Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 1247 - Maghahambing ka ng Purple Spirits sa Akin? (1)

Chapter 1247 - Maghahambing ka ng Purple Spirits sa Akin? (1)

Matagal nang alam ng Emperor ng Condor Country na si Elder Huang ay may kapangyarihan

ng Purple Spirit ngunit hindi niya pa ito nakikitang makipaglaban. Sa mga sandaling iyon si Jun

Xie ay nakaupo sa loob ng bulwagan at may iilang bantay na kasama, kaya kahit siya ang

Emperor ng Fire Country, kung wala ang kaniyang milyong mababangis na leon sa kaniyang

tabi, sa harap ng isang Purple Spirit, siya ngayon ay napakahina!

Ang Emperor ng Condor Country ay nasasabik nang makita na mahiwalay ang ulo ni Jun Xie sa

katawan nito!

Kung mawawalang ng buhay ngayon si Jun Xie doon, ay siguradong sasabog sa matinding

kaguluhan ang Fire Country, at kapag dumating ang sandaling iyon, ay wala siyang ibang

gagawin kundi ang maupo at maghintay ng benepisyo mula sa kanila!

Ang baga ng Purple Spirit ay nagliliwanag sa harapan ni Jun Wu Xie, ngunit nanatili lamang

siyang nakaupo sa kaniyang upuan at arogante ang asal, ang isang gilid ng kaniyang mukha ay

nakapatong sa kaniyang palad at hindi gumagalaw maski kalahating pulgada, ang mata niya ay

kalmado na parang sa tubig, ang napakalamig na sulyap ay nakatuon kay Elder Huang na

patuloy pa rin ang pagbabaga ng Purple Spirit sa kaniyang katawan.

"Purpel Spirit?" Itinaas ni Jun Wu Xie ang kaniyang kilay, at iyon na ang pinakamalaking

reaksyon na ipinakita niya.

Sumagot si Elder Huang na nakangisi.

Ang Emperor ng Condor Country ay kinuha ang pagkakataon na iyon upang tagumpay na

pumalahaw habang sinasabi: "Your Majesty mula sa Fire Country, hindi ko kayo ipinain dito.

Walang nagsabi sa'yo na sa lahat ng tao ay galitin mo si Elder Huang. Para sa isang katulad ni

Elder Huang na labis ang kapangyarihan, hindi siya tulad ng isang paslit na kayang-kaya mo

ipahiya kapag gusto mo."

"Labis ang kapangyarihan?" Bahagyang ibinaba ni Jun Wu Xie ang kaniyang paningin. "Yun

lang? Isang lamang hamak na Purple Spirit."

Dahil sa sinabing iyon ni Jun Xie ang kilay ni Elder Huang ay nagsalubong. Pakiramdam niya,

ang kalmado at mahinahon na asal ni Jun Xie ay tila kakaiba sapagkat ang Purple Spirit ay

karaniwan sa Middle Realm, ngunit bihirang-bihira sa Lower Realm. Ngunit ang reaksyon ng

binatilyo ay naging masyadong kalmado at hindi niya maiwasan na makaramdam ng kakaiba.

Ang Emperor ng Condor Country ay tila hindi napansin ang kakaibang nagaganap at inisip na

nagtatapang-tapangan lamang si Jun Xie, habang sabik na hinihintay na kastiguhin ni Elder

Huang ang binatilyo.

"Isang Purple Spirit lamang? Hindi ba't ang mga salita mo ay tila masyadong mayabang dito?

Sa aking pagkakaalam, ang kalupaan sa ilalim ng Heavens na ito ay hindi pa nakakakita ng

isang Purple Spirit sa loob ng isang siglo bukod sa nag-iisang Purple Spirit kamakailan na isang

kagalang-galang na Headmaster ng Zephyr Academy, si Wen Xin Han. At dahil sa ang

Kamahalan ng Fire Country ay tila hindi natitinag sa Purple Spirit, maari kayang nakakita ka na

ng iba pa?" Ang Emperor ng Condor Country ay natatakot na si Elder Huang ay hindi pa

ganoon katindi ang galit at sinusubukan na lihim na pukawin ang sitwasyon.

Tinapunan ito ni Jun Wu Xie ng isang napakalamig na tingin.

"Ang isang Purple Spirit ay makapangyarihan? "

Dahil sa kawalang-bahala sa kaniyang boses, ay tila nagtatanong lamang ito tungkol sa

panahon.

"At dahil mahilig ka sa Purple Spirit, mabuti kung ganoon…" Saad ni Jun Wu Xie habang ang

sulok ng kaniyang bibig ay bahagyang napangisi habang iniangat ng kaunti ang kaniyang baba

at iwinasiwas ang isang kamay ng walang pag-iimbot sa ilang tao na nakatayo sa kaniyang

likuran.

"Kung ang Empeeror ng Condor Country ay isang palaka sa balon, lahat kayo ay dapat na

imulat ang kaniyang mata at ipakita sa kaniya kung ano ang Purple Spirit."

Ang mga sinabing iyon ni Jun Wu Xie ay nagbigay kalituhan sa isip ng Emperor ng Condor

Country at kainaman na naguguluhan ang kaniyang pakiramdam, sa pitong mga nilalang na

nakatayo sa likuran ni Jun Xie, matingkad na liwanag ng purple spirit ang nagliyab mula sa

katawan ng anim sa mga iyon!

Ang nakakabulag na kulay purple na baga ng spirit ang agad sumabog sa buong bulwagan!

Bukod sa hapo na matandang lalaki, ang limang kabataan at ang lalaking may malamig na

mukha sa likuran ni Jun Wu Xie ay mga Purple Spirits!!!

Sa sandaling iyon, ang Emperor ng Condor Country ay natigagal at halos mahulog mula sa

kaniyang trono. Ang jade na korona sa kaniyang ulo ay nawala sa pagkakaayos habang hindi

makapaniwalang titig na titig at nanlalaki ang mata, hindi mapaniwalaan ang katotohanan

nagdala ng mga kasama si Jun Xie at anim doon ay Purple Spirits!

[Paano nangyari iyon!?]

Hindi pangkaraniwan ang Purple Spirit at halos ituring iyon na alamat lamang sa Lower Realm.

Inisip ng Emperor ng Condor Country na si Jun Xie ay walang takot at pangahas sa pagsama

lamang ng pitong katao sa pagpunta niya sa Imperial Palace ng Condor Country at iyon ay

dahil lamang sa kapusukan ng binatilyo na umabot hanaggang sa kaniyang ulo at pinalabo ang

kaniyang pag-iisip. Sino ang mag-iisip na ang mga taong kasama ni Jun Xie ay hindi lamang

hamak na ordinaryong tagabantay, sa halip ay isang grupo ng dominanteng Purple Spirits!

Related Books

Popular novel hashtag