Ang mabilis at direktang kasunduan ni Jun Wu Xie ay nagpatigagal sa puso ni Qu Ling Yue.
Itinaas niya bahagya ang kaniyang mata at tumingin sa matapang at amgiting na si Jun Wu xie
sa kaniyang harapan.
Alam niyang babae si Jun Wu Xie tulad niya, ngunit… hindi niya magawang baguhin kung ano
ang nararamdaman ng kaniyang puso sa nakaraan.
"Hindi mo ba ako tatanungin kung bakit pinili ko ang Fire Country?" tanong ni Qu Ling Yue
habang nakamasid kay Jun Wu Xie. Hindi man lamang siya nito tinanong at agad na sumang-
ayon doon.
"Hindi mo ba naisip na ikaw ay wala dito sa Fire Country at ako ay magiging Empress ng Fire
Country, kung gayon… ay hawak ko ang kapangyarihan upang baguhin ang buong Fire Country
sa aking kamay? Hindi ka ba natatakot… na lamunin ko ang iyong bansa?"
Marahang umiling si Jun Wu Xie.
"Hindi mo magagawa iyon."
Bumakas ang pagkagulat sa mata ni Qu Ling Yue at bigla, sa malambing at magandang mukha
na iyon, isang ngiti ang namutawi na nagmula sa kaibituran ng kaniyang puso sa kauna-
unahang pagkakataon matapos ang kalamidad na pinagdaanan niya.
"Ang iyong mapagpakumbabang babae ay nagbibigay respeto sa iyo Your Majesty!" Lumuhod
siya sa lupa upang ipakita ang respeto kay Jun Wu Xie ayon sa ritwal ng palasyo.
Lahat ng mga ginawa ni Jun Wu Xie, ay upang lagi siyang protektahan. Malugod na pumapayag
si Jun Wu Xie na ipagkaloob sa kaniyan lahat ng dakilang karangalan, at iyon, ang paraan ni Jun
Wu Xie upang protektahan siya. Alam ni Qu Ling Yue, na lahat ng bagay na gagawin ni Jun Wu
Xie, ay mga bagay na hindi niya mahahadlangan, at hindi siya makakapayag na maging pabigat
kay Jun Wu Xie.
Ang mga kagustuhan ni Jun Wu Xie na ibinigay nito sa kaniya, ay mga daan na ginawa nito
upang mapaunlad.
At kahit na wala na si Jun Wu xie sa kaniyang tabi sa hinaharap, walang sinuman ang
makakapinsala sa kaniya kahit kaunti.
Kung… ito ay naging lalaki… mas maganda sana iyon…
"Tumayo ka." Binukas ni Jun Wu Xie ang kaniyang bibig upang sabihin iyon. Bago nito, dahil sa
kailangan niyang sagipin ang Qi Kingdom, matapos ang kaniyang pag-upo sa trono, ay minadali
niya ang pangunguna ng hukbo sa labanan, at hindi na nakagawa ng kahit anong kasunduan
kay Qu Ling Yue noon. Ngayon, dahil siya ay nagbalik sapagkat nais niyang tanungin si Wen Yu
ng ilang katanungan, at pinili ni Qu Ling Yue na manatili sa Fire Country, ay ipapasa niya ang
pinaka-mataas at pinaka-prestihiyosong posisyon na Imperial Harem sa kaniya. Hanggang sa
mahanap ni Qu Ling Yue ang taong pagkakatiwalaan niya ng kaniyang puso, ay palaging
magpapatuloy ang pagtatanggol ni Jun Wu Xie sa kaniya.
Dahan-dahang tumayo si Qu Ling Yue.
"Matapos ang tatlong araw, ang seremonya ng pagkakaloob sa Empress sa mga tao ay
gaganapin. Maaari ka nang magtungo sa iyong silid." saad ni Jun Wu Xie pagkatapos.
Tumalikod na upang umalis si Qi Ling Yue ngunit bago siya tuluyang makalabas sa pintuan ng
Imperial Hall, ay bigla itong huminto at lumingon kay Jun Wu Xie na nakatayo sa loob ng
Imperial Hall.
Ang munting anyo ay hindi niya kasing-taas, ngunit kaya niyang iparamdam sa mga tao ang
walang kapantay na halaga ng seguridad.
[Salamat.]
[Salamat dahil naging handa ka na iligtas ako.]
[Salamat sa pagkuha sa akin sa malalim na hukay kung saan ako nalugmok.]
[Wala akong ibang abilidad, ngunit handa ako na bago ang iyong pagbabalik, ay ipaglalaban at
ipagtatanggol ko ang emperyong ito sa ngalan mo.]
Muling ibinalik ang kaniyang tingin, naglakad na palabas ng Imperial Hall si Qu Ling Yue, ang
mukha niya ay nakaharap sa araw, ang ekspresyon nito ay determinado at hindi matitinag.
Wala sinuman ang nakaisip, na matapos ang ilang taon, ang may dugong bakal na Empress na
nagpayuko sa hindi mabilang na kalalakihan upang magbigay galang, ang Commander in Chief
ng tatlong hukbo, ay nabuhay sa araw na ito, kung saan lahat nagsimula.
Sa mga darating na araw, kung saan nagdala siya ng digmaan na sasakupin ang buong Three
Realms para kay Jun Wu Xie, mangunguna sa hindi mabilang na mga leon na walang kapantay
ang kapangyarihan, wawasakin ang mga kalaban ng sampu-sampong milyon,, walang
nakakaalam na ang tanyag na Empress na may bakal na dugo na ang pangalan ay yumanig sa
Three Realms ay sa simula't simula, nag umpisa lamang para sa kapakanan ng isang tao, upang
ipagtanggol ang kaniyang emperyo, protektahan ang kaniyang karangalan.
Walang nakakaalam, na dahil sa isang hakbang na ito na ginawa nila, kung gaano karaming
buhay ang kanilang nabago at naapektuhan, o kung gaano kalaki ang binago sa kaanyuan ng
mga lupain sa ilalim ng Heavens.
Nang makaalis si Qu Ling Yue, ipinag-utos ni Jun Wu Xie na tawagin si Wen Yu papunta sa
Imperial Palace. Mag-isa siyang nakaupo sa loob ng Imperial Hall, ang mga saloobin na
tumatakbo sa kaniyang isipan ay walang katapusan at walang tigil.
Lumipas ang kalahating araw, si Wen Yu na nakasuot ng puting roba ay dahan-dahang
naglakad papasok sa Imperial Palace. Isa iyon sa pinakamalamig na araw ng taglamig at puting
balahibo ng hayop ang nakapalibot sa kaniyang kuwelyo. Ang marikit at kaakit-akit na kilos,
maaaring ituring na walang kapantay ngunit hindi nagdulot ng pagkabalisa sa mga tao. Ang
sulok ng kaniyang mga labi ay ngumiti, ang pilak na buhok nito ay nakatali sa kaniyang likuran.
Nang makita si Jun Wu Xie, ay naglakad siya paharap at bahagyang yumuko upang bumati, ang
mata niya ay puno ng init na halos tumunaw sa nagyeyelong taglamig.
"Si Wen Yu ay nagbibigay respeto sa Kamahalan."