko sa iyo."

Agad natigilan si Jun Xian, hindi maintindihan ang sinasabi ni Jun Wu Xie at kinuha niya ang

bungkos ng mga papel na ibinigay sa kaniya ni Jun Wu Xie at seryosong binasa ang bawat isang

letra simula umpisa hanggang dulo.

At habang binabasa iyon, ay natilihan ang kaniyang utak, at ang kamay na may hawak sa papel

ay di-mapigil ang panginginig.

"Ang pagliyabin ang spirit power ng isang tao, upang maabot ang Purple Spirit… Paano…

Paano nangyari iyon?" Ang boses ni Jun Xian ay halos pabulong at hindi makapaniwala. Ang

mga letra ba na nasa papel na ito ay nagsasabi sa kaniya, na mayroong paraan upang

puwersahang makamit ang kapangyarihan ng Purple Spirit!?