Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 127 - Simula Palang Ito (Unang Bahagi)

Chapter 127 - Simula Palang Ito (Unang Bahagi)

"Ama, sobra ang puri mo." Magalang na sinabi ni Mo Qian Yuan.

"Tamang may gantimpala ang Prinsipeng Tagamana at ang Palasyo ng Lin sa mga nangyari. Ako ang magpapasya sa mga pagpapala. Mahaba na ang gabi, at pagod ka na, Jun Xuan. Magpahinga ka na dahil kailangan ka ng kaharian, bilang lakas nito." Ngumiti ang Emperador, ngunit sa loob, ay galit dahil sa sa kahihiyang kinailangan niyang lunukin. Hindi pa siya nakakaranas ng pagpapahiyang tulad nitong gawa ni Jun Wu Xie.

Nais lang niyang umalis ang demonyo at magdasal na wala nang mangyari.

Hindi rin nagmamadaling magsalita si Jun Xian ngunit nang tignan si Jun Wu Xie, na hindi umimik ngunit nalapit sa kanya ang kapangyarihan, ay hindi na nagsalita.

Pinahinahon na ni Jun Wu Xie ang malisya nang lumabas ang kanyang lolo, at ang malamig nalang na kilos ang nanatili: "Salamat, Mahal na Hari, ngunit mayroon pang natitirang salot at nais kong imbitahan ang Prinsipeng Tagamana upang biyayaan kami ng kanyang presensya upang talakayin pa ang patungkol sa mga natitirang salot na nakalusot."

Nagulat ulit ang Emperador, nakalusot na salot!?

Marami nang napatay si Jun Wu Xie, at bumalik na si Jun Xian. Hindi parin siya natitinag!?

Ilan pa ba ang kailangan niyang patayin!?

Masyado nang pagod ang Emperador para lumaban at ang kaya nalang gawin ay ngumiti at tumango.

Lumabas si Mo Qian Yuan at tumabi kay Jun Wu Xie. Hindi lang ang Emperador at si Mo Yuan Fei ang natakot sa mga nangyari, pati siya, isang kakampi, ay nagulat sa kanyang kalupitan.

"Aalis na kami. Masyadong natakot ang Mahal na Hari ngayong gabi, magpahinga kayo ng mabuti." Umalis si Jun Wu Xie pagkatapos, na tila walang nangyari.

Senyas ang sinabi ni Jun Wu Xie para umalis ang hukbo mula sa Palasyo. Ang mga taong nakahilera sa daan ay may dalang puri at respeto para sa mga umalis.

Sa pader, na nanonood sa pag-alis ng hukbo, hindi na mapigilan ng Emperador ang galit at takot, at may biglaang lumabas na dugo mula sa kanyang bibig, at agad siyang pinuntahan ng mga alagad niya.

Matagumpay, sinakyan ni Jun Wu Xie ang itim na halimaw katabi ang kabayo ni Jun Xian. Naglaho nanaman si Jun Wu Yao sa gitna ng mga tao at hindi na siya mahanap ni Jun Wu Xie.

"Kamusta po kayo, lolo?" Kalmadong tinanong ni Jun Wu Xie.

"Tumatanda na ako, kundi dahil sa luto mo at sa iyong pag-aalaga, hindi tatagal ang mga buto ko." Ang Jun Xian na nagliliwanag sa labas ng Palasyo, ay nagpakita na ng kapaguran ngayong hindi na sila nakikita ng mga tao.

Nanliit ang mga mata ni Jun Wu Xie.

"Long Qi!"

"Nandito ako!" Matapos ang mga nangyari, respeto lang ang meron siya para kay Jun Wu Xie. Kaunti lang ang nakakaalam, ngunit sinamahan siya ni Long Qi magmula simula at nakita niya ang lahat ng pangyayari.

"Iabot mo ang aking utos. Bago maubos ang mga may sala, ikalat mo ang hukbo sa Imperyal na Bayan at walang pwedeng umalis, kahit ang miyembro ng Pamilyang Imperyal! Patayin mo ang sinumang susuway." Sinarado ni Jun Wu Xie ang buong Bayan.

Nagulat si Jun Xian at Mo Qian Yuan sa mga sinabi niya. Pwede nilang hulaan ang mga balak ni Jun Wu Xie ngunit nanahimik nalang dahil sa mga hulang naiisip nila.

Hindi pa tapos ang mga pangyayari. Nagsisimula palang ang paghihiganti ni Jun Wu Xie.