Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 1280 - Ang Sandaling Pagkalito (5)

Chapter 1280 - Ang Sandaling Pagkalito (5)

Ang kumpletong walong mapa sa kanilang mga kamay, ibig sabihin ang libingan ng Dark

Emperor ay hindi na isnag lihim kay Jun Wu Xie at sa mga kasama nito. Sa oras na mabuksan

ang libingan ng Dark Emperor, alam ni Jun Wu Xie na ang buhay nila ay hindi na magiging

tulad ng dati.

Sa pag-alis na iyon, hindi nila alam kung kailan sila makakabalik, at hindi nagmamadali si Jun

Wu Xie sa pag-alis sa halip ay mayroong nais iwanan bago umalis.

Nagbalik si Ye Sha matapos ang ilang araw na dala-dala ang ulo mi Elder Huang upang

magbalita.

Si Jun Wu Xie ay naging abala sa kaniyang silid nitong mga nagdaang araw at hindi kapani-

paniwala… si Jun Wu Yao ay hindi nagpunta upang abalahin siya.

Nang lumabas ng silid si Jun Wu Xie ay saka niya hindi sinasadyang nakita si Jun Wu Yao na

nakamasid sa direksyon ng pintuan ng kaniyang silid habang nakaupo sa patyo.

Di-namalayan na humarap siya kay Jun Wu Yao at nginitian ito na hindi masasabing

maningning, tila nanunupil ngunit gayunman ay hindi naman bihira.

Nanlaki ang mata ni Jun Wu Yao at natigilan, at namula ng bahagya ang kaniyang mukha.

Si Ye Sha na nagbabantay sa isang madilim na sulok nang masaksihan ang eksena, ay halos

lumuwa ang mata sa ulo.

"Ilang araw lang ang nagdaan na wala ako ngunit bakit pakiramdam ko ay tila nagbago ang

buong mundo? Si Lord Jue at ang Young Miss, nagkapalit ba sila ng kaluluwa? Parang may mali

akong nararamdaman dito." Kadalasan, ay lagi niyang nakikita na tinutukso ni Jun Wu Yao si

Jun Wu Xie at ang huli ay mamumula ang buong mukha, ngunit ngayon… ay nagkapalit ang

taong namumula!?

Tungkol doon, para kay Ye Mei ay hindi na iyon kakaiba. Nang araw na iyon, ay ikinulong ni Jun

Wu Yao ang sarili nang buong gabi at ang tilamsik ng tubig ay hindi huminto. Kung hindi

lamang dahil sa pambihirang katawan ni Jun Wu Yao, ang pagbabad sa malamig na tuig ng

buong gabi ay magdudulot sa sinuman na himatayin at magkasakit.

"Hindi mo nasaksihan ang isang magandang palabas." Saad ni Ye Mei, binigyan niya ng isang

makahulugang tingin si Ye Sha habang tinatapik iyon sa balikat.

Mas lalong naguluhan si Ye Sha.

"Sa nagdaang dalawang araw matapos ko makabalik, naramdaman ko na ang mga ikinikilos ni

Lord Jue ay tila kakaiba. Hindi niya hinahanap ang Young Miss at nanatili lamang siyang

nakaupo sa patyo at blankong nakatitig sa silid ng Young Miss… Nagkasakit ba si Lord Jue?"

Nag-aalalang tanong ni Ye Sha.

Ang isang sulok ng bibig ni Ye Mei ay napangiwi at dali-daling umiling.

"Ilang taon na pagsisilbi kay Lord Jue, ni minsan ba ay nakita mo siya na mapalapit sa kaninong

babae?

Umiling si Ye Sha. "Si Lord Jue ay hindi pangkaraniwang lalaki, at mas mataas siya sa mga

pantaong bagay tulad ng pag-ibig."

Hindi na banggitin ang makita si Jun Wu Yao na malapit sa isang babae, sa buong Dark Regime,

silang lahat ay mga kalalakihan, at maski ang anino ng isang babae ay hindi makikita.

"Ang Young Miss ang unang babae na nakasalamuha ni Lord Jue, tanging siya lamang."

Matulunging saad ni Ye Mei.

Ngunit hindi pa rin maintindihan ni Ye Sha.

Bumuntong-hininga si Ye Mei at naglakad na palayo habang ang mga kamay ay nasa likod ng

ulo.

[Ang magkaroon ng pait sa puso at hindi maintindihan ng sinuman… gaano kalungkot iyon!?]

"Anong ginagawa mo at nakaupo ka rito?" Tumingin si Jun Wu Xie kay Jun Wu Yao habang

dahan-dahang naglakad palapit sa kaniya at sa sandaling nakita niya si Jun Wu Xie, ang imahe

ng kaakit-akit na makulay na tagsibol na muntik ng mahantad sa kaniya at pinahirapan ang isip

niya nitong mga nagdaang araw ay muli na namang lumitaw ng malinaw, ay nagdulot sa dugo

niya na umakyat muli at nagpapula sa kaniyang mukha.

"Nakaupo lang. Ano ang pinagkaabalahan ni Little Xie nitong mga nakaraang araw?Hindi kita

nakitang lumabas." Natatawang saad ni Jun Wu Yao, nagkunwari siya na walang kakaibang

nangyari.

Sa mga nakaraang araw, ay hindi siya kumatok sa silid ni Jun Wu Xie sa halip ay nanatili

lamang siya na nakaupo sa patyo upang masdan ang silid nito habang malalim ang takbo ng

isip.

"Kailangan ko makita si Grandfather." Saad ni Jun Wu Xie habang iwinawagayway ang bungkos

ng mga papel na nasa kaniyang kamay.

Tumango si Jun Wu Yao at hindi na nagtanong pa.

Ngunit hindi pa nakakadalawang hakabang si Jun Wu Xie nang lumingon siyang muli sa

nakangiting si Jun Wu Yao. Agad siyang yumuko at hinalikan si Jun Wu Yao sa labi at

pagkatapos ay umalis na…

Nakaupo sa may patyo ay si Jun Wu Yao na natigilan dahil sa matinding gulat.

Nakanganga na napatitig si Ye Sha sa kakaibang eksena na nahantad sa kaniyang harapan. Nais

niya talagang malaman kung ano ang tunay na nangyari ng mga nagdaan na araw na wala siya

doon!