Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 1100 - Sampal Sa Mukha - ikalabing-isang Anyo (2)

Chapter 1100 - Sampal Sa Mukha - ikalabing-isang Anyo (2)

Dahil sa galit na sigaw ni Qu Xin Rui, ang mga kababaihan ay nilukod ng takot at kilabot. Sila ay

walang tigil na nanginig habang wala sa sarili na inilapit ang kanilang sarili sa kanilang

kapamilya.

Ang mga mamamayan na nasa tarangkahan ng siyudad ay gumalaw upang protektahan ang

mga kababaihan na nasa likuran nila, malinaw na senyales na hindi nila ibibigay ang kanilang

mga kababaihan.

Tinitigan ni Qu Xin Rui ang tindig na ginawa ng mga mamamayan at ang kaniyang mukha ay

nagdilim at nagbabanta. Inilipat niya ang tingin sa hapong si Qu Wen Hao at malamig na

sibigawan ito: "Qu Wen Hao! Hindi mo ba titipunin ang mga bihag!? hindi mo na ba nais na

makita ang iyong anak at asawa!?"

Biglang nagising si Qu Wen Hao at tumingin siya sa paligid at napagtanto. Naglakad siya sa

harap ni Qu Xin RuI na natataranta at tuliro at nagtanong: "Nasaan ang asawa ko… Nasaan

siya… Bakit hindi ko siya makita… Ang lahat ay nagbalik, bakit wala siya dito…"

Ngumisi ng malamig si Qu Xin Rui at sinabi: "Natural lamang na aalagaan kong mabuti ang

Madam ng Thousand Beast City at kung nais mo na makita ang iyong asawa, sa gayon ay

utusan mo ang mga guwardiya na hulihin lahat ng mga kababaihan!" sa kasunduan na hawak

niya sa kaniyang kamay ay hindi susuko si Qu Xin Rui. Bago niya makontrol ang Fire Country sa

pamamagitan ni Jun Xie, ang mga tao ng Thousand Beast City dapat ay manatili sa ilalim ng

kaniyang kontrol.

Nilingon ni Qu Wen Hao ang kaniyang ulo na natutuliro habang tiningnan ang mamamayan ng

Thousand Beast City. Sa mga mukhang iyon, nakita niya ang pighati at paghihirap ng mga tao.

Nakita niya na ang tapang ng mga tao ng Thousand Beast City na nawala ay unti-unting

bumabalik. Ang mga taong iyon na may matinding takot kay Qu Xin Rui ay hindi umaaktong

takot tulad noon. Ang mga mata nila'y puno ng katatagan habang itinutulak nila sa kanilang

likuran ang mga kababaihan, nakalabas ang dibdib, pinapakita ang kanilang pagsuway.

Lumipat ang sulyap ni Qu Wen Hao mula sa mga mukha ng tao papunta sa takot na mga

mukha ng mga kababaihan na nasa likuran nila. Ang mga kababaihang iyon ay mamamayan rin

ng Thousand Beast City ngunit binihag ni Qu Xin Rui ng ilang taon upang ikulong sa bilangguan

kung saan hindi nila nakikita ang liwanag ng araw. Dahil sa hindi sila nalalantad sa araw sa

matagal na panahon, ang kanilang balat ay may kakaibang putla. Ang mata nila ay puno ng

takot habang walang kurap na nakatitig kay Qu Wen Hao, ang kanilang Grand Chieftain,

tahimik na nakikiusap ang mga mata.

Naramdaman ni Qu Wen Hao na tili may bumikig sa kaniyang lalamunan habang nakatingin sa

hindi mabilang na pares ng mga mata na puno ng kalungkutan, at kaniyang napagtanto na

hindi niya kaya na sundin ang utos.

"Qu Wen Hao! Gusto mo ba talagang masira ang iyong pamilya!?" napansin ni Qu Xin Rui na

hindi gumagalaw si Qu Wen Hao matapos ang ilang sandali kaya walang tiyaga na sumigaw

siya.

Muli ay nagising ang buong katawan ni Qu Wen Hao nang hindi kanais-nais na mga imahe ang

biglang pumasok sa kaniyang utak, malakas na dumaluyong tulad ng isang karayom na

sumaksak sa kaniyang kamalayan.

"Grand Chieftain… Nagsisinungaling siya… Nagsisinungaling siya! Matagal ng wala si Madam…"

sigaw ng isa sa mga babae na nasa kumpol ng mga tao. Ang boses na iyon ay umalingawngaw

sa hangin at nakarating sa pandinig ng Qu Wen Hao na sumuntok ng matindi sa kaniya at siya

ay napaatras ng ilang hakbang, ang dugo sa kaniyang mukha ay nawala ng tuluyan sa kaniyang

mukha!

"Walang kwenta ang sinasabi mo! Mga guwardiya! Pugutan ng ulo ang malanding yan ngayon

din!" nabanaag sa mata ni Qu Xin Rui ang kaba, kaya galit siyang sumigaw. Si Shen Chi na

nakatayo sa kaniyang likuran ay biglang naglakad sa harapan, nais patahimikin ang babae na

nagsalita.

Ngunit si Qu Wen Hao ay tumayo sa harapan ni Shen Chi, hinarangan niya ang paglalakad nito.

Inangat nito ang kaniyang ulo at puno ng galit ang mga mata na tumingin kay Qu Xin Rui.

"NASAAN ANG ASAWA KO!"

Nagulantang si Qu Xin Rui at nilabanan ang taranta na unti-unting umuusbong sa kaniyang

puso kaya nagsalita siya ng may pangungutya: "Qu Wen Hao! Sino sa akala mo ang kausap

mo!?"

"NASAAN ANG ASAWA KO!" bulyaw ni Qu Wen Hao, ang mata niya ay namumula.

Napamura si Qu Xin Rui sa ilalim ng kaniyang hininga at sinabi: "Ang asawa mo ay buhay pa at

hiwalay ko siyang ikinulong. Huwag kang makinig sa walang kwentang sinasabi ng malanding

iyon!"

Related Books

Popular novel hashtag