Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 1273 - Mga Handog para Sa Iyo (1)

Chapter 1273 - Mga Handog para Sa Iyo (1)

Ang makita na masayang kumakain ang munting Emperor, ang luha ni Fei Yan ay umaagos na

parang ilog.

"Mayroon lamang akong naisip na isang bagay." Saad ni Qiao Chu, habang hinahaplos ang

kaniyang baba.

"Ano?" Sabi ni Hua Yao.

"Sa pagpunta natin sa libingan ng Dark Emperor, isasama ba natin ang munting nilalang? Hindi

ba't ang sabi ay puno ang libingan ng Dark Emperor ng hindi mabilang na kayamanan at

mahiwagang artifacts? Ang dami ng jade at mga bagay na puno ng diwa ng spirit ay

siguradong maraming-marami. Kung ang munting nilalang ay kailangan talaga iyong gawin, ay

hindi magiging malaking problema kung isama natin siya, at hayaan siya na magpista

hanggang sa siya'y makuntento. Hindi ba't maganda iyon?" Walang muwang na saad ni Qiao

Chu.

"Ang libingan ng Dark Emperor ay puno pagkarami-raming panganib at kung isasama natin

siya baka hindi iyon maging ligtas para sa kaniya." Saad ni Rong Ruo na bahagyang

nakasimangot ang mukha. Hindi siya natatakot tungkol sa suhestiyon, ang iniisip niya ay

kaligtasan ng munting Emperor. Sila ay nakarating na sa Heaven's End Cliff at alam nila kung

gaano kapanganib ang lugar. Sila mismo ay nahirapan na protektahan ang kanilang mga sarili

doon, paano pa kaya para sa isang batang Emperor na may mahinang spirit na sasama sa

kanila?

"Sa aspetong iyan, ay wala kayong dapat ipangamba." Biglang saad ni Jun Wu Yao. "Kung

pagbabasehan ang indibidwal na galing sa pakikipaglaban, sa inyong lahat dito, ay wala sa inyo

ang makakapantay sa kaniya." Nalipat ang tingin niya sa munting Emperor na patuloy pa rin sa

pagkain ng jade na palawit.

Lahat ng mga kabataang naroong ay hindi makapaniwala at nanlaki ang mga mga mata,

nakatitig sa padaskul-daskol na munting Emperor na walang ibanh alam sabihin kundi "yit yit

yit".

"Ang Scarlet Blood ay ginawa upang magbigay ng matinding kapangyarihan. Hindi siya pinatay

ng Scarlet Blood, ngunit ang kapangyarihan na kasama sa Scarlet Blood ay nasa kaniya na."

Paliwanag ni Jun Wu Yao upang matulungan silang maintindihan.

"Talaga?" Tanong ni Jun Wu Xie nang lumingon kay Jun Wu Yao.

Ngumiti si Jun Wu Yao at sumagot: "Kailan ba ako nagsinungaling sa'yo?"

Tila nagulat si Jun Wu Xie. "Sinasabi mo ba na maaarin namin siyang isama?"

Tumango si Jun Wu Yao.

"Hindi lamang siya, sasamahan ko rin kayo."

Pagkasabi niyon, ay sulyap ni Jun Wu Yao ay hindi naalis sa mukha ni Jun Wu Xie. Bagama't

nakangiti ang labi, ang mga sinabi niya ay tunay at tapat.

Wala sa sarili na napyuko si Yun Wu Xie, at ang puso niya ay nagsimula sa mabilis na pintig.

"Oy, kung kasama natin si Big Brother Wu Yao, wala na tayong dapat pang ikatakot!" Si Qiao

Chu ang pinakamalaki at pinakatapat na tagahanga ni Jun Wu Yao, at tungkol sa kagitingan ni

Jun Wu Yao, ay talagang sinasamba niya ang lalaki. Nang marinig na sasama sa kanila si Jun

Wu Yao, ay siya ang pinakamasaya sa kanilang lahat.

"Dalawang mapa na lang ang kulang. Kaya lumabas tayong lahat upang mabilis nating matipon

iyon at pagkatapos ay makapunta na tayo sa libingan ng Dark Emperor!" Saad ni Qiao Chu

habang hinihimas ang kamao, handa na iyong bitawan.

Ang mga kabataan na nasa silid ay malapad ang mga ngiti dahil ang ang araw na kanilang

hinihintay ay napakatagal, sobrang tagal dumating. Ang pag-asa ngayon ay abot-tanaw na nila

at halos nararamdaman na nila ang pagragasa ng kanilang dugo kasabay ang init na

nagmumula sa matinding paghahangad na makapaghiganti.

"Hindi niyo na kailangan na maghanap pa." Biglang saad ni Jun Wu Yao.

Naguguluhan na napatingin si Kun Wu Xie.

Bahagyang napatango si Jun Wu Yao at si Ye Mei na nakatayo sa isang tabi ay naglabas ng

dalawang maliit na kahon mula sa kaniyang kasuotan, at dinala iyon sa harapan ni Jun Wu Xie.

Tumingin si Jun Wu Xie kay Jun Wu Yao, hindi alam kung ano ang intensyon nitong gawin.

"Dahil wala ako sa iyong tabi nitong mga nakaraan, ang mga regalong iyan ay mga munting

bagay-bagay na tinipon ko para lamang sa'yo, at umaasa ako na magustuhan ito ni Little Xie."

Saad ni Jun Wu Yao na marahang tumawa, itinaas ang kamay upang haplusin ang ulo ni Jun

Wu Xie.

Lumapit si Jun Wu Xie at binuksan ang mga kahon na nasa kamay ni Ye Mei.

Dalawang lumang mapa na mula sa balat ng tao ang nakalagak sa loob ng mga kahon!

"Iyan ay mga mapa!!" Bulalas ni Qiao Chu.

Sa loob ng dalawang kahon, ay naglalaman ang dalawang piraso ng mapa na hinhanap ni Jun

Wu Xie at mga kasama nito!

Litong itinaas ni Jun Wu Xie ang kaniyang ulo upang tanungin ito tungkol sa mga iyon. Ngunit

sa eksaktong sandali na humarap siya, ay biglang lumapit si Jun Wu Yao at sinunggaban ang

pagkakataon at nagtanim ng halik sa bahagyang nakaawang na labi ni Jun Wu Xie.