Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 1206 - Ang mga Salita ni Wen Yu (3)

Chapter 1206 - Ang mga Salita ni Wen Yu (3)

Ang bola ng apoy ay pinuno ng kapangyarihan ng Purple Spirit na busilak at malinaw na

nagliliyab, walang bahid ng kahit kaunting karumihan.

Iyon ang pinakabusilak na anyo ng kapangyarihan ng Purple Spirit na nakita ni Jun Wu Xie at

napansin din niya, nang tawagin ni Wen Yu ang Purple Spirit, walang kahit kaunting spirit

energy na naramdaman sa katawan ni Wen Yu, bukod sa nag-iisang bola ng purple na apoy na

tuluy-tuloy na nagliliyab sa kaniyang palad.

Ang Spirit power ay maaring ilabas upang balutan ang buong katawan ng isang tao, o kontrolin

iyon upang tipunin sa isang partikular na lugar, ngunit hindi alam ni Jun Wu Xie na

magagawang tawagin ang Purple Spirit upang maging isang apoy na nagliliyab sa palad ng

isang tao!

"Ang Purple Spirit sa Lower Realm, ay maaring ang pinakamakapangyarihan, ngunit sa Middle

Realm, ito ay tinuturing na karaniwan lamang. Dapat tingnan ng Kamahalan itong aking bola

ng spirit flame at isipin kung ito ba ay busilak, ngunit dapat ring alamin na sa Middle Realm,

ang mga taong may kapangyarihan na mas mataas pa sa akin ay makikita kahit saan. Ang

libingan ng Dark Emperor, ay ang pinakamahalagang kayaman na ilang pangunahing

kapangyarihan sa Middle Realm ang naghangad na makuha. Hindi mahalaga kung mayroon

silang anumang palatandaan sa kanilang kamay, matapos bumagsak ng Dark Emperor, lahat

sila ay hindi sumuko na hanapin ang kinaroroonan ng libingan ng Dark Emperor. Hinangad

nilang lahat na makamit lahat ng mahiwagang kayamanan ng Dark Emperor na ninakaw niya

nang siya ay nabubuhay pa." saad ni Wen Yu na may mapait na nginti sa labi, bigla ay inikot

niya nang mabilis ang palad at ang purple flame ay naglaho ng walang anumang bakas.

Ang magawang sanayin ng may tiyak na kontrol sa spirit power, at nagawa pa ring pigilan ng

ang aura ng spirit power, natiyak ni Jun Wu Xie na si Wen Yu ang pinakamalakas na Purple

Spirit na kaniyang nakilala, bukod marahil sa grey robed na nakalaban nila sa Cloudy Peaks na

natalo si Ye Sha, ay maaring pantayan ito!

Sa matinding kapangyarihan ni Wen Yu, bakit nito pinili na manatili sa Lower Realm? Ayon sa

kaniyang mga sinabi, hindi mahirap malaman na ito ay nagmula sa Middle Realm.

"Ang napakaraming pangunahing kapangyarihan, sa kanilang paghahanap sa kinaroroonan ng

libingan ng Dark Emperor, ay naggugol ng hindi masukat na halaga ng pagsisikap at

kayamanan, nagpadala ng hindi mabilang na mga tauhan nila. Ang palagay ng Kamahalan ay

tama. Ang Soul Calming Jade ay nagmula sa libingan ng Dark Emperor." Saad ni Wen yu

habang nakatingin sa mata ni Jun Wu Xie, sa likod ng mga mata nito tila itinatago ang mga

dinanas na matinding pagsubok.

"Nakarating ako sa libingan ng Dark Emperor. Ang piraso ng Soul Calming Jade, ay inilabas

mula sa libingan ng Dark Emperor nang walang iba, kundi ako."

Nahigit ni Jun Wu Xie ang kaniyang hininga ng isang saglit. Bagama't nagawa na niyang hulaan

sa kaniyang puso, matapos makuha ang kumpirmasyong iyon bilang katotohanan, ay nagdulot

pa rin sa kaniya na matuwa ng labis!

Gayunpaman, walang makikita maski bahagyang pagmamalaki sa mukha ni Wen Yu, sa halip

ay pait ang makikita doon.

"Sa panahong iyon, ang dark Emperor ay pinag-isa ang buong Middle Realm at tinipon lahat ng

mahiwagang kayamanan ng Middle Realm para sa kaniyang sarili. Ang lakas ng Dark Regions

ay higit na makapangyarihan sa anumang kapangyarihan maging ito man ay ang Four Sides,

Nine Temples o ang Twelve Palaces, wala isa man sa mga iyon ang makakapantay sa kanila.

Kahit na magsanib puwersa sila, ay hindi nila mapapantayan ang Dark Emperor mismo. Ngunit

ang Dark Emperor ay biglang bumagsak, na nagtapon sa kaayusan ng kapangyarihan sa Middle

Realm sa matinding kaguluhan. Bagama't ang Dark Emperor ay wala na, ang lakas ng Dark

Regime ay makapangyarihan pa rin. Bagama't hindi nila nagawang pag-isahing muli ang

Middle Realm, ay nanatili sila bilang isang puwersa na wala sinuman sa kapangyarihan ang

nangahas na kalabanin."

"Ang Dark Emperor ay ilang taon ng pumanaw ngunit ang Dark Regions ay walang bagong

pinuno na lumilitaw sa kanila, at ang buong Dark Regime ay itinuturing pa rin ang Dark

Emperor bilang makapangyarihan hanggang sa nagyon. Para sa ibang kapangyarihan na ituon

ang kanilang paningin sa mahiwagang kayaman na nasa libingan ng Dark Emperor, walang

alinlangan na makikita ito bilang isang paghamak sa kadakilaan ng Dark Emperor. Kapag

nalaman iyon ng Dark Regime, ay paniguradong gagawin nila ang lahat sa kanilang

kapangyarihan upang burahin ang mga ito." Nahahapis at mapait ang ngiti na saad ni Wen Yu,

umiiling na nagpatuloy ito.

"Ngunit sa gayong karaming mahiwagang artifacts, ay naging dahilan ito upang magkaroon ng

hindi mapigilang paghangad sa lahat at kahit na alam nilang makakalaban nila ang Dark

Regime, ay hindi pa rin sila sumuko. Kung hindi nila tahasan na makuha ang mga iyon, ay lihim

silang nagpapadala ng mga tao upang hanapin iyon, iniisip na mapasakamay ang mga iyon,

bago matuklasan ng Dark Regime ang anumang bagay."

Bahagyang itinaas ni Wen Yu ang kaniyang ulo, upang masdan ang Imperial Hall at lahat ng

dakilang rangya ng luho