Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 1191 - Poppy Flower (3)

Chapter 1191 - Poppy Flower (3)

Walang makakaintindi sa pagdadalamhati ni Little Lotus. Ang Poppy na naging ring spirit ni Jun

Wu Xie ay walang balak na magbalik sa Spirit World, puwera na lang kung mamatay si Jun Wu

Xie…

Iyon ang isang bagay na hindi nais isipin ni Little Lotus.

Bagama't nais ni Jun Wu Xie na matukoy agad ang abilidad ng kaniyang ring spirit na si Poppy,

ngunit kung kakalat ang amoy ng mga poppies sa isang silid tulad nang nangyari kanina, ang

amoy ng nasabing bulaklak ay mayroong elemento na makakaapekto sa nervous system ng

isang tao. Sa kaniya ay ayos lamang iyon, ngunit si Jun Qing at Long Qi ay mangangailangan ng

kaunting paggamot o ang amoy ni Poppy ay magdudulot sa kanila ng matinding kapahamakan.

Hindi na kailangan pa magbanggit ng kahit ano, kung sila ay magkakaroon ng pananalig sa

poppies, ay isang kapahamakan na.

Napansin na iyon ni Jun Wu Xie, na ang bulaklak na amoy ni Poppy ay mas matindi kaysa ibang

poppy flower na natagpuan niya sa kaniyang nakaraang buhay. Kung sasabihin na ang mga

poppy flowers sa kaniyang nakaraang buhay ay kailangang pakitunguhan ng espesyal bago

katasin at pinuhin upang makagawa ng gamot na makakaapekto sa nervous system ng isang

tao, ang ring spirit na si Poppy na nasa harapan niya ngayon, ang amoy na inilalabas nito sa

kaniyang katawan, ay may epekto na kapareho sa maingat na pininong mga gamot!

Kung ang natitirang amoy ni Poppy ay napabayaang maiwan at manatili sa loob ng katawan ni

Jun Qing at Long Qi, maaari silang magdanas ng malakas na pag-sipa.

"Lahat kayo maghintay dito." Saad ni Jun Wu Xie habang tinatapunan ng tingin si Poppy,

pagkatapos ay humarap siya kay Jun Qing at Long Qi: "Uncle at Long Qi sumama kayo sa akin."

Nalilito pa rin si Jun Qing at Long Qi, blanko ang mga utak nila. Anuman ang sabihin ni Jun Wu

Xie, ay sinunod nila.

Ngunit para kay Little Lotus, nang makita na aalis si Jun Wu Xie ay agad itong umingit, nais

nitong sumunod. Kahit na bugbugin pa siya hanggang kamatayan, hindi niya nais na manatili

sa parehong silid kasama si Poppy, o sa huli ang magdudusa ay paniguradong siya!

Sumunod si Jun Qing kay Jun Wu Xie palabas ng silid at naglakad sila patungo sa imbakan ng

ng mga halamang gamot at medisina na nasa loob ng kaniyang bakuran. Marahil sa bahagyang

amoy ng mga halamang gamot kaya nawala ang epekto ng amoy ni Poppy na naiwan sa loob

ng nito at nagbalik ang diwa ni Jun Qing. Ang sulyap niya ay wala sa loob na natuon sa munting

anyo na iyon na mas maiksi pa sa kaniyang mga binti at nanatiling nakapako kay Little Lotus.

Agad na yumakag si Little Lotus gamit ang kaniyang dalawang munting mga binti upang

sumunod kay Jun Wu Xie sa buong daan, takot na takot na mawala niya ang mga ito.

Nakamasid sa mahiyain at kimi na asal ng bata, wala sa sarili na isang kakatwang isip ang

biglang umusbong sa ulo ni Jun Qing.

Kung magkakaroon si Jun Wu Xie ng anak sa hinaharap, ang bata ba na iyon ay magiging

kaibig-ibig at malapit tulad ng isang ito dito?

Sa sandaling mahayag ang isiping iyon, ay hindi malaman ni Jun Qing kung tatawa o iiyak. Si

Jun Wu XIe ay labinlimang taon lamang at bagama't malapit-lapit na ito sa edad na dapat

isipin ang pagpapakasal, ngunit kung titignan ito, ay hindi pa ito bubuo ng pamilya sa madaling

panahon, at ang pagkakaroon ng anak ay… ay napakalayo pa mangyari upang isipin!

Matapos nilang makarating dahil sa pagsunod nila kay Jun Wu Xie sa parmasya, si Jun Qing at

Long Qi ay naupo sa isang tabi, pinanood nila si Jun Wu Xie na abala habang si Little Lotus ay

walang ginagawa, kimi na nakatayo lamang ito sa isang sulok, hindi nangahas na istorbohin si

Jun Wu Xie, at takot din na lumapit kay Jun Qing at Long Qi.

"My Lord." Saad ni Long Qi, natuon ang mga mata sa munting bata, tila mayroong tumatakbo

sa isipan nito.

"Naamoy mo ba ang amoy na lumalabas mula sa bata?" Matapos nilang lisanin ang silid,

habang papunta sila doon, ay natuklasan ni Long Qi ang mabangong amoy ng lotus na

nagmumula kay Little Lotus. Hindi niya natagpuan ang amoy na hindi pamilyar, at naniniwala

siya na ganoon din ang naramdaman ni Jun Qing.

Matapos puntuhin iyon ni Long Qi, ay biglang nanlaki ang mga mata ni Jun Qing.

Ang amoy na nagmumula sa katawan ni Little Lotus, hindi ba't iyon din ang amoy ng lotus seed

na ibinigay sa kaniya ni Jun Wu Xie kani-kanina lamang?

Kanina, ang tingin lamang ni Jun Qing doon ay mga ordinaryong lotus seed, ngunit ngayon, ay

hindi na niya ito tiningnan na isang simpleng bagay lamang!