Naglalakad palabas ng bulwagan, tumingin si Qiao Chu kay Jun Wu Xie na may malamig at
walang emosyon na mukha at hindi niya maiwasan na magtanong na may pag-uusisa: "Little
Xie… Hahayaan mo na lang ba ang Emperor ng Condor Country ng ganoon lamang?"
Kalamadong tumingin si Jun Wu Xie kay Qiao Chu.
"Kailan ko sinabi na patatawarin ko siya?"
"Pero hindi mo…"
Bago pa man matapos ni Qiao Chu ang kaniyang sasabihin, mula sa loob ng bulwagan na nasa
kanilang likuran, isang kahapis-hapis na panaghoy ang umalingawngaw, ang tunog ay pumunit
sa kanilang tainga hanggang sa ito'y sumakit.
Ang ilang kabataan ay agad lumingon at nakita ang Emperor ng Condor Country na
nakahandusay sa sahig, ang katawan niya ay nakabaluktot na parang isang bola habang
marahas na nanginginig.
"Iyon…" Nanlaki ang mga mata ni Qiao Chu at gulat na napatingin kay Jun Wu Xie. Nang sila ay
makalabas sa palasyo, ito'y nasa maayos pa na kalagayan. Paanong nangyari na sa ilang
sandali, ay nagingpunta sa ganoon angg estado ang Emperor ng Condor Country?
Tumingala si Jun Wu Xie sa humahawan na kalangitan at sinabi: "Sinabi ko na. Patawarin siya?
Imposible."
Ang elixir na ipinainom ni Qiao Chu sa Emperor ng Condor Country sa huli ay hindi isang
panlunas. Isa lamang iyong gamot na nagpapamanhid sa ugat ng isang tao upang
pansamantalang hindi maramdaman ang anumang sakit. Bagama't hindi na makakaramdam
ng sakit ang isang tao na iinom ng gamot na iyon, ngunit sa oras na mawala na ang bisa nito,
ang epekto ng gamot na iyon ay agad magpapakita, kasama ang epekto ng unang elixir na
pinainom, magdudulot sa tao ng hindi lamang puro at simpleng sakit.
Ang dalawang gamot na ito kapag pinagsama, ay magbibigay sa isang tao ng hindi mailarawan
na sakit, pagdurusa na tila walang katapusan na pagpapahirap sa susunod na pitong araw at
gabi. Sa loob ng pitong araw, walang kahit ano ang makapagpapagaling sa kondisyon na iyon,
at sa oras na ang pitong araw na iyon ay matapos na, ang Emperor ng Condor Country ay
mamamatay na mula sa trauma, ngunit bago siya kunin ng kamatayan, ay kailangan niya muna
pagdusahan ang hindi makataong pagpapahirap, sa loob ng buong pitong araw!
At iyon ang pangwakas na paghihiganti na ipinataw ni Jun Wu Xie sa Emperor ng Condor
Country.
Hindi niya papayagan ang isang madaling kamatayan, sapagkat iyon ay magiging mabuti para
doon!!
Kasabay ng kahapis-hapis na panaghoy ng Emperor ng Condor Country sa kanilang likuran, si
Jun Wu Xie at ang iba pa ay naglakad na palabas ng Imperial Palace ng Condor Country. Ang
mga guwardiya na nasa loob ng palasyo ay hindi nangahas na hadlangan ang grupo maski
kaunti, at hinayaan sila na maringal na maglakad palabas ng Imperial Palace.
Bago tuluyang makaalis sa palasyo, ay biglang napahinto si Jun Wu Xie sa kaniyang paglalakad.
Simula ng sila'y makalabas ng bulwagan, si Ye Sha ay nawala sa paningin at biglang nagbalik ng
sandaling iyon.
"Ang Elder Huang na iyon ay wala na sa loob ng Imperial Palace." Sumunod si Ye Sha sa utos ni
Jun Wu Xie at hinanap si Elder Huang sa loob ng palasyo. Ngunit matapos libutin ang buong
palasyo, ay hindi na niya nakita ang anumang bakas ng presensiya ni Elder Huang.
Malinaw na ang tusong soro matapos makalabas sa pintuan ng bulwagan ng Imperial ay agad
naramdaman na mayroong hindi tama at agad na tumakas.
"Maaaring nakatakas siya sa Imperial Palace, ngunit magagawa ba niyang makalabas ng
Imperial City? Gusto ko siyang mabura!" Saad ni Jun Wu Xie sa naniningkit na mata. Hinding-
hindi niya mapapatawad si Elder Huang, ang pangunahing salarin sa lahat ng iyon.
"Masusunod!" Pagkatapos tanggapin ang utos, ay agad nawala ang anyo ni Ye Sha sa kanilang
harapan.
Si Jun Wu Xie at ang kaniyang mga kasama ay tuluyan nang nilisan ang Imperial Palace ng
Condor Country. Ngunit kalalabas pa lamang niya sa tarangkahan ng Imperial Palace, ay agad
siyang sinalubong ng grupo ng mga lalaking may magagarang kasuotan at may mga korona sa
ulo.
Ang iba't ibang Emperor ng mga bansa na nakakulong upang manatili sa loob ng Imperial City
ay narinig ang balita tungkol sa pagdating Emperor ng Fire Country at alam nila na si Jun Xie ay
nasa loob ng Imperial Palace. Hindi sila nangahas na pumasok sa loob ng Imperial Palace ng
Condor Country kaya't wala silang ibang pagpipilian kundi ang maghintay kay Jun Xie sa labas
ng tarangkahan.
Bahagyang napasimangot si Jun Wu Xie at tinitigan ang grupo ng mga hindi pamilyar na mukha
sa kaniyang harapan.
Si Qiao Chu at ang iba pa na nasa likuran ay agad nagpunta sa harapan ni Jun Wu Xie,
hinarangan ang mausisang mga tingin ng grupo ng mga pinuno, ang kanilang mga mata ay
biglang nangamba.