Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 1148 - Ang Dugo ng Sundalo ay Mananatiling Buhay (5)

Chapter 1148 - Ang Dugo ng Sundalo ay Mananatiling Buhay (5)

Tuloy-tuloy ang labanan sa Qi Kingdom. Magiting na nakipaglaban ang Rui Lin Army at ang mga sundalo ng Qi Kingdom ngunit hindi pa rin nila kayang tapatan ang apat na bansang kanilang kaaway!

Naglunsad si Mo Qian Yuan ng kautusan na lahat sila ay bumalik sa Imperial City para makapag-handa sa pinal na giyera laban sa mga kaaway.

Sa simula, isang-daang libong sundalo ng Rui Lin Army ang kumilos. Ngunit sa kanilang pagbalik sa Imperial City ay nasa dalawampung libo na lang ang natira...

Walumpung-libong Rui Lin Army ang inilibing ng mga kaaway sa labanan. Maliban pa doon, ilang daang libo ding sundalo ng Qi Kingdom ang namatay!

Nang bumalik ang mga sundalo ng Imperial City, kasama nito ang mga mamamayan ng lungsod. Ang mga sundalong bumalik mula sa pakikipaglaban ay halos mukhang naliligo na ng dugo. Ang mga sugatan ay binuhat na lang pabalik ng Imperial City. Lahat sila ay nanlilimahid ng pinaghalong dugo at putik ang kasuotan.

Sa itsura ng mga kalalakihang ito, bakas ang pagal. Hindi na mapigilan ng mga mamamayan ng Imperial City ang galit sa kanilang mga puso.

Sa Rui Lin Army ay dalawampung-libo na lang ang natira habang sa mga sundalo ng Qi Kingdom ay nasa isang-daan na lang.

Mahigit pa sa kalahati ang bilang ng nawala kaysa sa natira!

Malaki ang pinsalang ginawa ng giyerang ito sa buong Qi Kingdom!

Nag-aalala ang mga kababaihan para sa kanilang mga asawa. Sa kabilang panig ng kanilang isip ay hindi maitatangging malabo nang makita pa nilang muli ang kanilang mga mahal sa buhay. 

Marami nang sundalo ang namatay at hindi pa rin tapos ang giyerang ito! At paniguradong mayroon pang mas madugong laban!

Nang makabalik, agad na nagtungo si Jun Xian sa Imperial Palace para kausapin si Mo Qian Yuan.

Ang lalaking minsang nakipaglaban para sa Qi Kingdom at mag-isang itinaguyod ang Rui Lin Army, walang iba kundi si Duke Lin, ngayon ay matanda na. Sa loob lang ng dalawang linggong labanan ay mas tumanda pa ang itsura nito.

"Kamahalan!" Wala nang panahon si Jun Xian na hugasan ang dugo at putik sa kaniyang kalasag. Agad na siyang nagtungo sa Palasyo para kausapin ang Emperor. Nang makita nito si Mo Qian Yuan, agad itong lumuhod at sinabing: "Nabigo ang aming kampon na sundin ang iyong kautusan, narito ako para tanggapin ang parusa!"

Agad na bumaba si Mo Qian Yuan sa kaniyang trono at tinulungan si Jun Xian na makatayo.

"Duke Lin...Sapat na ang iyong ginawa. Matapang kang humarap sa mga kaaway para sa Qi Kingdom." Sunod-sunod ang balitang natatanggap ni Mo Qian Yuan nitong mga nakaraang araw. Bawat balitang natatanggap niya ay pinanlulumuan niya. Minsan ay napapaisip siyang gusto niya na lang sumakay sa kaniyang kabayo at makipaglaban din sa apat na bansang kanilang kaaway!

"Labis naming ikinahihiya ang nangyari." Nakayukong saad ni Jun Xian.

Siya ay isa sa mga pangunahing pwersa ng Rui Lin Army. Kaya naman masasabi niyang wala nang pag-asa ang Qi Kingdom.

Ang Rui Lin Army ay nasa pangangalaga ni Jun Wu Xie at Mu Chen para maging mas malakas pa. Ngunit kahit na ganoon, sa harap ng milyun-milyong leon wala silang magagawa!

Nasaksihan ni Jun Xian ang lahat. Nakita niya kung paano isa-isang tinanggalan ng buhay ng mga kaaway ang kanilang mga sundalo!

"Duke Lin, siguro ay iyon ang kagustuhan ng Langit, ibinuhos naman natin ang ating makakaya. Kung iyon ang tadhanang ibinigay satin wala tayong magagawa at hindi mo dapat sisihin ang iyong sarili. Kung hindi dahil sa pakikipaglaban niyo sa kanila, hindi sila mahihirapan at hindi aabutin ng dalawang linggo para makarating dito. Sa loob lamang siguro ng pitong araw ay nagawa na tayong tuluyang masakop ng apat na bansang iyon!" Inaalo ni Mo Qian Yuan, ngunit ang katotohanan ay tila bikig sa lalamunan. Ang apat na bansang kanilang kalaban ay milyun-milyon ang dalang sundalo. Paanong makakaya nilang matalo ang ganoong bilang ng kaaway?!

Related Books

Popular novel hashtag