Chapter 1174 - Alyansa (3)

Kung nais ni Jun Wu Xie ang trono ng Qi Kingdom, si Mo Qian Yuan ay hindi magkakaroon

kailanman ng pagkakataon na makuha iyon!

Ang biglaang pagiging Emperor ng ibang bansa ng kanilang Young Miss, ay hindi labag sa

kalooban ng Rui Lin Army, sa katunayan ay masaya tungkol doon.

[Kita niyo kung gaano katapang ang kanilang Young Miss?]

[Isang taon lamang sa labas at nagawa na niyang makuha ang trono ng pinakamalaking bansa

sa buong kalupaan!]

[Ang ipinagmamalaki ng kanilang puso!]

Nang pumayapa ang pakiramdam ng lahat, at ang kanilang mga kalooban ay umalwan, si Mo

Qian Yuan at Jun Wu Xie ay nagpalitan ng ilang kaaya-ayang salita at nag-asikaso na para sa

mga sugatang kawal at mamamayan upang gamutin bago sila nagtanong kay Jun Wu Xie kung

ang Fire Country ba ay nangangailangan ng mga manggagamot kung saan sinagot ito ni Lei

Chen na sapat na ang kanilang mga manggagamot.

Hindi naman tinatanggihan ni Lei Chen ang tulong na inaalok ng Qi Kingdom, ngunit…

Hindi ganoon karami sa hanay nila ang nasugatan sa labanan at marami silang manggagamot

sa kanilang pangkat. Nang makita ang hindi kapani-paniwala na pamamaraan ni Jun Wu Yao

na pumatay ng halo dalawang milyong kawal sa isang iglap, napagtanto ni Lei Chen… kahit

hindi siya pumayag sa kahilingan ni Jun Xie sa simula, kahit na siya at ang mga kasama na may

halimaw na kapangyariha lamang, ay magagawa nila sa kanilang mga sarili na sagipin ang Qi

Kingdom.

Sa sandaling iyon, pakiramdam ni Lei Chen ay napakaswerte niya na bahagya siyang nagkamali

sa paghuhusga kay Jun Xie dahil saan siya makakahanap ng panibagong Emperor na nagawang

makamit sa sarili ang Purple Spirit?

Matapos umakyat ni Jun Xie sa trono, ay agad niyang pinamunuan ang hukbo upang sagipin

ang Qi Kingdom ng walang pag-aatubili. Bagama't ang hukbo ng Fire Country ay sinunod ang

utos ng Imperial dahil hindi nila ito maaaring suwayin, ngunit para sa munting Emperor na

namuno sa kanila agad sa labanan pagkaupong-pagkaupo pa lamang nito, ay nakaramdam sila

ng sama ng loob.

Ngunit nang ipakita ni Jun Xie ang kaniyang Purple Spirit na kapangyarihan sa battlefield at

may tulong mula sa dalawang napakalaking Guardian Grade Spirit Beast, kasama pa ang ilang

kabataan na mayroong Purple Spirit Powers at si Jun Wu Yao na sa isang iglap ay nagawang

burahin ang dalawang milyong kalaban na kawal…

Ilan sa kawal ng Fire Country na hindi pa lubos na tinatanggap si Jun Xie ngayon ay kumbinsido

na. Sa simula ay naisip nila na ang pagkakaroon ng munting Emperor ay hindi magdudulot ng

kahit anong mabuti para sa kanila.

Ngunit matapos ang araw na ito…

Hiniling nilang lahat na sana ay makaluhod sila sa paa ni Jun Xie at isigaw : "Mabuhay nawa

ang Kamahalan ng ilang libong taon, libo-libong taon!"

[Inalala nila ang araw na naitatag ang Fire Country, kailan ba sila nagkaroon ng Emperor na

talaga namang kahanga-hanga tulad nito?]

[Isang labinlimang taong gulang na Purple Spirit…]

[Ha!]

[Ipagyayabang nila ang tungkol dito habang-buhay!]

Ang mga kawal ng Fire Country ay humuni ng ilang himig at kumanta, ang kanilang

pakiramdam ay umigting. Nasaksihan nila kung gaano kabangis at kaagresibo ang

kapangyarihan ng kanilang munting Emperor!

Ngunit ang mga kawal na mula sa Rui Lin Army na inutusan makihalo-bilo sa mga kawal ng Fire

Country ay madalas na marinig ang walang tigil na pagtawag ng mga kawal ng Fire Country kay

Jun Xie bilang kanilang pinuno, kanilang pinuno… ang puso nila ay kumirot sa matinding sakit!

[Iyon ay ang KANILANG Young Miss!]

[KANILA!]

Ang grupo ng mga kawal ng Rui Lin Army ay halos nagdusa sa mga panloob na pinsala sa

pagpigil sa kanilang mga nararamdaman ngunit wala silang magawa sapagkat ang utos ni Jun

Xian ay hindi dapat masiwalat ang tunay na pagkakakilanlan ni Jun Wu Xie at wala silang

magawa kundi ang patuloy na pigilan ang mga sarili…

Sa loob ng siyudad, nagbalik si Mo QIan Yuan sa Imperial Palace kasama si Jun Wu Xie at ang

kaniyang grupo upang pag-usapang mabuti ang tungkol sa alyansa.

Inatasan ni Jun Wu Xie si Lei Chen at ang iba pa na maghintay sa labas, upang bantayan ang

mga kawal na nasa labas ng siyudad habang siya, si Jun Wu Yao at Qiao Chu kasma ng iba pa

ay pumasok sa bulwagan ng Palace.

Sa loob ng bulwagan, tanging si Mo Qian Yuan at kasama ang ama at anak ng Jun Family. Ang

pintuan ng bulwagan ay sinara, hiniwalay sila ng tuluyan sa lahat ng nasa labas ng bulwagan.

Biglang naglakad si Jun Wu Xie patungo kay Jun Xian at nililis ang kaniyang roba sa gilid ng

kaniyang paa, siya ay natumba sa sahig at napaluhod!

"Grandfather!"

Ang emosyon na matinding pinipigilan ni Jun Xian ay biglang bumuhos at hindi na niya nagawa

pa na pigilan ito. Ang boses na iyon na tumawag ng "Grandfather", gaano na nga katagal

niyang inasam na marinig iyong muli? Bigla ay bumuhos ang luha sa matigas na mukhang iyon

at inunant ang nanginginig na kamay upang tulungan si Jun Wu Xie tumayo.

"Sapat na ika'y nagbalik na, sapat na ika'y nagbalik na. Tumayo ka upang magsalita, malamig

ang sahig."

Bagama't si Jun Wu Xie ay lumaking napakalakas na maraming tao ang hindi magawang

lampasan siya, ngunit sa mga mata ni Jun Xian, ito pa rin ang munti niyang apo, ang

bahagyang padaskul-daskol at walang muwang na munting batang babae.

Related Books

Popular novel hashtag