"Little Big Brother!"
Biglang nagising si Jun Wu Xie dahil sa nag-eecho na boses ng munting Emperor.
Sa labas ay maliwanag na ang buwan. Hudyat na malalim na ang gabi at tahimik na ang lahat. Bumaba si Jun Wu Xie sa kaniyang kama. Hindi siya mapakali, kaya naman hindi niya makuhang bumalik sa pagtulog. Lumapit siya sa bintana at dumungaw doon. Hawak niya ang jade pendant na binigay sa kaniya ng munting Emperor.
[Ano kaya ang ginagawa ng batang iyon?]
Dahil sa hindi na niya magawang bumalik sa pagtulog, nag-plano na lang si Jun Wu Xie sa kaniyang gagawin sa Imperial Capital ng Condor Country. Para magtagumpay sila sa pagkuha ng mapa sa Emperor ng Condor Country, kailangan nilang iwasan ang mga taga-All Dragons Palace.
Kumalat na ang liwanag at ang sinag ng araw ay kumalat na sa loob ng silid. Nakarinig si Jun Wu Xie ng mga katok sa kaniyang pinto.
Tumayo si Jun Wu Xie para pagbuksan iyon at nakitang nakatayo doon si Qiao Chu.
"Little Xie, may nangyari!" Saad ni Qiao Chu.
"Ano 'yon?" Umangat ang isang kilay ni Jun Wu Xie.
"Pinakawalan ni Rong Ruo ang kaniyang Hell Butterflies pata obserbahan ang nangyayari sa courtyard at nalaman may masamang nangyari doon." Hindi magkandaugagang sagot ni Qiao Chu.
"Mayroong mga pumasok doon at nakipaglaban sa mga sundalo ng Condor Country. Puntahan ba natin para malaman kung anong nangyayari?"
Sinuman ang mga pumasok doon ay paniguradong hindi maganda ang kahahantungan.
"Nakilala mo ba ang mga taong iyon?"
Saglit na nag-isip si Qiao Chu bago sumagot: "Hindi...ako gaanong sigurado. Pero ayon saking pagkakarinig sila ay galing sa maliit na bansa. Ah! Naaalala ko na! Buckwheat Kingdom!"
Gulat na gulat si Jun Wu Xie sa kaniyang narinig. Nanumbalik sa kaniyang isipan ang itsura ng batang Emperor!
Hindi alam ni Jun Wu Xie ang kaniyang isasagot. Agad niyang dinampot si Lord Meh Meh at Sacrificial Blood Rabbit saka nagmamadaling lumabas!
Maging si Qiao Chu ay nagulat din dahil sa reaksyong iyon ni Jun Wu Xie. Agad niyang tinawag ang grupo at sinundan si Jun Wu Xie.
Nagmamadaling nagtungo si Jun Wu Xie sa lugar na binanggit sa kaniya ni Fei Yan. Gayong hindi maintindihan ni Lord Meh Meh at Sacrificial Blood Rabbit kung bakit ganoon na lang ang nerbyos ni Jun Wu Xie, nagpatuloy sila sa pagsunod dito.
Habang papalapit sa lugar na iyon, nakaamoy si Jun Wu Xie ng dugo. Dahilan para sumakit ang kaniyang ulo.
Sa lugar kung asan ang mga sundalo ng Condor Country, maraming patay ang nagkalat. Nakasuot ng kalasag ang mga ito at may mga mantsa ng dugo. Walang buhay na nakahundasay sa lupa, naliligo sa sarili nilang dugo ngunit nakahawak pa rin ang mga ito sa kanilang espada.
Ang mga sundalo ng Condor Country ay may hila-hilang matanda. Puno ng dugo ang mukha ng matandang iyon kaya halos hindi na ito makilala. Sa kabila ng dinadaing na sakit ng matanda ay nagsisigaw pa rin ito.
"Ang Condor Country ay masyadong tuso! Hindi ito papatawarin ng Diyos! Alam kong nanonood lang ang langit! Pagbabayaran niyo din ang lahat ng ito!"
Nagulantang si Jun Wu Xie nang kaniyang marinig ang boses na iyon.
[Ang matandang iyon...hindi ba't iyon ang nag-imbita sa kaniyang sumabay patungong Imperial Capital? Siya si Grand Tutor He ng Buckwheat Kingdom!?]