Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 1151 - Dugo sa Dugo (3)

Chapter 1151 - Dugo sa Dugo (3)

Habang nagsisiya ang Chief Commander sa loob ng tent, isang sundalo ang nagmamadaling pumasok.

"Report!"

Tumaas ang isang kilay ng Chief Commander. "Ano?"

"Reporting Chief Commander! Apat na milya mula dito, isang malaking grupo ng mga sundalo ang aming nakita!"

"Malaking grupo?" Saglit na nag-isip ang Chief Commander bago sumagot: "Hindi kaya'y nagtagumpay na ang Condor Country? Saglit lang iyon!"

"Nakita mo ba kung anong bansa iyon?" Tanong ng Chief Commander na wala man lang bakas ng pag-aalala. Malaki na ang nabawas sa pwersa ng Qi Kingdom, bukod sa apat na bansang nagkampihan, wala nang malaking grupo pa ang natira. Kaya naman wala silang dahilan para matakot.

"Hindi po. Malayo-layo pa sila kaya hindi ko makita ng maayos kung saang bansa sila galing."

"Hindi na mahalaga iyon. Makakaalis ka na." Pinaalis na ng Chief Commander ang sundalo.

Ngunit kakatapos pa lang magsalita ng Chief Commander, isa nanamang sundalo ang nagmamadaling pumasok.

"Report!"

"Ano nanaman ngayon?!" Nauubusan ng pasensyang sagot ng Chief Commander.

"Nakita ko na ng malinaw ang grupong iyon..." Puno ng kaba ang mukha ng sundalo.

"Oh? Anong bansa?" Hindi interesadong tanong ng Chief Commander. Ni hindi man lang nito tinapunan ng tingin ang sundalo bagkus ay hinila nito ang isang babaeng bihag at kinandong.

"Iyon ay...ay ang Fire Country..."

"Ano?!" Gulat na gulat ang Chief Commander sa kaniyang narinig. Itinulak niya ang babaeng nasa kaniyang kandungan at napabalikwas ng tayo.

"Anong sinabi mo? Fi...Fire Country?! Sigurado ka ba sa nakita mo? Ang grupo ng sundalong iyon ay galing sa Fire Country?!" Nagtagis ang mga ngipin ng Chief Commander. Katamtaman lang ang laki ng Prosper Country. Hindi sila maitutumbas sa mga malalaking bansa na katulad ng Fire Country.

Sa harap ng pinaka-makisig na Fire Country, wala silang binatbat sa mga ito!

"Sigurado po ako." Sagot ng sundalo.

Agad na namula ang Chief Commander.

"Bakit naman biglang magtutungo dito ang Fire Country? Hindi naman ganoon kalapit dito ang Fire Country. Bakit sila biglang magpapakita na lang dito sa Qi Kingdom?" Nag-umpisang bumalot ang niyerbos sa katawan ng Chief Commander.

Maging ang opisyal sa tent na iyon ay nag-umpisa na ring kabahan, maya-maya ay nagsalita na ito: "Hindi kaya'y inimbitahan din sila ng Condor Country dito? Tulad satin, inimbitahan lang din nila tayong tumulong sa kanila..."

"Nagbibiro ka ba?! Sa kung anumang mayroon ang Condor Country, hindi nila magagawang pakilusin ang Fire Country!" Agad iyong sinalungatan ng Chief Commander. "Gayong wala namang alitan sa pagitan ng Fire Country at Condor Country, hindi rin masasabing magkaibigan ang dalawang bansa. Alam ng lahat na gustong manguna ng Condor Country ngunit hindi nila kaya ang tikas ng Fire Country kaya naman wala silang magawa kundi ang magtimpi na lang. Maliban na lang kung baliw ang Emperor ng Fire Country, kung hindi imposibleng tatanggapin nila ang imbitasyon ng Condor Country."

"Kung gayon...anong nangyayari dito..." Naguguluhang tanong ng opisyal.

Maging ang Chief Commander ay hindi na mapalagay. Maya-maya ay muli siyang nagtanong sa sundalo.

"Napansin mo ba kung gaano karaming tauhan ng Fire Country iyon?"

"Er..." Saglit na nag-isip ang sundalo bago sumagot: "Napakarami ng sundalong iyon, kaya hindi ko kayang magbigay ng haka-haka, pero base sa dami nila siguro ay nasa mahigit isang milyon!"

"ANO!?" Gulat na gulat ang Chief Commander sa kaniyang narinig, napaatras siya at muling napaupo sa kaniyang upuan. Tinakasan ng kulay ang mukha nito.

[Mahigit isang milyon!]

Kilala ang mga sundalo ng Fire Country bilang magigiting at matitikas na sundalo sa balat ng lupa. Gayong hindi man ito kasing-tapang at husay ng Rui Lin Army na kayang pumatay ng sampu laban sa isa, masasabing ang mga sundalo ng Fire Country ay kayang pumatay ng tatlo laban sa isa!