Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 1278 - Ang Sandaling Pagkalito (3)

Chapter 1278 - Ang Sandaling Pagkalito (3)

Habang ang pusang itim ay hindi mapakali sa matinding pag-aalala na ang kaniyang Mistress

ay maaaring ilayo ng dakilang Demon Lord, biglang tumayo si Jun Wu Xie at nagpalit ng

kasuotan, at nagmamadaling lumabas ng silid, at mabilis rin na napasunod ang pusang itim.

Naglakad palabas ng silid si Jun Wu Xie na nagmamadali ang hakbang, patungo siya sa silid ni

Jun Wu Yao.

Nagbabantay sa labas ng pintuan at malalim ang buntong-hininga para sa kaniyang Lord,

napataas ang tingin ni Ye Mei at agad namataan si Jun Wu Xie na mabilis na paparating, at ang

mata niya ay nanlaki sa matinding gulat.

"Young Miss…"

Bago pa niya matapos ang pagsasalita, si Jun Wu Xie ay nakapasok na na parang isang ihip ng

hangin na dumaan sa kaniya, sinipa ang pintuan ng silid ni Jun Wu Yao!

Tahimik na natigagal si Ye Mei.

Sa loob ng silid, si Jun Wu Yao na basa pa rin ng malamig na tubig ay narinig ang malakas na

kalabog at nagsalubong ang mga kilay. Ang itaas na bahagi ng katawan na walang saplot ay

nagniningning mula sa mga patak ng tubig na nakakapit sa kaniya, ang basang buhok ay

nakaayos sa kaniyang malapad na likod, binalangkas nito ang perpektong hulma ng kaniyang

maskuladong katawan.

Nagtataka na tumingin si Jun Wu Yao kay Jun Wu Xie na naglakad papasok sa kaniyang silid.

"Little Xie…" Nanatili siyang nakatayo sa kaniyang kinatatayuan, ang amta niya ay naningkit

habang nakatingin kay Jun Wu Xie na naglakad papunta sa kaniyang harapan, ang nag-aalab

na apoy sa kaniyang dibdib na hindi pa rin natutupok ang nagpapaos sa kaniyang boses nang

magsalita siya.

"Nagpunta ako dito dahil mayroon akong kailangan linawin." Saad ni Jun Wu Xie habang

nakatingin kay Jun Wu Yao na nasa harapan niya. Ito ang unang pagkakataon na nakita niya si

Jun Wu Yao… ayon sa balangkas na sukat ng isang katawan ng tao, masasabi niya na ito ang

perpektong uliran ng katawan na kaniyang nakita.

"Ano ang nais mo… linawin?" Sa ilalim ng malamig at maginaw na tubig, ang nag-aalab na

apoy na halos natupok na nang may kahirapan ay agad na namang nag-alab nang magpakita

doon. Naramdaman ni Jun Wu Yao na natuyo ang kaniyang lalamunan, ang mata niya ay hindi

nagawang mapanatili ang maskarang itim, ang lila na mata ay naningkit habang

pinaglalabanan ang udyok na sumisira sa kaniya.

"Ikaw… lumapit ka." Biglang sabi ni Jun Wu Xie kay Jun Wu Yao.

Mapait na tumawa sa kaibuturan ng puso niya si Jun Wu Yao. Hindi sa ayaw niyang lumapit

ngunit… para sa kaniya sa sandaling iyon, ay nagtataglay siya ng nakamamatay na alindog, at

kung lalapit siya, ay natatakot siya na hindi na niya magawang kontrolin ang hayop na malapit

na kumawala.

Subalit, para sa hiling ni Jun Wu Xie, ano't ano pa man, ay tutugon siya.

Naglakad siya palapit kay Jun Wu Xie, muli ay naamoy na naman niya ang bahagyang amoy ng

mga halaman sa kaniyang katawan, at ang dugo niya ay nagsimula na namang kumulo.

Lahat sa kaniya, tila ay pumupuno sa buong isip niya.

"Kailangan ko kumpirmahin…" Tinitigan ni Jun Wu Xie si Jun Wu Yao na lumapit at tumayo s

akaniyang harapan at itinaas ang kaniyang mga kamay at ikinawit sa leeg ni Jun Wu Yao

habang nakatingkayad, at nagtanim ng isang malaking halik sa naninigas na labi ni Jun Wu

Yao!

"..." Ang tanging nagawa ni Jun Wu Yao ay tumayo at manlaki ang mata, hindi gumagalaw ang

katawan, habang ang utak ay biglang sumabog!

Ginaya ni Jun Wu Xie ang halik ni Jun Wu Yao, galawgaw na paggaya. Matapos ang ilang

sandali, nang maramdaman ang pagkapos ng hininga, ay saka pa lamang niya inalis ang kamay

at umatras.

"Ito."

Nang sabihin iyon, ay tumalikod na siya, walang lingon-likod na naglakad palabas ng silid.

Iniwan mag-isa si Jun Wu Yao sa loob ng silid, hindi nagawang makahuma, o maintindihan

kung ano ba talaga ang nais ni Jun Wu Xie.

Hinalikan siyang muli nito, at hindi lamang iyon mabilis na halik na binibigay nito sa kaniya

noon. Katulad ito ng kaniyang ginawa, isang malalim na uri ng halik. Bagama't galawgaw,

bagama't baguhan pa lamang sa ganito, ay matindi ang naging epekto niyon na parang isang

kuryente na mula sa kawalan, na tumama ng matindi kay Jun Wu Yao at halos kalahating araw

bago siya makabawi mula doon.

Nakatayo sa may pintuan at nasaksihan lahat ng mga nangyari, natigagal din si Ye Mei at tila

naging estatwa.

Hindi niya akalain na ang biglang pagdating ng Young Miss doon ay upang… matikman ang

kaniyang Lord Jue!?

Related Books

Popular novel hashtag