Bahagyang nabaling ang tingin ni Jun Wu Yao sa kaniya at ito ay nagsimulang manginig, isang
uri ng takot na sumagad hanggang sa kaniyang mga buto, kumalat sa kaniyang buong
katawan.
Walang interes si Jun Wu Xie na pakinggan ang dalawang nagtatalo kaya siya ay naglakad na
patungo sa selda kung saan nakakulong si Lin Xiao, na nakita niyang nakagapos, ang mata niya
ay nakakakilabot at mabangis.
Matapos nilang makapasok sa siyudad pagtapos ng labanan, ay hinanap niya si Hua Yao upang
makapagtanong pa ng tungkol sa Bone Shifters Tribe. Ang Bone Shifters Tribe ay isang
malaking lahi sa Middle Realm. Ang kaibahan ng Middle Realm sa Lower Realm ay mayroon
itong iba't ibang uri ng lahi na may natatangi at naiibang abilidad na naninirahan, isa na doon
ang Bone Shifters Tribe, ang Spirit Cultivators Tribe at marami pa, mga lahi na likas na
nabubuhay ng hindi umaasa sa iba.
Ang ring spirit ng Bone Shifters Tribe ay tungko sa skeletal forms at ang Double Headed Bone
Snake na nasa pag-aari ni Hua Yao ay isang uri ng beast ring spirit ng Bone Shifter Tribe,
habang ang butong pakpak na ipinakita ni Lin Xiao ay isang uri ng armas na ring spirit na mula
rin sa parehong tribo.
Hindi ganoon karami ang bilang ng Bon Shifters Tribe. Bagama't sila ay mula sa isang tribo, ay
hindi sila kabilang sa isang partikular na kapangyarihan at ang mga tao nito ay malayang
makakapili na magsilbi sa isa sa Twelve Palaces, o sa ibang kapangyarihan na nais nila, o kahit
maging malaya at nagsasarili lamang.
Nang dalhin si Lin Xiao sa kulungan, ay pinuntahan ito ni Hua Yao. Natiyak ni Hua Yao na hindi
niya kilala si Lin Xiao.
"Alin sa Twelve Palaces ang pinagsisilbihan mo?" tanong ni Jun Wu Xie, ang mata niya
aynaniningkit habang nakatitig kay Lin Xiao.
Nanginig ang katawan ni Lin Xiao, hindi dahil kay Jun Wu Xie, kundi dahil sa lalaking nakatayo
sa likod nito. Napalunok siya at sinabi: "All Dragons Palace."
"Ang gamitin ang hukbo ng Condor Country ay iyong naisip?" sunod na tanong ni Jun Wu Xie.
Nanigas si Lin Xiao, nag-alangan ng ilang sandali, ngunit ang maitim na usok na nakapalibot sa
kaniyang katawan ay biglang sumikip at ang nakakapangilabot na sakit na naramdaman ng
kaniyang katawan ay nagpagulong sa kaniya sa sahig dahil sa matinding paghihirap, malamig
na butil ng pawis ang namuo sa kaniyang nuo!
"Oo! Oo, ako iyon!" Nasa matinding sakit pa rin, hindi na nag-alangan si Lin Xiao maski kaunti.
Bahagyang itinaas ni Jun wu Xie ang kaniyang kamay at agad namang niluwagan ni Jun Wu Yao
ang kaniyang pagkakahawak, kung kaya't nakahinga ng maayos si Lin Xiao habang nanatili
itong nakahiga sa sahig at humahangos.
"Bakit." ang boses ni Jun Wu Xie ay kalmado. [Bakit bigla ay nagkaroon ng interes ang twelve
Palaces sa Qi Kingdom? Anong mayroon sa isang maliit na bansang tulad ng Qi Kingdom na
makakakuha sa atensyon ng Twelve Palaes?]
[Dahil ba sa kaniya?]
Agad na iwinaksi ni Jun Wu Xie ang isiping iyon. Ang mga taong puminsala sa kaniya noon sa
Cloudy Peaks ay nagmula sa Flame Demon Palace at kahit na lantad ang kaniyang katuhan,
dapat ay ang Flame Demon Palace ang may kinalaman dito. Anong kinalaman doon ng All
Dragons Palace?
Saad ni Lin Xiao: "Dahil… Dahil sa Soul Claming Jade…"
[Soul Calming Jade!]
Umalingawngaw ang tatlong salitang iyon sa utak ni Jun Wu Xie. Inalala niya lahat ng
nalalaman niya tungkol sa Soul Calming Jade na naging dahilan kung bakit ang patay na
katawan ni Jun Gu ay hindi naagnas. Ang piraso ng jade na iyon ay nanatili sa kaluluwa at
espiritu nu Jun Gu, kaya ang kaniyang labi ay hindi nabulok o naagnas sa maraming taon hindi
tulad ng ibang tao na namatay na.
Noon pa may ay naramdaman ni Jun Wu Xie na ang dahilan kaya't ang katawan ni Jun Gu ay
nanatili sa perpektong kondisyon ay dahil sa Soul Calming Jade at naniniwala siya na ito rin
ang nangalaga sa spirit nito. Kaya, kung mahahanap lamang niya ang tamang paraan, marahil
ay mabubuhay niya si Jun Gu.
Ngunit ang Soul Calming Jade ay isang mahiwagang kayamanan na nagmula sa Spirit World at
hindi niya alam kung paano niya ito magagamit upang buhayin si Jun Gu. Minsan ay
ipinagpalagay niya na matapos niyang mahanap ang libingan ng Dark Emperor, ay
makakahanap siya ng paraan upang gisingin muli si Jun Gu.
Ang Soul Calming Jade ay nagawang akitin ang mga tao mula sa Qing Yun Clan papunta doon,
at ngayon, ay nakuha nito ang atensyon ng All Dragon Palace mula sa Twelve Palaces!
"Saan mo gagamitin iyon?" pagsisiyasat pa ni Jun Wu Xie.
Balisang sumagot si Lin Xiao: "Yan ang hindi ko alam. Ipinadala ako ng Elder dito sa Lower
Realm upang kunin ang Soul Calming Jade at kung saan iyon gagamitin… ay hindi ko talaga
alam!"