Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 1145 - Ang Dugo ng Sundalo ay Mananatiling Buhay (2)

Chapter 1145 - Ang Dugo ng Sundalo ay Mananatiling Buhay (2)

Noong mga panahong iyon, ang mga heneral na naninilbihan kay Duke Lin at Jun Xian ay talaga nga namang malalakas. Ngunit matapos maitatag ang kingdom, ang Emperor noong panahong iyon ay pinahina ang kapangyarihan ng Rui Lin Army. Pinuwersa niyang pababain sa posisyon ang ilang mga militar para maging Panginoon sa ilang maliliit na lungsod.

Walang ibang nagawa ang grupo ng mga heneral na iyon kundi ang lisanin ang army na kanilang sinumpaan. Dahil sa paghihinala ng Emperor, isinuko ng mga ito ang kanilang sandata at kalasag upang magtungo sa maliliitn na lungsod.

Labag man sa kalooban, wala ni isa sa Rui Lin Army ang kumontra. Tahimik silang umalis sa army.

Si Long Zhan na nasa harap ngayon ng Panginoon ng Siyudad, ay isa sa mga heneral na puwersahang pinaalis sa Rui Lin Army!

Siya rin ang ama ng kasalukuyang High General ng Rui Lin Army na si Long Qi!

"Senior General Long Zhan! Bakit...Bakit..." Hindi makapagsalita ng maayos ang Panginoon ng Siyudad. Lahat ng mga heneral na pinaalis noon ay idinestino sa malalayong siyudad. 

"Kahit na hindi na ako sundalo ng Rui Lin Army, ngunit ang mga buto ko ay hinubog ng Rui Lin Army. Sa kasalukuyang sitwasyon dito, paanong uupo na lang ako? Ang siyudad na ito ay ang daanan patungo sa Imperial Palace. Kahit na kami ng aming mga grupo ay matatanda na, tingin ko ay magkakaroon tayo ng sapat na oras." Determinadong saad ni Long Zhan.

Hindi pa rin nakakabawi sa pagkagulat ang Panginoon ng Siyudad ngunit bigla niyang napagtanto na nagpunta dito si Long Zhan dahil buhay pa rin ang espiritu ng Rui Lin Army sa puso nito. Kahit na umalis ito sa Rui Lin Army, ngunit nanatili pa ring tapat ito sa Rui Lin Army na pinanggalingan nito!

"General Long! Maraming salamat, labis namin kayong tinitingala!" Agad na lumuhod ang Panginoon ng Siyudad. Nang mag-angat ito ng tingin ay namumula na ang mga mata nito: "Lubos naming tinatanggap ang iyong tulong, tatanawin namin itong utang na loob!"

"Siya!" 

Tumayo na ang Panginoon ng Siyudad at inutusan ang lahat na umalis na ng lungsod matapos lumikas ng mga mamamayan dahil ang lugar na ito ay magiging impyerno.

Subalit...

Wala ni isa sa mga sundalo ang gumalaw. Nanatili ang mga itong ginaguwardiyahan ang pader.

"Hindi natin hahayaang bumagsak ang bansang ito. Handa kaming mamatay para sa Qi Kingdom! Isang karangalan para sakin ang mabigyan ng oras ang Kamahalan para makaaghanda!" Determinado ang mga sundalo. Ang ilan sa mga ito ay bata pa at kakatanghal pa lang na maging sundalo. 

[Sa oras na bumagsak ang bansang ito, mawawalan na rin sila ng tahanan. Hindi sila maaaring manuod na lang.]

[Ito ang kanilang tahanan!]

Sa oras na bumagsak ang bansang ito, wala na silang pinagkaiba sa mga palaboy!

"Mabuti! Mabuti! Lahat ng matitikas!" Inilibot ni Long Zhan ang kaniyang paningin sa mga sundalong nakapaligid. Pigil ang luha sa kaniyang mga mata, para siyang bumalik sa panahon noong siya ay kabilang pa sa Rui Lin Army.

"Makinig kayong lahat! Ipaglaban niyo ang lungsod sa abot ng inyong makakaya! Lalaban tayo hanggang kamatayan! Kailangan natin ng oras pa para sating mga kapatid sa Imperial City!" Malakas na sigaw ni Long Zhan. Muling narinig ang kaniyang tinig sa Imperial City sa loob ng mahabang panahon.