Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 1180 - Kasabwat sa Krimen (5)

Chapter 1180 - Kasabwat sa Krimen (5)

Saad ni Jun Xian: "Ang taong iyon ay hindi kailanaman binanggit ang kaniyang pangalan o

katauhan ng siya ay dumating. Matapos maitatag ang Qi Kingdom, sinubukan ko siyang

hanapin ngunit bigo ako. Mayroon lang isang bagay… na malinaw kong naaalala."

"Ano?" pumiksi ang puso ni Jun Wu Xie.

"Ang mukha ng lalaking iyon ay labis na kaakit-akit at maamo, tila nasa dalawampung taong

gulang, ngunit sa hindi namin malaman na kadahilanan, ang kaniyang ulo ay puno ng puting

buhok…" saad ni Jun Xian.

"Puting buhok?" tanong ni Jun Wu Xie, bahagyang nanlaki ang kaniyang mata. Sa kaniyang

pagkakatanda, ang tanging lalaki na may puting buhok na kilala niya, ay ang nag-iisang tao

lamang na iyon!

Ang Grand Adviser ng Fire Country, si Wen Yu!

"Grandfather, ni minsan ba ay nakita mo ang Grand Adviser ng Fire Country?" isang ideya ang

nabuo sa utak ni Jun Wu Xie at hindi niya mapigilan ang kaniyang sarili na magtanong.

"Ang Grand Adviser ng Fire Country? Ang iyong tinutukoy ba ay si Wen Yu?" tanong ni Jun

Xian.

Tumango si Jun Wu Xie.

"Hindi ko pa siya kailanman nakita. Ang Fire Country ay naitatag ng mas maaga kaysa sa atin at

ng mga panahon na iyon ay malakas na ang kanilang hukbo. Habang lumalaban kami sa mga

maliliit na labanan, ang Fire Country ay hindi man lang kami binigyan ng pansin. Higit pa roon,

narinig ko na ang Grand Adviser ng Fire Country ay hindi umaalis ng Imperial Cpaital kaya wala

akong pagkakataon na makilala siya." saad ni Jun Xian.

Saglit na inisip iyon ni Jun Wu Xie at madali niyang binuksan ang pintuan ng silid at tinawag

ang kawal ng Rui Lin Army na nagbabantay sa labas upang hanapin si Lei Chen. Matapos

niyang aksyunan ang mga taong iyon sa kulungan, ang sabi ni Jun Wu Yao ay kailangan niyang

magtungo sa siyudad upang maghanap ng mga bagay-bagay at kaniyang isinama si Ye Sha at

Ye Mei. Kung hindi dahil doon, ay si Ye Sha sana ang kaniyang uutusan upang mas mapabilis

iyon.

Nagmamadali si Lei Chen, at maswerte na wala siya gaanong ginagawa sa kampo ng Fire

Country.

"You Majesty." agad na luluhod sana si Lei Chen.

Isinantabi ni Jun Wu Xie ang pormalidad.

"Kamusta ang iyong pagguhit?"

Saglit na nasorpresa si Lei Chen, hindi niya maintindihan kung bakit tinatanong ni Jun Xie kung

magaling siyang gumuhit… maari kayang ang Kamahalan ay mahilig sa sining?

"Katanggap-tanggap…" Matapos isilang si Lei Chen, ang Empress ay nagtulak sa kaniyang

mabuti, sa musika, sa chess, sa kaligrapya at pagpipinta, siya ay bihasa sa apat na pantas ng

sining.

"Nais kong iguhit mo ang larawan ng Grand Adviser upang makita ni Duke Lin ngayon din."

saad ni Jun Wu Xie.

Nagugulumihanan si Lei Chen, ngunit kahit hindi niya maintindihan kung anong nais gawin ni

Jun Wu Xie, ay alam niyang dapat niyang sundin ang utos ng Imperial. Si Lei Chen ay isa ng

Duke ng Fire Country at hawak niya ang parehong ranggo tulad ng kay Jun Xian, ngunit kung

huhusgahang mabuti ang lakas ng kanilang mga bansa, ay mas mataas ng kaunti si Lei Chen.

Ngunit mataas ang paghanga ni Lei Chen kay Jun Xian at kasabay ng pagtango niya kay Jun

Xian, ay naglakad siya patungo sa isang sulok ng lamesa, dinampot ang pinsel at nagsimulang

magpinta.

Ang kakayahan ni Lei Chen sa pagpinta ay tunay na magaling, ilang beses na itong nakakuha ng

papuri sa dating Emperor ng Fire Country, at si Wen Yu ay ang kaniyang naging Master. Bago

tumabang ang relasyon sa pagitan nilang dalawa, si Lei Chen at Wen Yu ay naging malapit. Ang

mga paghagod ng pinsel ni Lei Chen ay tila suwabeng lumilipad, ang mga kilos niya ay mabilis

at tiyak.

Sa kung ano tila isang kurap, ay nagawa na ni Lei Chen maiguhit ng wasto ang mukha ni Wen

Yu. Nakita niyang kailangan ni Jun Xie agad ang larawan kaya gumamit siya ng espesyal na

pamamaraan na hindi nangangailangan ng maraming oras ngunit magagawa pa rin na

maiguhit ang mukha ng isang tao na malinaw at tila buhay.

"Duke Lin, mangyari pakitignan." hinipan ni Lei Chen ang tinta sa papel upang matuyo at

bahagyang inusog ang katawan, habang iniimbitahan palapit si Jun Xian.

Lumapit si Jun Xian sa lamesa at minasdan ang larawan ng isang kaakit-akit na binata na may

maamong mukha at isang gulat ang bumakas sa kaniyang mga mata.

"Siya nga iyon!"

Ang mukha na inilalarawan sa pagpinta ay kaparehong-kapreho ng nasa kaniyang alaala. Hindi

mapaniwalaan ni Jun Xian na ang binata na tumulong sa kanila noon ay sa katunayan ang

Grand Adviser ng Fire Country!

Nakita ni Jun Wu Xia ang reaksyon ni Jun Xian kaya't nasisiguro niyang tama ang kaniyang

hula. Pinaalis na muna niya sa Lei Chen at tanging si Jun Xian at siya ang naiwan sa silid.

Related Books

Popular novel hashtag