Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 1239 - Scarlet Blood (4)

Chapter 1239 - Scarlet Blood (4)

Gayong nakaugnay ang ring spirit sa taong kapares nila, madalas sa mga ring spirit ay may attachment sa kanilang mga amo. Dumarating pa sa puntong ayaw na nilang mahiwalay dito. Ang ring spirit ng dating Emperor ay lumipat sa katawan ng munting Emperor para protektahan ang pinakamamahal na kapatid ng kaniyang amo.

Naliwanagan na si Jun Wu Xie sa isa pang pwersang nasa loob ng katawan ng batang Emperor.

Iyon ay ang ring spirit ng nakatatandang kapatid nito, ginagamit ng ring spirit ang kaniytang spirit power para protektahan ang munting Emperor sa Scarlet Blood.

"Salamat sa kaniya." Marahang usal ni Jun Wu Xie.

"Ano?" Hindi narinig ng maayos ni Grand Tutor He ang sinabi ni Jun Wu Xie.

"Iniligtas noon ang buhay ng munting Emperor." Ayaw nang magsayang pa ng oras ni Jun Wu Xie. Sa bawat segundong nabubuhay ang munting Emperor, ginagamit ng ring spirit ang kaniyang spirit power at buhay kapalit ng buhay ng Emperor.

Hindi ganoon kalakas ang ring spirit na iyon kaya hindi iyon magtatagal.

Kailangang magmadali ni Jun Wu Xie para makapaghanap ng gamot sa kondisyon ng munting Emperor kung hindi ay mawawalan ng silbi ang hirap ng ring spirit.

Gaya nga ng sinabi ni Ye Sha, makamandag ang Scarlet Blood at kung hindi dahil sa ring spirit na iyon malamang patay na ngayon ang munting Emperor. Kahit na nasa loob ng katawan ng bata ang Scarlet Blood, hindi pa ito gaanong kumakalat sa katawan nito dahil sa ring spirit.

Kung wala ito, siguro ngayon ay kumalat na ang lason sa buong katawan hanggang sa mga buto nito. Kung sakaling iyon nga ang nangyari, hindi iyon kakayanin ni Jun Wu Xie.

Nanood naman si Grand Tutor He habang sinusubukang gamutin ni Jun Wu Xie ang munting Emperor. Hindi ito nangahas na istorbohin si Jun Wu Xie sa ginagawa nito.

Habang ginagamot ni Jun Wu Xie ang munting Emperor, ang Condor Country naman ay nasa malaking gulo. Isang tao ang nangahas na magsimula ng gulo sa mga sundalo ng Condor Country sa loob mismo ng Imperial Capital ng Condor Country! Isa iyong malaking sampal sa Emperor ng Condor Country. 

Nadoble ang dami ng mga guwardiya sa bawat sulok ng Imperial Country ng Condor Country.

Sa loob ng dalawang araw, hindi lumabas si Jun Wu Xie sa kaniyang silid. Nakatuon ang buong atensyon nito sa munting Emperor.

Nakapikit ang munting Emperor habang nakahiga sa kama. Gaya ng mga nakaraang araw, hindi pa rin ito gumagalaw. Samantala, nakatunghay lang si Jun Wu Xie dito, nakatitig sa namumutlang katawan ng bata.

May mahinang liwanag sa katawan ng bata, unti-unti iyong mas nagliliwanag sa bandang dibdib ng munting Emperor. Ang liwanag na iyon ay naghuhugis kuneho. Subalit hindi iyon gaanong maaninag, para lang itong isang ilusyon. 

"Pangako, gagaling siya." Mahinang usal ni Jun Wu Xie kahit na hindi siya sigurado kung maririnig iyon ng ring spirit.

Nang mawala ang spirit ng nagmamay-ari dito, sapilitan itong lumipat sa katawan ng munting Emperor. At ngayon ay pinoprotektahan nito ang katawan ng munting bata sa Scarlet Blood. Alam ni Jun Wu Xie na nanghihina na ang ring spirit. Tumingin ang ring spirit sa munting Emperor pagkatapos ay kay Jun Wu Xie bago tuluyang naglaho…

Ginawa na nito ang lahat ng kaniyang makakaya para sa kaniyang Master para protektahan ang munting Emperor.