Matapos maghintay ng ilang sandali, ang loob ng silid ay naging tahimik. Tantiya ni Jun Wu Xie
na ang oras ay tama at siya ay tumayo at naglakad, itinulak pabukas ang pintuan.
Nang tulyang mabuksan ang pintuan, ang eksena na nakita ng kaniyang mga mata ay mas
lalong nagpatahimik sa kaniya sa sumunod na oras.
Nakita niya ang walang pangtaas na saplot na si Drunk Lotus na nakasaklang sa ibabaw ni
Poppy, ang isang kamay ay mahigpit na nakahawak sa kuwelyo ng kasuotan ni Poppy.
Nadaganan sa may sahig, si Poppy ay wala sa ayos ang hitsura, ilang piraso ng kaniyang parang
apoy na pulang roba ay nakakalat sa kaniyang paligid, isang pawang kaibahan laban sa
maputla niyang balat, at ang mahabang itim na buhok ay nakalatag sa sahig.
Ang eksenang iyon, ay tila masamng hindi tiyak at kahina-hinala.
"Ha? Drunk Lotus, ito ay talagang… Ehem." Dahil sa nakaaway na noon si Drunk Lotus, nang
masaksihan ng pusang itim ang eksena, ay nagpakita ng isang may nalalaman na hitsura sa
kaniyang mukha na nagsasabi "ganiyang uri pala ng relasyon, ganoon pala".
"Hindi!! Teka muna! Pakinggan niyo muna ang paliwanag ko!" Biglang napagtanto ni Drunk
Lotus ang kahina-hinalang hitsura nilang pareho na siya ay nasa ganoong posisyon kasama si
Poppy at agad niyang ninais na tumayo at sumagot.
Sa huli, bago pa man siya makatayo, isang kaakit-akit na kamay na may mahahabang daliri ang
biglang humawak sa itaas ng pantalon ni Drunk Lotus at ibinalik siya sa posisyon!
"Ano? Hindi mo na itutuloy? Nasasabik pa naman ako." Saad ni Poppy, masama ang ngiti kay
Drunk Lotus, ang sulok ng kaniyang kalahating singkit na mata ay tila mala-demonyo, ang mga
labi ay masarap na nakangisi.
Napabuga ng hininga si Drunk Lotus sa matinding galit at natumba siyang muli upang
sumaklang sa ibabaw ni Poppy at bigla ay sumabog sa matinding galit.
"Mahabaging panginoon! Tumigil ka na!" Habang sinasabi iyon, ang kamao na puno ng galit at
may matinding lakas ay agad na umindayog papunta sa kaakit-akit na mukha ni Poppy!
Tinanggap ni Poppy ang buong lakas ng suntok na iyon, ang mukha niya ay nagtamo ng mga
sugat. Ang pulang dila niya ay dinilaan ang basag na labi, at ang ngiti sa kaniyang mukha ay
mas lalong lumapad.
"Ang lasa ni Drunk Lotus ay kasing lupit pa rin tulad ng dati!!"
"..." Nawala sa sarili si Drunk Lotus!!
[Baliw!]
Nang makita na muling susunggaban ni Drunk Lotus si Poppy upang bigyan muli ng malupit na
suntok, sa wakas ay nagsalita si Jun Wu Xie.
"Tama na."
Sa salitang iyon mula kay Jun Wu Xie, ang dalawang bulaklak ay biglang natahimik, si Drunk
Lotus ay matindi pa rin ang galit habang tumatayo mula kay Poppy, hindi kinalimutan na
magbigay ng isang matalim at masakit na tadyak kay Poppy. Subalit, tila walang
nararamdaman na anumang sakit si Poppy habang nakangiting tumatayo.
Napagtanto ni Jun Wu Xie ang herarkiya ng mga bagay dito. Si Poppy ay isang tampalasan at
hari-harian sa harap ni Little Lotus, at sa harap ni Drunk Lotus, siya ay naging masokistang
tampalasan…
"Kung nais mo na maging ring spirit ko, wala akong pagtutol. Pero kailangan kong malaman
kung ano ang magiging silbi mo, dahil hindi ako nagtatago ng mga walang kwentang bagay."
Saad ni Jun Wu Xie, naupo ito sa isang tabi habang malamig na pinandidilatan si Poppy.
Kumpara sa mahiyain na Little Lotus at malupit na Drunk Lotus, si Poppy ay mahirap maging
ring spirit.
Nakangiting nagtanong si Poppy: "Nagtataka ako kung anong uri ng silbi ang nais malaman ni
Mistress?"
"Ang iyong likas na kakayahan." Tugon ni Jun Wu Xie.
Ibinukas ni Poppy ang kaniyang palad at isang berdeng prutas na halos kasinlaki ng itlog ng
kalapati ang lumitaw sa kaniyang kamay. Ibang-iba sa binhi ng Imperial Snow Lotus, ang prutas
na inilabas ni Poppy ay berde, at para bang may manipis na patong ng hamog na nagyelo ang
bumalot sa ibabaw nito.
"Ito ang prutas ng poppy at kung nais ng Mistress na makontrol ang sinuman, ito ang tutupad
ng iyong kahilingan. Ngunit… ang bagay na ito ay hindi dapat gamitin ng Mistress sa mga taong
mahalaga sa kaniya. Bagama't nagagawa nitong kontrolin ang kamalayan ng tao, ang lason na
mayroon sa loob nito ay nakamamatay. Sa oras na maglaho na ang epekto nito, ang buhay ng
taong iyon ay mawawala na rin." Saad ni Poppy na masamang tumawa, tila ang kamatayan
para sa kaniya, ay isang interesanteng laro.
"Kung ang pangunahing gamit ng Imperial Snow Lotus ay sagipin ang mga tao, ang aking silbi
ay magdala ng pinsala sa mga tao.