"Bago magtungo sa Condor Country, ay kailangan ko bumalik muna sa Fire Country." saad ni
Jun Wu Xie sa kanila.
"Babalik? Bakit?" Nagtatakang tanong ni Hua Yao habnag nakatingin kay Jun Wu Xie. Sa
kanilang pagpunta doon, ay hinanda nila ang kanilang sarili sa tuloy na paghahanap ng
susunod na mapa matapos ang digmaan, at hayaan si Lei Chen na pamunuan ang pagbabalik
ng hukbo. Bakit bigla ay nagbago ang isip ni Jun Wu Xie?
"Kailangan ko bumalik at hanapin ang isnag tayo." saad ni Jun Wu Xie sa naniningkit na mga
mata.
"Sino?"
"Wen Yu."
Ang tugon ni Jun Wu Xie ay nagdulot sa mukha ng mga kabataan na mapangiwi sa pagkagulat.
Hindi nila gaanong nakasalamuha si Wen Yu at kahit na naupo na si Jun Wu Xie sa trono, ay
isang beses lamang nagpakita noon si Wen Yu.
"Anong kailangan mo sa kaniya?" tanong ni Qiao Chu, naguguluhan na napakamot ito sa ulo.
Bagama't kahit pa sabihin na ang Geand Adviser na si Wen Yu ay talaga namang mayroong
kaakit-akit na hitsura, ngunit… lagi niyang pinaparamdam ang pagdistansya nito.
"Nang itatag ang Qi Kingdom, mayroong isang piraso ng jade na tinatawag na Soul Jade."
Sinimulan ni Jun Wu Xie ang pagpapaliwanag habang nakatingin sa kaniyang mga kasama.
"Ito ay narinig ko na noon. Hindi ba't ang sabi ay ang piraso ng jade ngayon ay nahati na sa
dalawa?" singit ni Fei Yan.
Tumango si Jun Wu Xie. "Sa simula, ang dahilan kung bakit ako nagtungo sa Qing Yun Clan ay
dahil sa Soul Jade. Sa panahon na iyon, ang sugo mula sa Qing Yun Clan ay nais na kunin mula
sa Qi Kingdom ang Soul Jade, ngunit ang kalahating piraso ay inilibing kasama ng aking ama.
Noong una, para masiguro ang kaligtasan ng Qi Kingdom, ang aking lolo ay hinukay ang
libingan upang buksan ang kabaong, inisip na kunin muli ang piraso ng jade. Ngunit nang
mabuksan ang kabaong kung saan naroon ang aking ama, nagulat silang madiskubre na ang
katawan ng aking ama, na ilang taon ng patay ay napanatili sa perpektong kondisyon. Ang
piraso na iyon ng Soul Jade… O sa madaling sabi, ay isang mahiwagang kayaman mula sa Spirit
World na tinatawag na Soul Calming Jade."
"Soul Calming Jade!!" Ang mga mata ni Qiao Chu at ng iba pa ay nanlaki. Maski minsan ay
hindi pumasok sa kanilang isipan na ang sagisag na jade piece ng Qi Kingdom sa ay maaaring
may koneksyon sa Middle Realm.
"Ang Spirit World ay nasa kung saan sa loob ng MIddle Realm ngunit ang lokasyon niyon ay
hindi pa natin alam. Sa totoo lamang, ang tanging lugar na alam lamang natin ay ang Twelve
Palaces at ang Nine Temples habang ang nalalaman sa Dark Regions ay limitado lamang sa
mga naririnig natin sa mga matatanda noon. Ang mga tao sa Middle Realm ay sinabi sa atin na
dati ang Middle Realm ay binubuo ng One Region, Four Sides, Nine Temples at Twelve Palaces.
Subalit nagkataon na ang One Region at Four Sides ay masyadong liblib para sa atin noon.
Kung ang Soul Jade nga ay ang totoong Soul Calming Jade mula sa Spirit World… Kung gayon
lahat ng ating mga naging sapantaha ay taliwas." Saad ni Hua Yao, ang kilay nito ay
nagsalubong.
Noon, ang Dark Emperor ay pinag-isa ang Middle Realm at kinamkam nito lahat ng magical
artifacts mula sa Four Sides, Nine Temples at Twelve Palaces at tinipon lahat iyon sa Dark
Regions, at ang Soul Calming Jade bilang isang natatanging mahiwagang kayamanan ng Spirit
World ay natural na kasama doon. Ngunit ng mamatay ang Dark Emperor, lahat ng
natatanging kayamanan niya ay dinala sa libingan ng Dark Emperor, kasama ang bawat isang
magical artifact na kinamkam nito mula sa buong Middle Realm.
Ayon sa lohika, ang Soul Calming Jade ng Spirit World dapat ay ibinaon sa loob ng libingan,
kaya naman… paano nangyari na iyon ay nasa kamay ng Qi Kingdom?
Maari kaya na bukod sa kanilang mga magulang, sa mga taon na iyon mayroon pang iba na
nagtungo sa libingan ng Dark Emperor? At nagawa pa maglabas ng kapiraso ng magical
artifacts na nakabaon doon?!
Ang isiping iyon ay nagpatahimik sa mga kabataan na nasa loob ng silid.
Kung sila ang mangangatwiran ayon sa panahon na nangyari iyon, ang Soul Calming Jade ay
napunta sa kamay ni Jun Xian bago naitatag ang Qi Kingdom, at sa panahong iyon, ang
kanilang mga magulang ay hindi pa nadidiskubre ang lokasyon ng libingan ng Dark Emperor na
ang ibig sabihin, ang mga artifacts ay hindi maari na dala-dala palabas ng kanilang mga
magulang.
"Hindi kaya mayroong isang tao na mas naunang nakadiskubre ng libingan ng Dark Emperor?
Wu Xie, sabi mo ay babalik ka upang hanapin si Wen Yu, huwag mo sabihin sa akin…"
At isang nakakagulat na palagay ang nabuo sa isipan ni Fan Zhuo.