Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 1098 - Ang Palabas ay Magsisimula Na (3)

Chapter 1098 - Ang Palabas ay Magsisimula Na (3)

Hawak ni Xiong Ba ang kaniyang ulo dala ng matinding sakit habang tiningnan si Qing Yu.

"Anong nangyari?"

"Madali ka at magtungo sa tarangkahan ng siyudad upang makita mo!" saad ni Qing Yu at siya

ay humakbang upang akayin si Xiong Ba na makatayo. Si Xiong Ba ay mahilo-hilo pa rin kaya

naman nang kaladkarin siya ni Qing Yu sa paglalakad ay pagewang-gewang siya.

Sa tarangkahan ng Thousand Beast City, ang nagtipon-tipon na mga tao doon ay halos punuin

ang pangunahing kalsada. Kinaladkad ni Qing Yu si Xiong Ba at nakipagsiksikan sa mga tao

upang makarating sa pinakaharapan, ang nakita niya ay nagdulot sa kaniyang mata na manlaki

dahil sa matinding gulat!

Sa labas ng tarangkahan ng siyudad, ilang libo ng kababaihan ang nagtipon-tipon doon. Puno

ng luha ang mga mata at napakapayat at nanghihina ang kanilang mga hitsura habang ang

mga kamay nila ay kinakabahan na magkahawak sa harap ng kanilang dibdib.

Ang Thousand Beast City ay halos may isang libong tao na binihag ni Qu Xin Rui, at ang mga

iyon ay nasa kanilang harapan ngayon!

Sumabog ang utak ni Xiong Ba nang mapagtanto iyon!

Lahat ng mga taong iyon na binihag ni Qu Xin Rui ay nagbalik!

At ang bagay na iyon ay talagang imposible!

Ang mga babaeng iyon na matagal nang nahiwalay sa kanilang pamilya ay sabay-sabay na nag-

iiyakan, binalot ang Thousand Beast City ng kalungkutan na nagpakislot sa puso ng mga taong

nakarinig.

Lahat ng tao na narinig ang balita ay nagmadaling magpunta sa lugar na iyon at nakita ang

kanilang mga asawa at nanay. Walang anuman ang makakaabala sa kanila, basta sila'y

nagmamadaling nagtungo doon upang akapin ang kanilang mga minamahal.

Ang tarangkahan ng Thousand Beast City ay napuno ng hagulgol at iyakan, ang mga taong

luhaan ay mahigpit na nagyakap, hindi nila maisip kung ano ang tunay na nangyayari.

Si Qu Xin Rui ay nagdadala ng grupo ng mga tao bawat buwan ngunit kaunti lamang ang bilang

niyon. Ngunit sa pagkakataong ito, lahat ng taong binihag niya ay pinakawalan at iyon ay

tunay na nagpagulat sa lahat!

Nanlalaki ang mata na nakatitig si Xiong Ba sa lahat ng kababaihan na nagbalik, blanko ang

kaniyang utak.

Hindi kailanman magiging mabait si Qu Xin Rui na palayain ang lahat sa isang pagkakataon

lamang.

At sa likod ng mga emosyonal na kababihan, sa ibaba ng pader ng siyudad ay biglang nakita ni

Xiong Ba ang isnag pamilyar na anyo. Nakilala niya ito bilang si Qiao Chu na nagmamadaling

magbalik sa Thousand Beast City ilang araw na ang nakakalipas!

"Si Jun Xie… iniligtas silang lahat ni Jun Xie…" tulad ng isang kidlat na tumama sa kaniya, si

Xiong Ba ay pagiray-giray na nabuwal, si Qing Yu ay madaling hinawakan siya upang alalayang

makatayo, ang mata niya ay napuno ng parehong kahihiyan at pagsisisi.

Ang pagbabalik ng kanilang mga kababaihan ay siguradong hindi dahil sa awa ni Qu Xin Rui.

Nang magpunta sa kanila si Qiao Chu at Hua Yao ilang araw na ang nagdaan, sinabi nila na

alam na nila ang lugar kung saan nakakulong ang kanilang mga tao, matindi ang pagnanais ni

Xiong Ba at Qing Yu na tanungin sa kanila ang eksaktong lugar ngunit matindi ang hiya nila na

buksan ang kanilang mga bibig. Inisip pa nila na tuluyan na silang iniwan ni Jun Xie matapos

ang nangyari at hindi na sila tutulungan pa.

Ngunit ngayon, tinitingnan nila lahat ng mga taong ito na nagbalik sa kanila.

Bigla ay naramdaman ni Xiong Ba at Qing Yu ang pag-iinit ng kanilang mukha at napakasakit

niyon!

Iniligtas pa rin ni Jun Xie lahat ng mga taong ito na binihag. Kahit nagawa nilang traydurin ang

bata, ay hindi niya hinayaan na manaig ang galit sa kaniyang puso at isangkot ang mga

inosenteng bihag.

Ang pagbabalik ng mga bihag ay hindi sinasadya na nagdala ng isang sampal kay Xiong Ba at sa

kaniyang mga tao. Ang matinding kahihiyan ay sinundot ang kanilang konsensya at

naramdaman nila na tila mahirap huminga.

Kumpara kay Jun Xie, silang lahat ay lamang grupo ng mga walang utang na loob na hayop!

Nakatayo sa masaya at emosyonal na kapaligiran na nakapalibot sa kanila, ay yumuko sa

matinding kahihiyan si Xiong Ba at Qing Yu. Napansin nila na sa kumpol ng mga tao ay isang

nalilitong Qu Wen Hao ang blankong nakatitig sa lahat ng nasa harapan niya…

Walang buhay ang tingin ni Qu Wen Hao, ang dating anyo na kaakit-akit ay tila nadagdagan ng

sampung taon sa nakalipas na ilang araw. Bahagyang nanginginig ang kaniyang balikat, tila

pinipigilan ang emosyan na nasa loob.

Ang ibang tao sa Thousand Beast City ay walang kaalaman sa tunay na dahilan kung bakit ang

miyembro ng kanilang pamilya ay ligtas na nakabalik.

Related Books

Popular novel hashtag