Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 1252 - Kabayaran (3)

Chapter 1252 - Kabayaran (3)

Nakita na lamang ng Emperor ng Condor Country ang kaniyang sarili na lugmok dahil sa

kawalan ng pag-asa at wala siyang ibang pagpipilian kundi ang piliin ang paraan upang

makatakas siya na ibinigay sa kaniya. Ibigay ang kalahati ng imperyo sa Qi Kingdom, kahit

paano mananatili pa rin ang Condor Country.

Sa nanginginig na kamay, ay sinulatan niya ang Imperial Edict, bawat guhit ng pinsel ay

pumupunit ng piraso ng laman sa kaniyang puso.

Lagi niyang ginagamit ang lakas ng Condor Country upang sadyang takutin at pahirapan ang

maliliit na bansa, hindi niya kailanman naisip na isang araw ay paparusahan siya, ipinatikim sa

kaniya ang mga ginagawa niya.

Pagdating sa mapaniil na lakas ng isang bansa, ano ang pag-asa ng Condor Country kumpara

sa Fire Country?

Sa sandali na ilalagay na ng Emperor ng Condor Country ang kaniyang Imperial Seal sa Imperial

Edict, ay biglang nagsalita si Jun Wu Xie: "Sandali."

Inangat ng Emperor ng Condor Country ang kaniyang ulo, bumanaag sa mata ang pag-asa.

Subalit, ang mga sinabi ni Jun Xie ay nagdulot sa Emperor ng Condor Country na mas lalong

mabaon diretso sa kailaliman ng desperasyon!

"Ang pagkakautang ay hindi pa lubos na bayad." Saad ni Jun Wu Xie sa mas lalong naniningkit

nitong mata.

"Ano… ang ibig mo sabihin?" Nanlumo ang puso ng Emperor ng Condor Country.

"Hindi… Hindi pa ba ito sapat? Ibinibigay ko na sa Qi Kingdom ang kalahati ng imperyo ng

Condor Country bilang kabayaran, hindi pa ba iyon sapat?" Nagyumukyok sa sobrang takot at

puno ng desperasyon, ang Emperor ng Condor Country ay muntik nang sumigaw subalit

nagtanong sa mababang boses.

Nakakahindik na ngumiti si Jun Wu Xie at sinabi: "Ang pagkakautang sa Qi Kingdom ay bayad

na. Susunod naman ay ang sa Buckwheat Kingdom."

"Ano!?" Nanlaki ang mata ng Emperor ng Condor Country dahil hindi siya makapaniwala sa

kaniyang narinig.

[Ang Buckwheat Kingdom?]

[Ano ang kinalaman dito ng Buckwheat Kingdom ngayon!?]

Tinatamad na ikinumpas ni Jun Wu Xie ang kaniyang kamay at ang matandang lalaki na

tahimik na nakatayo sa likuran at hindi gumagawa ng kahit anong ingay ay dahan-dahan na

naglakad sa gitna ng bulwagan.

"Sabihin mo sa Emperor ng Condor Country lahat ng nais mo sabihin." Saad ni Jun Wu Xie.

Dahan-dahang itinaas ng matandang lalaki ang kaniyang ulo, at ang pare ng mga mata nito na

nakatuon sa Emperor ng Condor Country ay tila malalim itong nalubog sa nakalalason na poot

sa mahabang panahon, ang sulyap na itinapon ay para bagang ang matandang lalaki ay

matindi ang paghahangad na gutay-gutayin ang lalaking nakupo sa trono, sirain iyon sa ilang

libong piraso.

"Ikaw, naaalala mo pa ba ako?" Pigil ang galit sa boses ng matandang lalaki habnag

umaalingawngaw iyon sa loob ng bulwagan.

Tinitigan ito ng Emperor ng Condor Country, tinatantiya ang matandang lalaki sa kaniyang

harapan, pinipilit alalahanin ng kaniyang isip ang anumang alaala niya sa kabilang partido,

ngunit siya ay bigo.

"Sino… Sino ka? Hindi pa kita nakikita kahit kailan…"

Matapos marinig iyon ng matanda, ay wala ito sa sariling humalakhak ng maigting, ang

halakhak na iyon ay puno ng walang katapusang kalungkutan.

"Tama. Ikaw ang mataas at malakas na Kamahalan ng Condor Country, kaya paano mo

maaalala ang isang mababang tagapaglingkod mula sa isang munting kaharian sa

pinakamalayong gilid ng iyonh hangganan? Sa hindi mo pagkakatanda sa aking mukha ay hindi

ko na ikinagugulat, ngunit sa buong buhay ko, hinding-hindi ko makakalimutan ang hitsura

mo!" Biglang nahinto ang pagtawa ng matandang lalaki, at ang mata niya ay naningkit habang

sinasabi ang mga salitang iyon sa nangangalit na ngipin.

"Nang taon na iyon, ay ikaw mismo ang nanguna sa iyong mga kawal sa lupain ng aming

Buckwheat Kingdom. Dahil sa kayo ay lubhang marami, ginawa ninyo ang Emperor ng

Buckwheat Kingdom sa isang bagay na hindi tao o halimaw. Hinding-hindi ko malilimutan ang

kapoot-poot at nakakamuhi mong mukha! Hindi na mahalaga kung hindi mo ako maalala,

sasabihin ko sa iyo ngayon! Ako ang Grand Tutor ng Buckwheat Kingdom! Ang parehong

Buckwheat Kingdom kung saan ang dalawang magkasunod na Emperor ay ginawa mong hindi

tao at hindi rin halimaw!" Singhal ni Grand Tutor He na tila isang demonyo na puno ng poot at

paghihiganti, ang mata nitong namumula ay hindi natitinag na nakatuon sa namumutlang

mukha ng Emperor ng Condor Country.

"Batid ng Buckwheat Kingdom na sila ay maliit at mahinang bansa na may kakaunting

populasyon at hindi sila kailanman nangahas na lumaban o magpambuno ng kahit ano sa

ibang bansa, kung saan ibinigay namin kahit ano at lahat ng naisin ng Condor Country. Ngunit

hindi ka pa rin naawa sa amin sa kabila ng lahat! Matapos mo gawin ang naunang Emperor na

isang halimaw na hindi tao o multo, ay ginawa mo rin ang aming Kamahalan sa isang walang

isip na bata! At lahat rin ng aming Imperial Guards ay pinaslang dito mismo sa Imperial Capital

ng Condor Country! Ang patuloy na pagdami ng dugong inutang, lahat ay iyong kagagawan!

Ibalik mo sa amin ang buhay ng naunang Emperor! Ibalik mo sa amin ang Kamahalan! Ibalik

mo sa amin lahat ng buhay ng mabubuting tao ng Buckwheat Country!!!" Si Grand Tutor He ay

sinisigawan ang Emperor ng Condor Country na tila nasisiraan ng bait. Ang maraming taon ng

pinigilang galit ay umaapaw na at umabot na hanggang langit, ngunit dahil sa ang kanilang

bansa ay naging napakaliit ay pinili niyang kimkimin iyon at huwag sumabog. At sa huli ay

nabigyan ng pagkakataon na sumambulat iyon sa isang hindi mapigil na pagsabog!