Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 1276 - Ang Sandaling Pagkalito (1)

Chapter 1276 - Ang Sandaling Pagkalito (1)

[Hindi pa iyon sapat!]

[Hindi pa!]

[Naghangad pa siya ng mas marami.]

Biglang tumayo si Jun Wu Yao, kinarga si Jun Wu Xie at malalaki ang hakbang na nagtungo

papasok sa silid. Dahan-dahan niyang inalalayan ang nanlalatang katawan nito upang isandig

sa kaniyang balikat.

Ilang hakbang lamang ang agwat, ngunit butil-butil ang pawis ni Jun Wu Yao sa kaniyang noo.

Maingat na inilapag niya si Jun Wu Xie sa kama, ang malakas niyang mga braso ay nakaunat

habang tangan si Jun Wu Xie sa magkabilang balikat upang ilapag ito. Minasdan niya si Jun Wu

Xie na nakahiga sa kama, at ang mga mata ay nalalambungan pa rin.

Butil-butil ng pawis ang tumutulo sa kaniyang noo at tumulo sa leeg ni Jun Wu Xie.

Ang malinaw na butil ng pawis na iyon ay umagos sa napakputi at makinis na balat. Bawat

sulok, ay dumako ang sulyap ni Jun Wu Yao, hanggang sa ang malinaw na butil ay binasa ang

itim na buhok.

Nanginig ang lalamunan ni Jun Wu Yao, ang kaniyang sulyap ay naging malalim at taimtim, at

maging ang kaniyang paghinga ay bumagal habang ang bola ng apoy na nag-aapoy sa kaniyang

dibdib ay nagpasigaw sa bawat himaymay niya.

"Little Xie…" Ang boses niya ay mababa at paos na tila kinaskas iyon ng liha.

Tinitigan ni Jun Wu Yao ang mamula-mulang balikat ni Jun Wu Xie, at ang sulyap niya ay

sinilaban habang pinapasadahan ng tingin ang maputi at malambot na balat, minasdan ang

karilagan na nababalutan ng kasuotan.

Laging nakasuot ng damit panglalaki, kaya hindi gaanong napapansin, ngunit si Jun Wu Xie ay

nagtataglay na ng kaakit-akit at kahalayan ng isang dalaga. Mayroon lamang kaunting

kaibahan, ngunit iyon ay humila sa puso ni Jun Wu Yao, at ninais na tupukin ang nakaharang

na mga piraso ng saplot, hinangad na maalis lahat ng tumatakip sa karilagan nito.

Lahat ng iyon…

Ay tanging siya lamang ang dapat makakita.

Siya lamang ang nagmamay-ari.

Ang mahahaba, balingkinitan at magagandang daliri niya ay bahagyang umangat, ang dulo ng

isang daliri ay nakakawit sa kuwelyo ng kasuotan ni Jun Wu Xie. Ang oras ay tila mabagal ang

takbo. Hindi napansin ni Jun Wu Yao na ang kaniyang daliri ay nanginginig, at wala sa kaniyang

kontrol na pumailalim.

Kailangan lamang ng kaunting paghatak, at maaalis na ang anuman na nakabalot doon.

Ang hayop na nasa loob ng kaniyang dibdib ay nais kumawala sa kaniyang kulungan,

naghuhumiyaw na makalaya.

"Big Brother?" Ang isip ni Jun Wu Xie ay nablanko, ang hindi maipaliwanag na nanunuot na

init na pumapaso sa kaniyang katawan ay nagpabalisa sa kaniya, ang mata niya ay

nalambungan na halos hindi na niya makita ng malinaw ang mukha ni Jun Wu Yao. Ang

nanghihinang boses ay lumabas na parang isang bulong, parang isang nahipnotismong

munting hayop na nahuli at walang magawa.

Ngunit ang halos hindi marinig na tunog na iyon ay humampas sa kaniya na parang kidlat at

diretso sa isip ni Jun Wu Yao, ang biglang pagkaladkad ng kamalayan ni Jun Wu Yao ay agad

nanumbalik!

Tumingin siya kay Jun Wu Xie na bahagyang nakabuka ang bibig, nakatitig sa walang kalaban-

laban na sulyap, at ang maskuladong braso ay nagkumpol. Huminga siya ng napakalalim, at

ang daliri na nakakawit sa kuwelyo ng damit ay dahan-dahang lumayo.

"Ika'y dapat na magbihis." Bnayad na hinalikan ni Jun Wu Yao ang noo nito at agad na lumayo

upang umalis, malalaki ang hakbang palabas sa silid!

Sa loob ng silid, ay puno ng amoy nito, at hindi niya alam kung magagawa ba niyang

ipagpatuloy na mapanatili ang kahuli-hulihang bakas sa natitira niyang katinuan kung nanatili

siya doon.

Sa isang kalabog, ang pintuan ng silid ay agad sumara, at dahan-dahan na naupo si Jun Wu Xie.

Dahil sa nawalang init na nagmumula sa katawan ni Jun Wu Yao, nakaramdam siya ng lamig na

gumapang mula sa kaniyang braso at balikat, dahil sa lamig na naramdaman ay bahagya

siyang napayukyok at niyakap ang kumot habang nakaupo sa kama, at walang nakakaalam

kung anumang ang tumatakbo sa isipan niya.

Sa labas lamang ng silid, ay agad napansin ni Ye Mei ang presensiya ni Jun Wu Yao at

magsasalita sana siya nang makita niya ang anyo ni Jun Wu Yao na mabilis na dumaan sa

kaniyang harapan na tila isang kidlat!

Ikinulong ni Jun Wu Yao ang sarili sa silid. Bagama't iniwan niya ito doon, ay para bang

nararamdaman pa rin niya ang presensya nito sa kaniya, ang amoy na iyon na pagmamay-ari

nito, nakadikit sa kaniyang katauhan, at hinamot ang kaniyang katinuan sa bawat nagdaan na

sandali.

Bigla, ay pinunit ni Jun Wu Yao ang kaniyang damit at basta na lamang itinapon iyon sa upuan

na nasa tabi. Ang maskuladong katawan na hubad, at naglakad patungo sa tabi ng banyera.