Naningkit ang mga mata ni Lin Xiao nang titigan ang dalawang Commander.
"Ang ibig niyo ba sabihing dalawa ay hindi na kayo magpapatuloy sa paglaban?"
Mabilis na pumakli ang dalawang commander: "Paano tayo lalaban? Ayan mismo ang Emperor
ng Fire Country! Tayo ay narito lamang upang suportahan at tulungan ang hukbo ng Condor
Country at hindi tayo determindaong lipulin ng tuluyan ang Qi Kingdom. Marami na tayong
nasayang na oras dito at marami na rin tayong nagawa. Kung inaasahan na magiging kalaban
naming ang Fire Country, pasensya na ngunit hindi naming magagawa iyon!"
[Kahit gaano kalakas ang Condor Country, hindi iyon kasing-halaga ng buhay nila.]
Hindi nagsalita si Lin Xiao, ngunit bakas na sa mga mata nito ang kakaibang kislap. Napansi ng
Commander in Chief ng Condor Country ang pagbabago sa bata at nais sana niyang magsalita
ngunit huli na ang lahat!
Dalawang sinag ng Purple Spirit energy ang lumabas sa kamay ni Lin Xiao at pumulupot iyon sa
leeg ng dalawang Commander!
Sa isang iglap, ang dalawang maskuladong Commanders na nadamitan ng kanilang mga baluti
at nakaupo sa ibabaw ng kanilang mga kabayo ay inangat sa ere ng dalawang sinag ng spirit
energy, ang mga lalamunan nila ay pinipiga ng isang malakas na puwersa at unti-unting
tinatanggal ang kanilang hiningaang dalawang lalaki ay nagpumiglas sa ere, ang hindik nilang
mga sulyap ay nakatuon kay Lin Xiao na ngayon ang katawan ay nagliliwanag dahil sa Purple
Spirit energy.
[Purple Spirit!]
[Ang batang iyon na mukhang mahina ay isa palang Purple Spirit sa pinakatanyag na
kapangyarihan!]
[Hindi makita at walang anyo, ang takot ay bumalot sa puso ng dalawang Commander, ang
kanilang mga mata ay nanlaki sa matinding takot.]
"Kayong dalawa ay making. Ngayon, lalaban kayo sa ayaw at gusto niyo. Kapag nalaman ko na
may nais tumakas, ipapaintindi ko sa kanila ang ibig sabihin nang mabuhay na mas Malala
kaysa ang mamatay!" saad ni Lin Xiao, ang mata niya ay naningkit, ang nakakahamak na
ekspresyon sa kaniyang mukha ay hindi maikakaila.
Mabilis na tumango ang dalawang Commander, hindi na nangahas na tumanggi pa.
Binawi ni Lin Xiao ang kaniyang Spirit Power at ang dalawang lalaki ay bumagsak sa lupa,
malalalim ang hininga at ang mga kamay ay nakahawak sa kanilang mga leeg, ang gulat ay
bakas pa rin sa kanilang mga mata habang nakatitig kay Lin Xiao.
"Bumalik na kayo sa inyong mga hukbo at kapag tumunog ang trumpeta ng Condor Country,
kayong dalawa ay maglulunsad din ng pag-atake agad!" kilabot na pananakot ni Lin Xiao.
Nagmamadaling sumakay ang dalawang Commander sa kanilang mga kabayo at nagbalik na sa
kanilang mga hukbo.
"Ngayon, patunugin mo na ang trumpeta upang magbigay hudyat sa paglusob at huwag niyo
na aksayahin ang oras ko. Dalawang basura lang ay nagawa na kayong takutin." nakangising
saad ni Lin Xiao habang nakatingin sa Commander in Chief ng Condor Country.
Sa utos ni Lin Xiao, walang pagpipilian ang Commander in Chief ng Condor Country kundi ang
sumunod at agad na pinatunog ang trumpeta. Matapos ang ilang saglit ng katahimikan, ay
muling lumusob ang hukbo sa Imperial City ng Qi Kingdom!
Nakatayo sa ere si Jun Wu Xie habang tinititigan ang hukbo ng tatlong bansa na kumikilos muli
upang lumusob at ang pagpatay sa kaniyang mga mata ay hindi na mapigilan.
"Bago dumating dito ang hukbo ng Fire Country ay hindi natin maaaring hayaan na makalagpas
sila sa tarangkahan." Saad ni Jun Wu Xie, naninigkit ang kaniyang mga mata. Kailangan niya ng
mahabang oras hanggang sa dumating ang huling pag-asa ng Qi Kingdom!
"Masusunod ang iyong kahilingan." nakangiting nilingon ni Jun Wu Yao si Jun Wu Xie.
[Hanggang gusto niya, hanggang hinahangad niya, ay kalulugudan niya ito.]
Sa simula, ilang ipo-ipo lamang ang nakaharang sa labas ng Imperial City. Ngunit nang
magsalita si Jun Wu Yao, ang bilang ng bagyo na iyon ay mas dumami ng sampung beses sa
orihinal nitong bilang!
Ang tinipon na ipo-ipo ay lubusang hinarang ang daan sa bawat sulok ng pader ng siyudad, at
naging imposible para kaninuman ang paglusob sa siyudad!
Ang ilan na nagmadali upang palibutan ang Imperial City ay biglang hinigop ng ipo-ipo at
naglaho sa paningin!
Ang dami ng nakamamatay na ipo-ipo ay mabilis na dumarami, at iyon ay nagdulot ng takot at
kilabot sa puso ng Commander in Chief ng Condor Country at maging si Lin Xiao na kani-kanina
lamang ay kampante ngayon ay nagpapakita na ng pagkawasak.