"..." Halos sumuka ng dugo ang Emperor ng Condor Country.
[Ano ang tunay na pakay sa pagpunta ng Emperor ng Fire Country? Marunong ba ito makipag-
usap ng maayos man lang!?]
[Bawat pangungusap ay mas matalim sa susunod, nalalaman din ba niya kung kaninong lupa
siya nakatayo sa kasalukuyan!]
Nang makita na hindi na kaya pang pigilan ng Emperor ng Condor Country ang tinitimping galit,
ang mga tagasilbi ay hinikayat si Elder Huang na maglakad papasok sa pintuan ng bulwagan.
"At narito ay ang Emperor ng Fire Country? Tunay na napakatalas ng dila." Saad ni Elder Huang
na nasa likod ang mga kamay, ang pandinig ng kaniyang Purple Spirit ay nagpahintulot sa
kaniya upang marinig ang pag-uusap sa loob ng bulawagan bago pa man siya makarating doon.
Dahil sa agresibo at masakit na mga salita si Jun Wu Xie, ang mukha niya ay hindi napigilan na
sumimangot, hindi nasisiyahan.
[Ano ngayon kung siya ang Emperor ng pinakamalakas na bansa?]
[Sa harapan ng All Dragons Palace, iyon ay isa lamang langgam.]
Nang makita si Elder Huang, ay nakahinga ng maluwag ang Emperor ng Condor Country at ang
asal ay biglang nagbago. Naupo siya ng tuwid sa kaniyang trono, at wala na ang takot para kay
Jun Xie.
"Tama si Elder Huang. Nang unang marinig ko ang balita na mayroong bagong Emperor na
naupo sa trono ng Fire Country. Naisip ko na iyon ay isang magandang balita. Ngunit hindi ko
naisip na ang trono ng Fire Country ay mapupunta sa kamay ng isang bata na kulang sa
kagandahang-asal at mabuting kalooban. Sa ganiyang pag-uugali, paano makakaya ng isang
tulad mon a dalhin ang mabigat na resposibilidad ng isang buong bansa!?" At dahil naroon si
Elder Huang upang kampihan siya, ay wala ng dapat ikatakot ang Emperor ng Condor Country
at bakas sa mukha nito na siya ay lubos na nalulugod sa kaniyang sarili.
Malamig na tinitigan ni Jun Wu Xie si Elder Huang habang ang huli ay naglalakad papasok sa
bulwagan, ang mata niya ay naningkit.
Ang Poison Men at ang Scarlet Blood ay mga bagay na nagmula sa Middle Realm ngunit dinala
dito sa Lower Realm upang magdulot ng kasiraan sa mga tao. Sa paraan ng reaksyon ng
Emperor ng Condor Country sa matandang iyon, ay agad napagtanto ni Jun Wu Xie ang
pagkakakilanlan nito!
Kasabay nito, ay tinatantiya ni Elder Huang si Jun Wu Xie. Nang makita niya na isang hamak na
bata at maliit na binatilyo lamang ito, ay nagpakita sa mukha nito ang hindi pagsang-ayon.
"Ang mga Elderly seniors ay dapat respetuhin, o hindi iyon naiintindihan ng batang ito?"
Tinitigan ni Elder Huang si Jun Xie, binigkas niya iyon sa tono na tila nanenermon.
Ngumisi si Jun Wu Xie.
"Nasaan ang elderly senior? Ang nakikita ko lang sa aking harapan ay isang taong aking natalo
at isang maduming matandang lalaki na hindi ko alam kung saan nagmula. Alin doon ang
aangkin na elderly senior sa akin?"
Ang mga tinuran ni Jun Xie ay talagang nagpatigagal sa Emperor ng Condor Country at agad
lumipat ang kaniyang paningin patungo kay Elder Huang.
Simula nang dumating si Elder Huang sa Condor Country ay nag-ukol sa kaniya ng
pinakamataas na paggalang at itinuring na ganoon. Walang nang-ahas na magbitaw ng hindi
magandang salita ukol sa kaniya at maging ang Emperor mismo ay yumuyuko at binababa ang
tainga sa harapan nito. Si Jun Xie lamang ang kauna-unahang tao na ganoon ang naging
pagsagot sa kaniya!
Nang makita na nagdilim ang mukha ni Elder Huang, bukod sa nagulat ang Emperor ng Condor
Country, ito'y lihim rin na nagalak.
Sa lahat ng tao na gagalitin ng batang Emperor na ito, ay pinili niya si Elder Huang. Dapat
malaman na bagama't nilayon ni Elder Huang na tulungan ang Condor Country upang pag-
isahin ang buong kalupaan sa ilalim ng Heavens, ay hindi pa nito nagawang manakit ng kahit
sino. At sa mga nakakainsultong pang-uuyam ni Jun Wu Xie, ay hindi niya sinasadyang
sampalin ang mukha ni Elder Huang. Kahit hindi para sa kapakanan ng Condor Country, ay
hinding-hindi siya patatawarin ni Elder Huang!
Naningkit ang mata ni Elder Huang at ang masamang tingin niya ay nakapako sa anyo ni Jun
Xie. "Munting bata, sa tingin mo ba dahil sa ikaw ang Emperor ng Fire Country ay magagawa
mon a lahat ng iyong naisin? Isang tao na natatanaw ang kalangitan mula sa ilalim ng balon,
tingin mo walang makakagalaw sa iyo? [Translator Note from Cloud: Bahgyang bahagi lamang
ng kalangitan ang makikita sa bukana ng isang balon at hindi ang buong kalangitan.]
[Ang insektong ito na mula sa Lower Realm ay may lakas ng loob na insultuhin siya!?]
Sumulyap si Jun Wu Xie kay Elder Huang at nag-uuyam na sinabi: "Ano? Gusto mo subukan?"
Kapagdaka'y sumagot si Elder Huang: "Ano ngayon kung subukan kita? Ang matandang ito ang
magtuturo sa iyo na lapastangang bata kung ano ang ibig sabihin ng mayroong mas higit pa
kaysa sa iyo at laging mayroong langit bukod sa langit na ito!"
Matapos sabihin iyon, ang katawan ni Elder Huang ay biglang nagsabog ng isang nagbabagang
purple coloured spirit!
Ang nagliliwanag na purple coloured spirit power na iyon ay talagang nagbigay kagalakan sa
Emperor na nakaupo sa kaniyang trono!