Chapter 1224 - Courtyard

Iginiya na ang munting Emperor papasok ng courtyard. Nagpakita siya ng katapangan at itinago ang takot na nararamdaman. Pero siya ay nasa walo pa-siyam na taong gulang pa lang. Ito ang unang beses na mahiwalay siya kay Grand Tutor He. Ang mga sundalong umaakay sa kaniya ngayon ay hindi man lang ngumingiti, hindi tulad ng sundalo nila sa Buckwheat Kingdom. Kaya naman nagsimulang manginig ang kaniyang mga kamay. Subalit naalala niyang siya ang Emperor ng Buckwheat Kingdom, kaya itinago niya sa kaniyang manggas ang nanginginig niyang kamay. Pinilit niyang kalmahin ang sarili.

Sinabi na iyon sa kaniya ng Grand Tutor. Siya ang Emperor ng Buckwheat Kingdom, hindi niya pwedeng ipahiya ang kanilang kaharian.

Matapos ng mahabang paglalakad, nakarating na sa wakas ang munting Emperor sa courtyard. Sa labas ng courtyard ay may mga lalaking nakasuot ng magarbo at mayroong korona sa kanilang mga ulo. Naalala ng munting Emperor ang turo ng Grand Tutor na ang mga taong may suot na korona ay mga Emperor lang. Kaya napagtanto niyang ang mga lalaking ito ay mga Emperor ng iba't-ibang bansa. Ngunit hindi niya maintindihan kung bakit sila nakatayo dito sa labas na tila may hinihintay.

Nakuha ng munting Emperor ang atensyon ng ibang mga pinuno. Nang makita nilang halos kaedad lang ito ng mga apo nila, hindi nila maiwasang makaramdam ng awa dito.

Ang Buckwheat Kingdom…

Ito ang pinakamaliit na bansa sa lahat, kaawa-awang bansa na wala man lang nagbibigay ng interes.

Maging ang kanilang pinuno ay napakabata. 

Gusto man nilang pag-usapan ang batang Emperor ay hindi nila magawa dahil sa nerbyos na kanilang nararamdaman.

Nagpatuloy sa paghihintay ang mga Emperor, hindi sila nangahas na basta-bastang makipag-usap sa bawat isa. Hindi man ang Condor Country ang pinakamalakas na bansa, ngunit labis pa rin silang kinakatakutan dahil sila ay tuso at walang awa.

Mayroong sabi-sabi na napasunod nila ang four seas kaya naman ang five lakes ay kinatakutan din sila dahil sa kanilang mga pamamaraan.

Matapos ang mahabang paghihintay, sa wakas ay dumating ang Emperor ng Condor Country kasama ang kaniyang guwardiya. Lagpas singkwenta na ang edad ng Emperor ng Condor Country ngunit kung titignan mo ito ay iisipin mong nasa edad kwarenta pa lang ito. Ang mukha nito ay mamula-mula at nakangiti. Nasa tabi nito ang isang kubang lalaki na mukhang nasa otsenta na ang edad. Gayunpaman dahil sa titig na ibinibigay nito ay kinatatakutan din ito.

"Nandito na ba ang lahat?" Hindi man lang nagpakita ng paggalang ang Emperor ng Condor Country. Wala namang nagawa ang ibang Emperor kundi ang ipagkibit-balikat na lang iyon at ngumiti.

"Dahil nandito na ang lahat, pumasok na tayo." Nagpatiuna nang pumasok sa loob ang Emperor ng Condor Country at sumunod naman dito ang matandang kasama nito. Akmang papasok na siya sa loob nang mahagip ng kaniyang tingin ang batang Emperor.

Makamandag ang tinging ibinigay nito dito, dahilan para tumayo ang mga balahibo ng munting Emperor. Nang makita ng munting Emperor na na sumunod nang pumasok ang ibang Emperor ay nakisabay na rin siya. 

Sinalubong ng amoy bulok at amoy ng halamang-gamot ang munting Emperor nang siya ay makapasok. Dahil doon ay nalukot ang kaniyang mukha.

Nang sila ay makapasok sa courtyard, nakita nila ang napakaraming urna na sa gitna ng courtyard. Sa isang tingin pa lang doon ng munting Emperor ay binalot na siya ng takot, halos ikatumba niya iyon sa kaniyang kinatatayuan!

Sa bawat urna na iyon ay ang lamay ay tao!

Mayroong itim na tubig na pinagbababaran ang mga taong iyon. Tanging ang mga ulo lang nito ang nakikita. Ang mga mukha ng taong iyon ay dark purple at hindi gumagalaw.

Related Books

Popular novel hashtag