Chapter 1229 - Patayin (2)

Ang iginagalang na si Grand Tutor ngayon ay kalunos-lunos ang itsura!

Hindi pinansin ng mga sundalo ang sinabi ni Grand Tutor He. Itinaas ng mga ito ang kanilang sandata at itinutok kay Grand Tutor He!

Wala pang isang segundo ang lumilipas at itinarak nila iyon sa dibdib ni Grand Tutor HE!

Isang malaking itim na itim na anino ang biglang lumapit sa mga sundalo ng Condor Country!

"Roar!"

Parang kidlat ang black beast at pinira-piraso ang mga sundalong may hawak kay Grand Tutor He! Isinakay nito si Grand Tutor He sa likod nito at tumalon sa rooftop. Naglaho ito sa mata ng lahat ng ganon kabilis. Biglang nag-panic ang mga natirang sundalo.

Isang matangkad na nilalang ang tahimik na sumulpot sa gitna ng mga tao.

Walang anumang ekspresyon ang mababakas sa mukha nito. Nakayuko lang ito sa mga sundalo ng Buckwheat Kingdom na namatay. Ang dark purple na balat nito ay biglang nag-kulay pula!

Dala ng black beast ang hinang-hinang si Grand Tutor He sa kaniyang likod pumasok ito sa madilim na eskenita at natakasan ang mga sundalo ng Condor Country. Gulat na gulat si Grand Tutor He sa black beast na sa kaniyang hula ay isang spirit beast. Maraming dugo ang nawala sa kaniya kaya pagal siyang sumandal sa pader.

Isang maliit na pigura ang biglang lumitaw sa tabi ng black beast. Napaangat ng tingin si Grand Tutor He. Nasalubong niya ang pamilyar na mukhang iyon.

"Ikaw!?" Nanlaki ang mga mata ni Grand Tutor He nang kaniyang makilala ang taong nasa kaniyang harapan. Nagningning ang pag-asa sa kaniyang mga mata.

"Anong nangyari doon?" Lukot ang mukhang tanong ni Jun Wu Xie. Bago pa man dumating si Qiao Chu dala ang masamang balita, hindi na mapalagay ang kaniyang kalooban. At nang siya ay makarating sa lugar na iyon, nakita niya ang sinapit ng mga sundalo ng Buckwheat Kingdom. Kung nahuli siya ng dating doon, paniguradong maging si Grand Tutor He ay wala na ring buhay ngayon!

Halos mag-tatatlong araw pa lang simula nang dumating ang delegado ng Buckwheat Kingdom sa Condor Country. Anong matinding dahilan ng mga ito para makipaglaban sila sa Condor Country!

"Iligtas mo ang Kamahalan! Iligtas mo ang mahal na Emperor!" Pagmamakaawa ni Grand Tutor He. Hindi nito inalintana ang sakit na nararamdaman, lumuhod ito sa paanan ni Jun Wu Xie at nagmakaawa.

"Pakiusap...parang awa mo na...Iligtas mo ang Kamahalan. Iligtas mo siya." Tuloy-tuloy ang agos ng luha sa mga mata nito.

Nagitla si Jun Wu Xie sa sinabi nito, agad siyang naglabas ng Life saving Elixir at ipinainom kay Grand Tutor He.

"Anong nangyari? Asan siya?" Tanong ni Jun Wu Xie. Hindi niya namalayan ang bilis niyang magsalita. Dinig ang pagkakataranta at pag-aalala sa boses nito.

Patuloy pa rin sa pag-iyak si Grand Tutor He nang ito ay sumagot: "Kinuha siya ng mga sundalo ng Condor Country noong isang araw, pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ito bumabalik…"

Lumitaw sa alaala ni Grand Tutor He ang nakangiting mukha ng munting Emperor, dahil don ay parang dinudurog ang kaniyang puso. Hindi bumalik ang munting Emperor noong araw na iyon. Nagtanong-tanong siya sa mga taga-Condor Country ngunit wala ring alam ang mga ito. Kaya naman kinutuban na siya ng masama. Kaya naman sumugod sila sa courtyard, umaasang maililigtas nila ang bata!

"Wala akong silbi! Kung nagpumilit lang sana akong sumama noong araw na iyon, kahit pa buhay ko ang maging kapalit. Ako ang nagluklok sa munting Emperor, ipinahamak ko siya…" Walang magawa si Grand Tutor He ngayon kundi ang sisihin ang kaniyang sarili at magluksa. Hinihiling na sana maibalik ang pangyayari. Ang buong akala niya, kahit na tuso ang Emperor ng Condor Country, hindi ito mangangahas na galawin ang isang Emperor, subalit nagkamali siya.