Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 1237 - Scarlet Blood (2)

Chapter 1237 - Scarlet Blood (2)

Sa nakaraang buhay ni Jun Wu Xie, ilang buhay na ang naisalba ni Jun Wu Xie. Maging siya mismo ay hindi niya na matandaan. At sa kasalukuyang buhay niya sa mundong ito, hindi siya susuko.

Biglang may naisip si Jun Wu Xie sa dalawang pwersa na nagtatalo sa loob ng munting Emperor. Ang isa dito ay posibleng ang Scarlet Blood na inuubos ang buhay ng bata na parang isang makisig na Spirit Beast.

Mayroon pang isang pwersa sa katawan ng munting Emperor. Kumpara sa Scarlet Blood, mas mahina ang isang ito. At nasa bingit ng pagkawala anumang oras. Subalit ang pwersang ito ang pumipigil sa Scarlet Blood na maghari sa loob ng katawan. Isang kapangyarihan na hindi galing sa katawan nito mismo. 

Nagkakaroon ng pag-asa si Jun Wu Xie dahil sa pwersang iyon. May nararamdaman siyang pamilyar na bagay na 'di niya mawari.

Pakiramdam niya ay ang naranasan niya noong una niyang malaman ang Spirit Healing Technique. Ang pakiramdam na ang spirit power ay kumalat sa kaniyang buong katawan, ay gawa ng spirit body!

"Paanong ang isang spirit body…" Kunot-noong tanong ni Jun Wu Xie sa kaniyang sarili. Ang munting Emperor ay nasa walo o siyam na taong gulang pa lang. Imposibleng nagising na ang ring spirit nito. Ngunit bigla niyang naalala ang buntot sa likod ng Emperor. Ang sinabi sa kaniya ni Grand Tutor He na iyon ay ring spirit…

Para malaman niya ang pinaggalingan noon, kailangan niyang itanong iyon kay Grand Tutor He. Sa oras na iyon, ang tanging magagawa niya lang ay gamitan ang munting Emperor ng elixir para protektahan ang buhay nito at para na rin pabagalin ang pag-ubos ng buhay ng Scarlet Blood.

Mukhang wala namang ideya ang munting Emperor sa nangyayari sa kaniyang paligid. Nang dalhan siya ni Jun Wu Xie ng gamot wala itong reaksyon at kailangan itong ipainom dito ni Jun Wu Xie ng mano-mano.

Kumalat ang pait sa bibig ng munting Emperor pero wala pa rin itong reaksyon.

Samantala, nagising na si Grand Tutor He makalipas ang ilang oras. Bumalikwas ito ng bangon para suriin ang paligid.

Ngunit nang makita niya ang munting Emperor na nakaupo sa isang tabi napawi ang gulat nito.

Kung hindi ito ganoon kapamilyar sa kaniya, hindi siya maniniwalang ang batang may pulang buhok at namumulang mga mata ay ang munting Emperor!

"Kamahalan...Kamahalan…" Tuluyan nang tumayo si Grand Tutor He at hirap na hirap na lumapit sa munting Emperor. Nanginginig ang mga kamay nitong aabutin sana ang kamay ng bata. 

"Argh!!!"

Umalingawngaw sa silid ang iyak ng Grand Tutor, kaya naman agad na nagmadaling lumapit si Jun Wu Xie.

Nakita niyang namimilipit si Grand Tutor He habang hawak ang paa ng munting Emperor.

"Patawad, wala akong silbi. Ako ang nagluklok sa'yo Kamahalan...Nararapat lang na ako ay...mamatay…"

Nang hindi bumalik ang munting Emperor noong magtungo ito ng courtyard, kinabahan na si Grand Tutor He. At ngayong nakita niya ang kasalukuyang estado ng bata, para siyang nabato!

Pamilyar sa kaniya ang ganoong klase ng tingin. Noon, para maprotektahan ang mga sundalo ng Buckwheat Kingdom, ang dating Emperor ay isinakripisyo ang kaniyang sarili. Iprinisinta niya ang kaniyang sarili para pag-eksperimentuhan. Hindi akalain ni Grand Tutor He na mangyayari ang parehong sitwasyon sa munting Emperor.

Napakabata niya pa lang. Paanong naatim gawin ng Emperor ng Condor Country iyon!

Pero kahit ano pang iyak ni Grand Tutor He, nanatiling walang reaksyon ang bata. Para lang itong isang puppet na tahimik na nakaupo doon. Hindi tumutugon at hindi gumagalaw.

Related Books

Popular novel hashtag