Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 1275 - Mga Handog para sa Iyo (3)

Chapter 1275 - Mga Handog para sa Iyo (3)

Isa lang iyong mabilis na magaang pagdampi, ngunit nagdulot iyon sa buong katauhan ni Jun

Wu Yao na manigas habang titig na titig kay Jun Wu Xie, nang sa pares ng mga itim na matang

iyon, ay may umikot-ikot na daloy ng lila na liwanag.

Ang banayad at malambot na halik na iyon ay nagpablanko sa isip ni Jun Wu Yao, ang kaniyang

huwisyo ay biglang nawala, ang paligid ay tila tumahimik, ang kaniyang mga pandama ay

biglang nahinto, kung saan tanging maliit at bahagyang init lamang na nagtagal sa kaniyang

labi ay malinaw na inapektuhan ang buong isip niya.

Hindi iyon ang unang halik, ngunit sa parehong pagkakataon ay iyon rin ang unang halik.

At sa pagkakataong iyon, sa mas makabagbag-damdamin iyon kaysa sa mga nangyari noon.

Matapos itanim ni Jun Wu Xie ang mabilis na halik na yiyon sa labi ni Jun Wu Yao, ay tahimik

siyang dumistansiya dito, ang malinaw niyang mukha ay nabahiran ng pamumula, ang mata

niya'y tuliro habang nakatingin kay Jun Wu Yao.

Madalas na nababalot ng balakyot na hangin sa kaniyang paligid, sa mga sandling iyon si Jun

Wu Yao ay tila tuluyang nawala ang kamalayan, sindak at gulat na nakatitig lamang sa kaniya,

ang mata niya ay hindi magawang mapirmi ang purong itim na estado dala ng daluyong ng iba-

ibang emosyon na tumatangay sa kaniya na parang walang hinto na mga alon.

Kumurap si Jun Wu Xie. Iyon ang unang pagkakataon na nanguna siyang humalik kay Jun Wu

Yao, ngunit ang naging rekasyon nito ay tila iba kaysa noon…

[May nagawa ba siyang mali?]

Subalit, bago pamatapos ni Jun Wu Xie ang pagmumuni-muni sa tanong na iyon…

Ang braso na nakahawak sa kaniyang baywang, ay biglang sumikip ang pagkakahawak, at ang

maliit niyang katawan ay hinatak upang mapalapit sa malapad na dibdib nito, kung saan halos

malinaw na niyang nararamdaman, sa ilalim ng matipunong dibdib, ang napakalakas na pintig

ng puso.

Isang nag-aalab at marubdob na halik, hindi tulad ng mga karaniwang panunudyo noon.

Puno ng matinding paghangad at pagsakop, puno ng walang katapusan na tamis, habang

sinasakop nito ang kaniyang bibig, nilukob ang hininga nito, kinukuha ang bawat katiting ng

kaniyang bango.

Dahil sa marubdob na halik na iyon, pakiramdam ni Jun Wu Xie ay nanghina ang kaniyang mga

binti, hawak lamang ng malakas na braso na nasa kaniyang likod, tila lahat ng lakas niya ay

kinuha mula sa kaniya, at ang utak niya ay parang nagsara ng sandaling iyon, isang bagay

lamang ang naaalala niya, at iyon ang pamilyar na amoy na pagmamay-ari ni Jun Wu Yao na

pumuno sa kaniyang kamalayan.

Ang palad ng libreng kamay nito ay nakadiin sa likod niya, humahagod sa kaniyang likuran sa

ibabaw ng kaniyang kasuotan. Tila hindi kuntento, ang kamay na iyon ay pumailalim sa

kaniyang damit, nagsindi ng apoy sa malambot na balat sa kaniyang likuran.

Para iyong kumpol ng mga apoy na nagliliyab sa kaniyang likuran, nag-aalab sa ilalim ng kamay

nito na kumalat sa buong likuran niya.

Pakiramdam niya ay tuluyan na siyang mawawalan ng hininga ng mga sandaling iyon.

Ang malambot at nanghihinang katawan ni Jun Wu Xie ay natumba patalikod sa sandaling iyon

na nawalan ng kontrol, ang braso na nakahawak sa kaniyang baywang ay wala siyang balak

bitawan na para bang nakahalo na siya sa mga buto nito.

Itinaas ni Jun Wu Yao ang kamay nito at dinala patungo sa likuran ng kaniyang leeg, ang kamay

nito na lumalaboy ay hindi nagpakita ng anumang senyales ng paghinto.

Tila tinatatakan nito ang buong pagkatao hanggang sa kaluluwa niya, ang mga daliri nito na

nasa kaniyang balat ay hindi bumibitaw.

Ang manipis na tela ng kaniyang damit ay gusot na sa ilalim ng mabangis at ang kaluskos ng

damit na tumutunog sa kaniyang tainga. Parang pakpak ng kuliglig, isang maputing balikat ang

nahantad. Ang ginaw ng taglamig ay ramdam sa paligid at ang hangin ay puno ng nakakanginig

na ginaw, na dahilan upang mangatog si Jun Wu Xie ng hindi sinasadya.

Ngunit sa sandaling maramdaman ang ginaw habang nasa yakap nito, ang init na humaplos sa

kaniyang balikat, ay agad pinawi ang lamig, at nagdala sa kaniya ng nakakapasong init.

Sa ilalim ng kaniyang daliri, ang makinis at malambot na haplos, ay unti-unting tumutupok sa

katinuan ni Jun Wu Yao.

Related Books

Popular novel hashtag