Chapter 1225 - Kasamaan

Takot na takot ang munting Emperor. Kailanman ay hindi pa siya nakakakita ng ganito.

Simple lang ang Buckwheat Kingdom, matapat at mababait ang mga tao doon. Kaya ang ganitong bagay ay ngayon lang ng naengkwentro ng Emperor.

"Napag-isipan niyo na ba ang aking sinasabi?" tanong ng Emperor ng Condor Country habang iginigiya niya ang grupo papasok ng courtyard. Taas noo itong naglalakad.

Yumuko naman ang mga Emperor at hindi nagsasalita. Wala sa kanila ang gustong magsabi.

Tumawa ng pagak ang Emperor ng Condor Country at sinabing: "Hindi kayo dapat kabahan. Kaya ko kayo inimbitahan dahil saking plano na gusto kong ilahad sa inyo. Magkakaroon kayo ng grupo ng mga sundalong walang kasing-lakas at sigurado akong magagamit niyo ito sa hinaharap. Alam niyo namang ang Rui Lin Army lang ng Qi Kingdom ang pinakamalakas sa lahat. Ang sabi nga ay kayang pumatay ng sampung sundalo ang bawat isang sundalo ng Rui Lin Army sa gitna ng giyera. Narinig niyo na rin siguro ang balitang nakipag-tulungan ako sa Prosper Country at dalawa pang bansa para atakehin ang Qi Kingdom. Sa huli, ang grupo ng apat na milyong sundalo ay naubos sa lupain ng Qi Kingdom. Kung hindi dahil sa Rui Lin Army, hindi sila mananalo."

Nanatiling tahimik ang mga pinuno. Narinig na nga nila ang pakikipagkampihan ng Condor Country sa tatlong bansa para lusubin ang Qi Kingdom. Inakala ng mga ito na sila ay mananalo sa pagitan ng Qi Kingdom ngunit sa huli ay nabigo ang mga ito. Walang nakakaalam tungkol sa pagdating ng Fire Country para tulungan ang Qi Kingdom.

Sa huli ay natalo ang Condor Country, ngunit heto at kinukwento ng Emperor ng Condor Country ang pangyayari na parang isa lang itong maliit na bagay. Ipinagmalaki pa nito ang Rui Lin Army. Nagbibigay ng papuri sa nakaaway nito, ito ay isang bagay na imposibleng gawin ng tusong Emperor ng Condor Country.

"Nakakaawa, ngunit ang Rui Lin Army ay tapat lang sa Lin Palace habang ang Lin Palace ay nangako ng kanilang katapatan sa Qi Kingdom. Hindi niyo ba hinihiling na magkaroon nga ganon kalakas na pwersa?" Mukhang hindi nararamdaman ng Condor Country ang kahihiyan sa kanilang pagkatalo, sa halip ay parang sabik pa itong magkwento.

Subalit wala ni isa sa mga Emperor na naroon ang nangahas na magsalita.

Naging mapait ang itsura ng Emperor ng Condor Country nang tumingin ito sa matandang nasa kaniyang tabi. Sinenyasan ito ng matanda gamit ang mata.

Tumikhim ang Emperor ng Condor Country at muling nagsalita: "Mukhang hindi kayo nasisiyahan dito. Bakit hindi ko ito gawin? May naisip akong ideya. Hayaan niyong ipakita ko sa inyo ang katotohanan. Mga guwardiya!"

Mabilis na nagsipasok ang mga sundalo ng Condor Country bitbit ang isang malaking urna. Ngunit ang tubig sa urnang iyon ay pulo hindi itim. Matingkad na pula, kung titignan ay para itong dugo.

"Ang mga nauna niyong nakita ay ang pwedeng pumantay sa mga sundalo ng Rui Lin Army. Ito, ito ang aking gawa na maaaring umubos sa buong Rui Lin Army...nag-iisang tao lang. Siya ay ginawa para sa giyera!" Tumalim ang mga mata ng Emperor ng Condor Country habang sinasabi niya iyon. Bakas sa mga mata nito ang kasamaan at pagiging tuso.

Nang makita ng mga Emperor ang urna na may lamang pulang likido, wala sa sariling napaatras sila.

Nagsisimulang mabuhay ang takot at kaba sa kanilang mga puso.

"Pero iyon lang muna sa ngayon. Kapag ginamit ang magandang imbensyon na ito sa normal at ordinaryong mga tao, wala itong saysay. Para sa ganito kalakas na kayang dumurog ng Purple Spirit, sa huli kailangan pa rin nating piliin ang paggagamitan nito." Nanlilisik ang mga matang saad ng Emperor ng Condor Country.

Maya-maya ay bumulong ang matandang nasa tabi ng Emperor ng Condor Country. Mas lalong naningkit ang mga mata ng Emperor. Dahan-dahan itong tumingin sa munting Emperor.

Related Books

Popular novel hashtag