Ang makipagkompetensiya ayon sa lakas ng isang bansa, sila ay walang laban sa Condor
Country at ikinulong sa loob ng Imperial Capital, mga manika na ikinulong sa bahay. Ang
Emperor ng Condor Country ay hinawakan ang mga pinunong ito sa kaniyang palad, lahat ng
iyon para lamang takutin ang iba't ibang bansa na sumunod.
Ang mga pinunong ito ay narito sa lugar na ito, hindi dahil sa gusto nilang sumuko sa
kasunduan, ngunit dahil hindi nila nais na bigyan ang Emperor ng Condor Country ng anumang
dahilan upang pakilusin ang kaniyang hukbo laban sa kanilang bansa.
Ang nangyari sa munting Emperor ng Buckwheat Kingdom ay malalim na nagtanim ng
malaking takot sa kanilang puso, kung saan hindi nila alam kung sila ba ang magiging susunod
na biktima.
At sa sandaling narining nila na ang Empror ng Fire Country ay nandito sa loob ng siyudad, ay
tila nakakita sila ng liwanag sa kadiliman. Kung mayroon mang makakapigili sa Condor
Country, walang iba iyon kundi ang Fire Country lamang.
Kaya naman, silang lahat ay nagtipon at agad nagtungo sa labas ng tarangkahan ng Imperial
Palace upang maghintay, naghangad na magawang makuha ang huling pag-asa na mayroon
sila.
Ilan sa mga pinuno ay nagsalit ang mga tinig sa pagitan ng pagtangis, itinapon ang dignidad ng
isang Emperor, at inalis ang kadakilaan ng kanilang mga Dragon na roba na nakabalot sa
kanilang katauhan. Hindi nila nais na maging tau-tauhan na nakatali sa Condor Country, at
labag sa kanilang kalooban na iparanas sa kanilang mamamayan ang isang nakakakilabot na
hinaharap.
Ang tanging hinihingi lamang nila sa Emperor ng Fire Country, ay ang iligtas sila, at iligtas ang
kanilang bansa.
Tahimik na pinakikinggan sila ni Jun Wu Xie, alam na ang mga masasamang gawain na ginawa
ng Emperor ng Condor Country, ngunit hindi niya inaasahan na ang Emperor ng Condor
Country ay isasagawa ang mapangahas na masamang gawain sa ganoong hanggan, ang
ikulong ang mga pinuno ng napakaraming bansa sa loob ng Imperial Capital ng Condor
Country!
"Your Majest ng Fire Country! Kung kami ay iyong ililigtas, ay mas pipiliin naming isuko ang
aming sarili sa ilalim ng Fire Country!" Ang pinuno ng Dignity Country ay tinuran iyon kahit na
ang maging kapalit ay ang kaniyang buhay kaysa hayaan ang Condor Country na gawin ang
nais sa kanilang mamamayan na maging walang isip na Poison Men, mas nanaisin nila na isuko
ang sarili sa Fire Country.
Kahit na napakalakas ng Fire Country, kahit paano ay hindi sila nakagawa ng anumang uri ng
pananamantala sa mga mahihina sa pamamagitan ng pananakot at pamimilit.
"Tumayo na kayong lahat." Mahinahon na sabi ni Jun Wu Xie.
Ang mga pinuno ay nanatiling nakaluhod sa lupa, dahil nakaatang sa kanilang mga balikat,
hindi lamang ang pasanin ang ilang buhay nila na naroon, kundi pati na rin ang ilang milyong
buhay ng mga tao ng bansa na kanilang nasasakupan.
Nakatitiga sa ilang pinuno na nakaluhod pa rin sa lupa, naramdaman ni Jun Wu Xie na tila
nagsisimula na sumakit ang kaniyang ulo.
"Simula sa araw na ito, ang Condor Country ay wala na, kaya maaari na kayong umalis." Tugon
ni Jun Wu Xie sa kanila.
"Ano…" Ang buong grupo ng mga pinuno ay naguguluhang napatitig kay Jun Xie.
[Wala na ang Condor Country?]
[Ano ang tunay na ibig sabihin niyon?]
Nakangiting inilabas ni Fei Yan ang Imperial Edict mula sa kaniyang dibdib, at binuksan iyon
upang ipakita sa grupo ng mga pinuno upang kanilang mamasdang mabuti.
"Ang Emperor ng Condor Country ay ibinigay na lahat ng kalupaan ng Condor Country upang
maging kabayaran sa Qi Kingdom at Buckwheat Kingdom, kaya naman ang Condor Country ay
wala na simula sa araw na ito. Kaya, kayong lahat ay hindi na dapat mag-alala na patuloy pa
rin siyang magdadala ng kapinsalaan sa inyo. Ngayon… kayong lahat ay maaari nang magbalik
sa inyong mga bansa sapagkat ang lahat ay tapos na." Tumatawang saad ni Fei Yan.
Ang mukha ng mga pinuno ay biglang namaluktot sa iba't ibang antas ng pag-aalinlangan
habang kanilang itinaas ang mga nanginginig na kamay upang kunin ang Imperial Edict na nasa
kamay ni Fei Yan, at nagkumpulan habang maingat at paulit-ulit nilang binabasa ang
dokumento nang matagal, bago sila tuluyang nakumbinsi ng mga sinabi ni Fei Yan.
[Ang Condor Country… ay wala na talaga?]
[Sa nagdaang dalawang oras lamang, ang ikalawa sa pinakamalakas na bansa, ay tahimik na
nabura sa ibabaw ng kalupaan?]
Ang isang katotohanang iyon, ay nagdulot sa kanilang kamalayan na biglang gumuho, wala ni
isa man sa kanila ang nakaisip na ang ganoong pagtatapos ay magiging posible.
Lahat ng mga pinuno ay wala sa sarili na inangat ang kanilang mga ulp, upang masdan ang
munting anyo na iyon, at ang mukha nitong may kaakit-akit na hitsura.
[Ang Emperoro ng Fire Country.]
"Ngunit… ngunit… Ang mga tauhan ng Condor Country ay dinala na ang aming mga Imperial
Edict patungo sa aming mga bansa…" Biglang nataranta ang Emperor ng Dignity Country. Ang
Emperor ng Condor Country ay mabilis ang pagkilos at kinuha ang mga Imperial Edict na
pinuwersang ilathala nila, at agad nagpadala ng kaniyang mga tauhan upang maglakabay ng
walang tigil upang dalhin ang mga iyon sa iba't ibang bansa.