Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 1122 - Pagdurog at Pagbagsak (3)

Chapter 1122 - Pagdurog at Pagbagsak (3)

Inilabas ni Jun Wu Xie lahat ng pagpipigil niya kay Qu Ling Yue sa kaniyang hiling at nagpunta

sa isang sulok ng kama. Walang kahit anong ekspresyon sa kaniyang mukha at ang malamig

nitong mata ay nakakatakot tingnan.

"Mabuhay o mamatay, mamili ka ng gusto mo."

Natigilan si Qu Ling Yue. Ang balita sa pagkamatay ng kaniyang ina at ang kabaliwan ng

kaniyang ama ay sadyang nakagugulat sa kaniya at imposible sa kaniya na lunukin lahat ng

iyon sa ilang sandali lamang. Walang magawa na napaupo siyang muli sa higaan at kinuha ang

dulo ng kumot, tahimik niyang iniyak ang lahat habang ang pighati at kalungkutan ay walang

awa na dumurog sa kaniya.

Lumabas ng silid si Jun Wu Xie at isinara ang pintuan, ang tunog ng pag-iyak ay maririnig sa

likuran ng pintuan.

Nakatayo sa labas ng pintuan, ay si Qiao Chu na napalunok ng malakas nang marinig ang

pagtangis. Bawat salita na sinabi ni Jun Wu Xie kay Qu Ling Yue kanina ay malinaw niyang

narinig.

Ang katotohanan na mayroong pagtatangka na magpakamatay si Qu Ling Yue ay inaasahan na

nilang lahat. Ngunit kahit bugubugin mo siya hanggang kamatayan, ay hindi niya nahulaan na

gagamitin ni Jun Wu Xie ang paraan na iyon upang hadlangan ang tangkang pagpapakamatay

ni Qu Ling Yue.

Ang pamamaraan ni Little Xie ay simpleng brutal!

"Ang sabihin lahat sa kaniya ng ganoon, ayos lang ba talaga iyon?" tanong ni Qiao Chu, tila sa

kalooban ay salungat siya habang nakatingin kay Jun Wu Xie. Ang isa na nasa loob ay

nakaranas ng hindi mailarawan na bangungot at walang anumang kahinahunang salita na

sinabi, imbes ay tinakot pa ito ni Jun Wu Xie!

"Kung hindi, ano?" tanong ni Jun Wu Xie, simangot na tumingin kay Qiao Chu.

Wala siyang ideya kung paano paginhawin ang pakiramdam ng isang tao. Higit pa roon, hindi

na niya naisip na ang mga magagandang salita ay mayroong epekto. Sa puntong iyon, si Qu

Ling Yue ay napopoot at namumuhi na sa kaniyang sarili at kahit anong tiyak na salita ang

kaniyang sabihin, ay hindi iyong maririnig ni Qu Ling Yue. Kaya mas magandang magsagawa ng

diretsahang pamamaraan, upang hadlangan siya na kitlin ang sariling buhay.

"Err…" hindi makasagot si Qiao Chu sa tinuran ni Jun Wu Xie at hindi niya alam kung anong

sasabihin. Hindi niya pa nasubukan na kalingain ang ibang tao at lalo na sa ganitong

pagkakataon.

"May kailangan ka ba sa akin kaya narito ka?" tanong ni Jun Wu Xie habang nakatitig kay Qiao

Chu na hindi pa rin nakapagsalita.

Bigla ay naalala ni Qiao Chu ang dahilan kung bakit hinahanap niya si Jun Wu Xie. "Er… May

nadiskubre si Big Brother Wu Yao sa loob ng Heavenly Cloud Chambers at sinabi niya sa akin

na puntahan ka dito. Nasa ika-anim na palapag iyon."

Tumango si Jun Wu Xie at tumalikod na upang maglakad, iniwan si Qiao Chu na nakatayong

mag-isa sa pintuan, upang marinig ang mga tunog ng iyak na nagmumula sa loob ng silid,

habang ilang beses niyang hinimas ang kaniyang ilong sa kawalang magawa.

Ang Heavenly Cloud Chamber ay pansamantalang naging himpilan ni Jun Wu Xie. Ngunit

matapos niyang sagipin si Qu Ling Yue ay hindi siya lumabas sa silid na iyon at hindi siya

pamilyar sa buong lugar. Lahat ng mga pinaborang lalaki na nasa loob ng Heavenly Cloud

Chambers ay itinaboy ni Ye Sha at Ye Mei. Nang makita ang masamang-budhi ni Jun Wu Yao,

wala ni isa man sa mga pinaborang lalaki na iyon ang nangahas na bumitaw ng isang salita

nang inutusan silang magsilayas at hindi na sila nag-aksaya ng oras at nagbalot sila ng kanilang

mga gamit at madaling umalis sa Heavenly Cloud Chambers.

Ang ika-anim na palapag ay walang laman at isang kahoy na pintuan ang nakaharang sa

kalakihan ng lugar. Nang makarating sa unang pagkakataon si Jun Wu Xie sa Heavenly Cloud

Chambers upang dumalo sa kaarawan ni Qu Xin Rui, ay napansin na niya ang pintuang iyon sa

ika-anim na palapag. Sa liko ng kahoy na pintuang iyon ay bahagyang maaaoy ang masangsang

na dugo na lumalabas mula doon at ang amoy na iyon ay naroon pa rin hanggang ngayon.

Nakatayo sa pintuan si Ye Sha at Ye Mei, lumuhod sila bilang pagbati nang makita nila si Jun

Wu Xie na paparating.

Subalit, sa sandaling makapasok si Jun Wu Xie sa pintuan, ang nakakasulasok na amoy ng dugo

ay mabilis na sumalubong sa kaniya at ang nasilayan niya sa loob ay naging dahilan upang

agad na magsalubong ang kaniyang mga kilay.

Sa likod ng pintuan, ang batong sahig sa ilalim ng kaniyang paa ay natatakpan ng makapal na

namuong dugo. Ang dugo ay pinuno ang bawat sulok ng buong sahig at dahil matagal na itong

namuo, ang dugo ay halos nangitim na.