Matapos sabihin iyon, inangat ni Jun Wu Xie ang kaniyang paa upang pumasok sa loob ng
piitan!
Sa mapanglaw at madili na piitan, isang munting anyo ang kaawa-awang nagsusumiksik sa
isang sulok. Nanghiram ng liwanag sa mapanglaw na liwanag ng kandila, nagkaroong ng
malinaw na paningin si Jun Wu Xie sa estado ng anyong iyon. Ang maputi at makinis na balat
ng anyo ay nakalantad at halos walang takip, mahabang kadena ang nasa palibot ng kaniyang
mga paa, ang malinaw na tunog ng kalansing ay maririnig kasabay sa hindi makontrol na
panginiginig.
Sa payat na katawan na iyon, berde at lila na mga sugat ang makikita sa kabuuan, at ang ulo
niyang may napakagandang buhok na dati'y kinaiinggitan ng maraming dalaga ngayon ay
buhol-buhol na paran sa isang damo, na naging isang bagay upang matakpan ang kaniyang
katawan…
Si Qu Ling Yue, ang Young Miss ng Thousand beast City, isang batang babae na dapat ay
lumaking minamahal ng lahat, ngayon ay nasa isang kaawa-awang estado.
Sa palibot niya, ilang kalalakihan na mga nakahubad ang naliligo sa dugo, halatang pinaslang ni
Ye Sha nang sumugod ito doon kanina.
Ang katotohanan na ang mga lalaking ito ay naroon, ay nagsasabi kay Jun Wu Xie ng isang
bagay, na hanggang sa mga sandaling sumugod doon si Ye Sha, si Qu Ling Yue ay pinapahiya at
walang awang dinudungisan ng mga lalaking ito na mas masahol pa sa hayop!
Nang mga sandaling iyon, naramdaman ni Jun Wu Xie ang kaniyang sikmura. Hindi na niya
mapigilan ang sarili at siya ay nasuka ngunit walang lumabas, halos mabitawan niya si Lord
Meh Meh sa lupa!
"Huwag kang tumingin!" biglang hinatak ni Jun Wu Yao si Jun Wu Xie sa kaniyang braso.
Ang temperatura sa katawan ni Jun Wu Xie ay mabilis na bumababa, ang kamay niya ay
napakalamig na tila kinuha ito mula sa yelo, at siya ay nanginginig.
Para kay Jun Wu Xie na napakalinis, ang pinsala na tumama sa kaniya mula sa tulad nito ay
mas malala kaysa anumang bagay na kaniyang maiisip!
Nang araw na iyon, kung saan ay dinampian siya ng halik ni Qu Xin Rui sa kaniyang mukha ay
nahiling niyang sana ay mapunit niya ang kaniyang mukha, ngunit ang sitwasyon ni Qu Ling
Yue ay mas kahindik-hindik!
Si Jun Wu Xie ay mahigpit na yakap ni Jun Wu Yao, ang mata ay nanlalaki, emosyon na
namumuo sa mata nito ay hindi maarok.
Marahil ang ikinilos ni Jun Wu Yao ay gumulat kay Qu Ling Yue na nakakadena sa isang sulok at
bigla ay nagpakawala ito ng isang angil na tulad ng isang ligaw na hayop. Naging tahimik at
hindi gumagalaw ito kanina ngunit bigla ay mabangis itong nagpupumiglas. Hinatak niya ang
kadena na pumipigil sa kaniya at hindi maintindihan na palahaw ang lumabas mula sa
kaniyang bibig.
Bigla ay itinulak ni Jun Wu Xie si Jun Wu Yao palayo, at huminga siya ng malalim ng ilang
beses, nilabanan na sugpuin ang pagkaduwal sa loob ng kaniyang tiyan. Inilagay niya si Lord
Meh Meh sa braso ni Jun Wu Yao at tumalikod upang humakbang ng malalaki patungo kay Qu
Ling Yue!
Sa mga sandaling iyon, si Qu Ling Yue ay tuluyan ng nawala sa kaniyang pag-iisip, habang
marahas itong nagpupumiglas, nais na iwasan ang lahat. Ang dugo mula sa mga patay na
kalalakihan sa kaniyang paligid ay nagmantsa sa kaniyang maputing paa. Tila hindi niya
alintana na ang kaniyang mga paa ay nakagapos ng mnakapal na kadena, ginamit lahat ng
kaniyang lakas upang nakawala sa lugar na iyon!
Tumayo si Jun Wu Xie sa harapan ni Qu Ling Yue, nakatingin sa ngayon ay ibang-ibang tao na
nakilala niya, at ang puso niya ay kumirot.
"Huwag… Huwag…" ang iyak ni Qu Ling Yue ay umalingawngaw sa buong kulungan, ginawa
ang lahat upang itago ang kaniyang sarili sa sulok, ang takot na takot na mga mata ay
umaapaw sa luha.
Ang kamay at paa ay makikitaan ng sugat, ang balat sa ilalim ng kadena ay nawasak at ang
laman ay makikita na nahantad ang buto sa parehong lugar…
Marahas na nagpupumiglas at mayroong malubhang pinsala sa kaniya, tila ay wala siyang
pakialam. Tanging ang Heavens lamang ang nakakaalam kung anong uri ng hindi mailarawan
na pagdurusa ang pinagdusahan niya sa loob ng ilang panahon.
"Huwag kang matakot." ginawa ni Jun Wu Xie ang lahat upang gawing banayad ang kaniyang
boses, habang unti-unti ay nilapitan niya ang takot na takot na si Qu Ling Yue.