Ang munting Emperor ay malungkot na nakaupo sa higaan, ang malaking pares ng mapupula
niyang mata ay sumilip sa kaliwa't kanan, na parang may hinahanap na bagay.
Ang munting Emperor ay mas mukhang masigla kaysa noon at ang mata niya ay hindi kalmado
at walang ekspresyon na parang payapang tubig. Ngunit ang mga lugar kung saan gumagala
ang sulyap nito ay kakaiba, kundi ito nakatitig sa lamesa at upuan, o sa pandekorasyon na
palamuti na nakalagay sa loob ng silid. Hindi maiwasang maramdaman ni Jun Wu Xie na kung
wala siya doon, ang munting Emperor ay maaaring lumundag na sa mga iyon at kinain na lahat
ng mga bagay na hindi makakain.
"Little Jue." Biglang tawag ni Jun Wu Xie.
Ang munting Emperor ay hindi gaanong nagbigay ng reaksyon at sa halip ay tumayo lamang sa
isang tabi at tumingin kay Jun Wu Xie, at biglang napataas ang kilay nito.
[Little Jue… Jue…]
"Ano pa ang naaalala mo?" Hindi napansin ni Jun Wu Xie ang reaksyon ni Jun Wu Yao at sa
halip ay maiging inobserbahan ang mukha ng munting Emperor.
Npakurap ang munting Emperor at ibinaba ang ulo sa kaniyang balikat habang nakatingin kay
Jun Wu Xie.
"Yit…"
"..." Hindi makapagsalita si Jun Wu Xie.
Sa kabutihang palad, ay nagdatingan na ang mga tagapagsilbi ng Lin Palace at nagdala ng iba't
ibang pagkain. Sinubukan ni Jun Wu Xie na dalhin palapit sa lamesa ang munting Emperor at
hindi naman nagpapigil ang munting Emperor, hinayaan na siya ay dalhin upang sa huli'y
maupo sa lamesa.
"Kainin mo ito kung ika'y nagugutom." saad ni Jun Wu Xie habang nakatingin sa munting
Emperor.
Tumingala ang munting Emperor kay Jun Wu Xie at kay Jun Wu Yao na nakatayo sa likuran
nito. Saglit na itong nag-alinlangan bago niya dahan-dahang itinaas ang kamay at yumuko
upang kumain.
"Ano ang nangyayari ngayon sa kaniya?" Tanong ni Jun Wu Xie na magkasalubong ang kilay.
Magandang balita na nanumbalik na ang kamalayan ng munting Emperor, ngunit hindi niya
maiwasan na maramdaman na tila may mali.
Nagsalita si Jun Wu Yao na nasa isang tabi: "Ang Soul Calming Jade ay maaaring maging spirit
core, ngunit iyon ay iaayos lamang ang kaniyang spirit. Ang kaniyang spirit ngayon ay bago, tila
sa isang sanggol kung saan ang mga nakaarang alaala niya ay wala na."
Ang munting Emperor ay ang munting Emperor pa rin, wala lamang ang nakaraang alaala nito,
kung saan tila naging bagong silang na sanggol ito.
Tinitignan lahat ng bagay sa paligid, na maaaring pumuno sa kulang na spirit.
May sasabihin pa sana si Jun Wu Xie nang madiskubre niya na hindi lamang naubos ng
munting Emperor lahat ng pagkain sa lamesa, isinubo rin nito sa kaniyang bibig ang puting
babasagin na mga baso na may lamang tubig. Nagmadaling lumapit si Jun Wu Xie at inunat
ang kamay sa pagnanais na alisin iyon nang marinig niya ang isang malakas at malutong na
pagbasag. Ang matigas na puting babasagin na baso ay nadurog ng mga ngipin ng munting
Emperor.
Ang puting babasagin na baso ay nakalupkupan ng ginto at talagang matibay. Idagdag pa na
ang ngipin ng walo o siyam na taong gulang na bata, kahit sa isang may edad na nilalang na
durugin iyon ng kaniyang ngipin, ay mangagailangan ng matinding lakas.
Ngunit ang baso na iyon sa bibig ng munting Emperor, ay naging malutong na parang isang
puting babasagin na tofu lamang, madaling nadurog, at naging alikabok.
Malinaw pa na naririnig ni Jun Wu Xie ang malutong na tunog, habang nginunguya ng munting
Emperor ang putaing babasagin na baso, at nilunok iyon papunta sa kaniyang bituka…
Matapos kumain, ang sulyap nito ay napako sa sa isang babasagin na Ruiy na nakalagay sa
ibabaw ng kahoy na tokador.
"Yit Ruyi…" Lumingon ang munting Emperor upang tumingin ng may pagmamakaawa kay Jun
Wu Xie.
Hindi talaga malaman ni Jun Wu Xie kung paano ilalarawan ang nagtatalong pakiramdam at
gulat na pumuno sa kaniyang puso ng mga sandaling iyon.
[Ang batang ito…]
[Ay talagang kumakain ng babasagin!]
Tumayo sa isang tabi si Jun Wu Yao upang hangaan ang gulat na ekspresyon ni Jun Wu Xie,
ang mata niya'y nagningning sa tuwa.
"Bagama't ang Soul Calming Jade ay ginagamit lamang sa spirit bodies, kahit paano ay
kailangan pa rin nitong sumipsip ng lakas. Ang mga jade na bagay ay naglalaman ng kapaki-
pakinabang na elemento at ang mga kailangan ng Soul Calming Jade ay maipapakita sa
munting Emperor. Para lubusang maayos ng Soul Calming Jade ang kaniyang spirit, ay
mangangailangan ito ng diretsong tustos ng enerhiya." paliwanag ni Jun Wu Yao.