Chapter 1231 - Patayin (4)

Naghalo ang dugo at ulan sa daan. Ang ekspresyon sa mukha ni Jun Wu Xie ay sintigas ng yelo. Ang mga sundalo ay nasa isang sulok at nanginginig sa takot, hinihiling na sana ay matapos na ang bangungot na ito. Subalit nakita nila nag pigura ng isang demonyong papalapit sa ilalim ng malalakas na kidlat.

Oo, isa lang itong binata subalit nagdulot iyon ng libu-libong takot sa mga sundalo.

Inikot ng matang iyon ang paligid. Nahagip nito ang mga sundalong nagtatago sa sobrang takot.

"Walang ni isang palalampasin."

At pagkasabi noon, isang black beast ang tumalon sa mga sundalo ng Condor Country na nagbabalak na tumakbo at iligtas ang kanilang buhay.

Dire-diretso ang lakad ni Jun Wu Xie. Umalingawngaw ang mga iyak ng takot sa kaniyang likuran. Ang amoy ng dugo ay naging dahilan ng pagbagal ng kaniyang paghinga.

Sa kabila ng mahigpit na seguridad sa lugar, hindi napigilan ang pag-atake ng dalawang Guardian Grade Spirit Beast!

Ang mga duwag na aso ng Condor Country na inabuso ang kanilang awtoridad at posisyon ay kakaharapin ang kamatayan sa oras na ito.

Nang maubos ang lahat ng sundalo ng Condor Country, pumasok si Jun Wu Xie sa courtyard. Binantayan ni Lord Meh Meh at Sacrificial Blood Rabbit ang daan papasok ng courtyard.

Nang makapasok si Jun Wu Xie sa courtyard, sinalubong siya ng masangsang na amoy. Nagkalat din doon ang mga walang buhay na katawan ng mga sundalo ng Buckwheat Kingdom. Napansin niya ang bakas ng dugo na papasok sa loob!

Nagpatuloy pa ang pag-alulong sa bandang loob ng courtyard. At nagpatuloy din si Jun Wu Xie sa paglalakad nang sa wakas ay makita niya ang katakot-takot na tanawin.

Isang batang pumuputok ang masel sa katawan, kulay berde ang mukha nito at ang katawan nito ay puno ng pana. Marami ring sugat ang katawan nito at ito ay napapaligaran ng napakaraming sundalo ng Condor Country.

Patuloy sa pag-alulong ang taong iyon sa mga sundalo. Ang mata nito ay walang buhay, mukha itong taong robot.

At ang dahilan kung bakit hindi ito nakakalaban at makatakbo ay nasa kanang kamay nito…

Doon ay may nakataling bata na may pulang buhok. Nakadilat ang mga mata nito habang nakakapit sa kamay ng lalaki. Ang mga mata nito ay wala ring buhay tulad ng sa lalaki.

Ngunit ang mukhang iyon ay ang mukhang hindi makakalimutan ni Jun Wu Xie.

Iyon ay ang munting Emperor ng Buckwheat Kingdom!

Ang batang nakakapit sa kamay ng lalaki ay ang munting Emperor ng Buckwheat Kingdom!

"Lintik! Saan nanggaling 'yan? Palabasin niyo ang poison men ngayon din!" Galit na sigaw ng isa sa mga sundalo ng Condor Country.

Isa sa mga sundalo ang agad na tumalikod para sundin ang utos. Subalit sa oras mismong tumalikod siya, isang maputing kamay ang humawak sa kaniyang ulo!

'Crick!'

Binali ng kamay na iyon ang ulo ng sundalo. Agad na sumambulat ang dugo at labis iyong ikinagulat ng mga sundalo ng Condor Country.

Gulat na gulat silang nakatitig sa batang puno ng dugo.

Itinapon ni Jun Wu Xie ang ulo sa lupa at tinapakan iyon hanggang sa nadurog!

"Sino...sino ka?" Hindi pa rin makabawi sa pagkakagulat ang mga sundalo. Nangilabot ang mga sundalo ng Condor Country habang nakatingin sa maliit na nilalang na nasa kanilang harapan. Bakas dito ang nagaalab na galit sa puso nito.

Nagsalubong ang kilay ni Jun Wu Xie. "Narito na ang taong hiniling niyo."

Related Books

Popular novel hashtag