Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 1204 - Ang mga Salita ni Wen Yu (1)

Chapter 1204 - Ang mga Salita ni Wen Yu (1)

"Kamusta ang Grand Adviser?" tanong ni Jun Wu Xie habang binabaling ang kaniyang sulyap

sa mga mata ni Wen Yu. Masasabi nga, na ang kakayahan ni Lei Chen sa pagguguhit ay

kahanga-hanga, dahil ang tao na nasa larawan na ginuhit nito ay kamukhang-kamukha ni Wen

Yu.

"Ako ay nalulugod sa pag-aalala ng Kamahalan. Ako ay maayos lamang." nakangiting saad ni

Wen Yu.

"Maupo ka, Grand Adviser." saad ni Jun Wu Xie.

Naupo sa isang tabi si Wen Yu.

"Ako ay nagtataka kung ano ang dahilan ng Kamahalan upang papuntahin ang inyong lingkod

ngayon dito? Kababalik lamang ng Kamahalan sa Imperial Palace mula sa digmaan, kaya ang

pagpapahinga at pagbawi ng lakas ang dapat unahin." Si Wen yu ay may magandang

pakiramdam kay Jun Xie sapagkat hindi pa siya nakakakita ng napakatalino ngunit kalmado at

malamig ang ulo na bata. Maging si Lei Chen na tinanggap niya bilang disipulo na labis na

pinuri ng lahat, kung itatabi kayJun Xie ay hindi papantay.

Tumingin si Jun Wu Xie sa ulo ni Wen Yu na mayroon pilak na buhok at ang kaakit-akit at

batang mukha bago marahang nagsalita: "Gaano na katagal ang Grand Adviser sa Fire

Country?"

Bahagyang natigilan ng ilang saglit si Wen Yu ngunit agad siyang nahabawi at ngumiti.

"Ang inyong lingkod ay narito na simula ng itatag ang Fire Country."

Ang haba ng buhay ng isang tao sa Lower Realm ay kadalasan nasa isandaang taong gulang

kung saan mas malayo ang makakamit nilang antas ng spirit level, mas mahaba ang kanilang

buhay. Ngunit lang daang taon na rin simula ng maitatag ang Fire Country maliban kung siya

ay isang Purple Spirit, o kung hindi ay hindi ito mabubuhay ng ganoon katagal.

Walang itinatago na kahit ano si Wen Yu hindi dahil sa ayaw niya, ngunit dahil ang kaniyang

buhay ay lubos na nalalaman ng lahat ng nasa ilalim ng Heavens at kahit ibahin niya ang

kaniyang salita, ay hindi maniniwala si Jun Xie sa kaniya.

"Bago lamang ako dito sa Fire Country at wala akong gaanong nalalaman tungkol sa Fire

Country, dahil sa katotohanan lamang na sinasabi na ang Grand Adviser ay hindi nais na

lumabas sa kaniyang palasyo at hindi rin umalis sa Imperial Capital ng Fire Country. Ako ay

bagyang nababagabag kung gaano katotoo iyon." kunwa'y hindi interesado si K=Jun Wu Xie

habang minamasdan si Wen Yu at nagtanong na tila walang pakialam.

Bahagyan tumawa si Wen Yu at sinabi: "Ang Kamahalan ay hindi pa nasasanay sa kaniyang

pagiging Emperor na tinutukoy mo pa rin ang iyong sarili bilang "Ako", ngunit ang bagay na

iyon ay nasa sariling kagustuhan na ng Kamahalan. At tungkol sa mga bali-balita, iyon ay

kalabisan. Bagama't ang inyong tapat na lingkod ay hindi mahilig lumabas, ngunit hindi sa

punto na hindi ako umalis ng Imperial Capital kailanman. Bawat taon, ang inyong tapat na

lingkod, sa kasibulan ng tagsibol kung saan ang mga bulaklak ay namumulaklak na, ay

naglilibot sa lawa upang masdan ang paligid, hinahangaan ang mga bundok at ilog sa ilalim ng

Heavens sa Earth."

(Transalator's Note mula sa Cloud: Ang mga Emperor ay kadalasan na gumagamit ng 朕 zhen,

isa sa mga panghalip na ginagamit upang tukuyin ang kanilang sarili)

"Oh?" tanong ni Jun Wu Xie na nakataas ang isnag kilay. "Ako'y nagtataka kung ang Grand

Adviser ay nakarating na sa Qi Kingdom?"

Bahagyang nanigas ng isang sandali ang ekspresyon sa mukha ni Wen Yu at ang ngiti sa

kaniyang mata ay bahagyang naglaho. Itinaas niya ang kaniyang mata upang masdan ng

bahagya si Jun Wu Xie, tila may hinahanap siya sa mukha ni Jun Wu Xie. Ngunit matapos

maghanap ng ilang sandali, ay hindi pa rin niya nagawang makita kahit kaunting bakas sa

mukha ni Jun Wu Xie.

"Bakit tinatanong ng Kamahalan ang bagay na iyan?"

Sumagot si Jun Wu Xie: "Pinamunuan ko ang hukbo patungo sa Qi Kingdom ngayon, at nang

mabihag ko ang Commander in Chief ng Condor Country at ang iba pa, may isang bagay akong

narinig na interesante. Ang Condor Country ay umanib sa tatlong iba pang bansa upang

sakupin ang Qi Kingdom, hindi upang mahuka ang lupain ng Qi Kingdom, dahil iyon sa isang

piraso ng jade. Ang piraso ng jade na iyon ay ang simbolo ng Qi Kingdom na Soul Jade. Ngunit

tila nakakapagtaka, na ang Condor Country ay gumugol ng matinding pagsisikap para lamang

sa isang piraso ng jade. Hindi ba iniisip ng Grand Adviser na lahat ng bagay na iyon ay

kakaiba?"

Ang ngiti sa mukha ni We Yu ay nawala sa paglimot at ang kaniyang kaakit-akit na kilay ay

nagsalubong.

Inobserbahan lahat ni Jun Wu Xie ang mga reaksyon niyang iyon at patuloy na nagsalita: "Ako

ay sadyang naguluhan kaya tinanong ko si Duke Lin ng Qi Kingdom tungkol doon. Tila ang

piraso ng jade na iyon ay ibinigay kay Duke Lin at sa Emperor na nagtatag ng isang binata bago

pa man naitatag ang Qi Kingdom. Ayon sa paglalarawan na ibinigay ni Duke Lin, ang taong

naghandog sa kanila ng piraso ng jade ay mayroong kakaibang pagkatao. Saan mang sulok

tingnan ang binata ay kaakit-akit ang mukha nito, ngunit walang nakakaalam kung bakit ang

ulo nito ay mayroong mahabang pilak na buhok. Ang ganoong paglalarawan ay bihirang

marinig, at sa dinami-dami ng tao na aking nakita, tanging ang aming iginagalang na Grand

Adviser ang akma sa paglalarawan. Ako'y nagtataka kung ano ang masasabi ng Grand

Adviser… tungkol sa bagay na iyon."

Ang sulyap ni Jun Wu Xie ay nakapako at hindi natitinag kay Wen Yu, ang hinala na matindi

niyang pinipigilan sa loob ng kaniyang puso ay nagsimulang kumulo at bumula.

Tahimik na pinakinggan lahat iyon ni Wen Yu, at bumuntong-hininga sa huli.