Chapter 1234 - Patayin (7)

Pero dahil nga sa lagay ng sitwasyon, wala na silang oras para magtanong. Ngayong umatake na si Jun Wu Xie, susuportahan nila ito hanggang dulo!

Dahil sa bilang pagsulpot ng anim na Purple Spirits at dalawang Guardian Grade Spirit Beast, ang mga sundalo ng Condor Country ay parang dinala sa impyerno!

Dumanak ang dugo sa paligid, ang mga demonyo ay hinahatid na sa kanilang kahahantungan!

Nang ang lupa ay maging kulay dugo na lahat, at dumagundong ang kulog sa buong Imperial Capital ng Condor Country, iyon na ang hudyat ng simula ng bangungot ng mga sundalo!

Sa harap ng anim na Purple Spirit user, hindi na nagkaroon ng oras ang mga ito na manghingi ng tulong. Bago pa man sila makapag-usal ng isang salita, hindi na sila humihinga.

Nang maubos na ang mga ito, kinaladkad ni Jun Wu Xie ang lider ng mga sundalo.

"Sino ang may pasimuno ng lahat ng ito?" Malamig na tanong ni Jun Wu Xie.

Takot na takot ang lalaki, sa tanang buhay niya, ngayon lang siya nakaharap ng batang may ganitong kakayahan. Halos mahigit isang libo ang naubos ng anim na Purple Spirit user at dalawang Guardian Grade Spirit Beast sa isang iglap lang!

"Young Master...Young Master…'wag po...Hindi ko alam...hindi ko talaga alam…" Mangiyak-ngiyak na saad ng lalaki.

"Sino ang may gawa noon sa Emperor ng Buckwheat Kingdom?" Muling tanong ni Jun Wu Xie.

Nagulat ang lalaki at agad na sumagot: "Ang Kamahalan! Wala akong kinalaman! Dumating ang Emperor ng Buckwheat Kingdom at bigla niyang naisipan na pag-eksperimentuhan…"

Hindi pa tapos magsalita ang lalaki, pinutol na ni Jun Wu Xie ang ulo nito.

Hindi na nagulat si Jun Wu Xie sa kaniyang narinig, subalit muling nagbaga ang galit sa kaniyang katawan.

"Mabuti." Ngumisi si Jun Wu Xie. Iyon ang ngiting hindi nanaising makita ng sinuman. Maging sina Qiao Chu ay kinilabutan nang makita ang ngiting iyon.

Iyon ang ngiting matagal-tagal na bago nila muling nakita…

Tuwing makikita ang ngiting iyon, ibig sabihin ay magiging halimaw sa pagpatay nanaman si Jun Wu Xie.

"Little Xie...Aalis na ba tayo? Paniguradong nakarating na sa mga Imperial Guards ng Condor Country ang balita at papunta na sila dito. Hindi pa ito ang tamang oras para harapin natin sila." Babala ni Qiao Chu. Napalunok siya matapos sabihin iyon.

Ramdam niya kung gaano ka-mapanganib na harapin ngayon si Jun Wu Xie.

Napalis ang ngiting iyon sa labi ni Jun Wu Xie at tumango.

Bumalik sa kanilang normal na anyo ang dalawang Spirit Beast. Agad nilang nilisa ang courtyard!

Ang ulan ay mas lalo pang lumakas. Halos anurin na ang mga bangkay na nagkalat.

Inanod ng ulan ang dugo, subalit hinding-hindi maanod ng ulan ang kasalanang naganap sa lugar na iyon.

Tahimik namang naglakad ang grupo, lihim na iniiwasang makasalubong ang mga sundalo ng Condor Country na naghahalughog sa lungsod.

Dumiretso si Jun Wu Xie sa kaniyang silid. Hindi na siya nagkaroon ng pagkakataong magbihis.

Sa loob ng silid ay naroon si Grand Tutor He at nakahiga sa kama. Hindi ito gumagalaw habang ang munting Emperor ay tahimik lang na nakaupo sa upuan. Hawak si little black sa kaniyang bisig.

Nang makita nina Qiao Chu si Grand Tutor He at munting Emperor sa silid, sila ay nagulat.

"Little Xie, sila…" Naguguluhan si Qiao Chu sa mga oras na iyon. Hindi siya sa matanda nagulat, kundi sa itsura ng bata.

Pula ang buhok pati ang mga mata. Kahit saang anggulo mo tignan, hindi ito mukhang bat.

"Siya ang Emperor ng Buckwheat Kingdom. Ang nakahiga naman sa kama ay ang Grand Tutor ng Buckwheat Kingdom." Biglang nagsalita si Little Black na hawak ng munting Emperor.