Kalamado si Jun Wu Xie na tumingin sa gulat na si Qiao Chu.
"Letse… Kailangan na natin umalis ngayon at pahirapan hanggang sa mamatay ang matandang
bruha na iyon!" saad ni Qiao Chu hanbang hinihimas ang kaniyang kamao, hanada na gumawa
ng malaking gulo. Kung nalaman lang nila na mangyayari lahat ng ito kay Jun Wu Xie sa
Thousand Beast City ay hindi na sana nila hinayaan na magpunta ng mag-isa si Jun Wu Xie
doon kahit pa bugbugin sila hanggang sa mamatay.
"Hindi kailangan magmadali." saad ni Jun Wu Xie, umiling ang kaniyang ulo. Humarap siya kay
Hua Yao na nasa isangsulok at sinabi: "Nagawa ba ninyong mahanap kung saan nakakulong
ang mga tao?"
Tumango si Hua Yao. "Ang lugar kung saan sila ikinulong ay hindi kalayuan. Iyon ay isang
kulungan na nasa ilalim ng lupa at ang mga nagbabantay doon ay hindi ganoon kalalakas.
Ngunit dahil karamihan sa mga bihay ay mahina at kaawa-awang mga kababihan kaya hindi
nila magawa na kalabanin ang mga guwardiya."
Ang mga guwardiyang ipinadala ni Qu Xin Rui ay hindi maingat at alerto,iniisip nila na dahil
siguro sa ilang taon na itong nangyayari ay hindi pa sila nakatagpo ng sinuman na lalaban sa
kanila kaya sila ay naging kampante.
Tumango si Jun Wu Xie.
Nanlaki ang mata ni Qiao Chu. "Ang tampalasang Grand Chieftain na iyon ay nakagawa na ng
isang kataksilan ngunit iniisip mo pa rin na tulungan siyang sagipin ang kaniyang mga tao?
Nahihibang ka na ba?"
Iniisip ni Qiao Chu na matapos makagawa ni Qiao Chu ng isang malaking pagkakamali, ang
katotohanan na hindi siya pinaslang ni Jun Wu Xie ay nagpapakita na ng pagiging maawain at
ang ipagpatuloy pa rin na sagipin ang mga ikinulong na kababaihan ng Thousand Beast City ay
maituturing na kahibangan.
"Ginagawa ko ito para sa kapakanan ng Thousand Beast City." walang ekspresyon na sagot ni
Jun Wu Xie. "Mayroon akong sariling mga dahilan sa paggawa nito."
Ang kooperasyon sa Thousand Beast City ay balewala na at ang ginagawa na lamang niya
ngayon ay upang makuha ang mapa sa lalong madaling panahon.
"Ang plano ay umabot na sa puntong ito. Anuman ang nais gawin ni Qu Wen Hao at ng
kaniyang mga tao, hindi ko ititigil ang aking plano. Dahil hindi na natin ipinagpatuloy ang
kooperasyon, sa gayon ay pagagalawin ko sila ayon sa aking plano." saad ni Jun Wu Xie na
naniningkit ang mga mata.
Nagulantang si Qiao Chu at kaniyang tinanong: "Ano ang balak mo gawin?"
Sumagot si Jun Wu Xie: "Kunin ang mapa, kunin muli si Lord Meh Meh at dalhin si Qu Xin Rui…
papunta sa impiyerno."
"Nasaan si Fei Yan at ang iba pa?" biglang tanong ni Jun Wu Xie.
"Minamanmanan ang lugar sakalaing may hindi inaasahang mangyari." saad ni Hua Yao.
"Sabihin mo sa kanila na kumilos na sa lalong madaling panahon. Nais kong itulak unti-unti si
Qu Xin Rui sa kailaliman." sabi ni Jun Wu Xie na may nakakakilabot na ngiti. Sa una ay nais
lamang niyang makuha ang mapa. Ngunit dahil pinili ni Qu Xin Rui na kunin si Lord Meh Meh
ay hindi niya iyon ikinatuwa.
"Sige!"
Matapos ang ilang pag-uusap, sinabihan ni Jun Wu Xie si Hua Yao na magpahinga muna ngunit
dahil sa mga nangyari sa loob ng Thousand Beast City , silang dalawa ay tumanggi na
magpahinga at sinamantala ang gabi upangmakalabas ng siyudad at upang sabihin ang balita
sa iba pa nilang mga kasama.
Tinitigan ni Jun Wu Xie ang kadiliman ng gabi na bumalot sa Thousand Beast City at sa
kaniyang mga mata ay bumanaag ang nakakakilabot na lamig.
…
Sa simula ng buwan, panibagong grupo ng mga bilanggo mula sa Thousand Beast City ang
pinabalik sa siyudad upang makasamang muli ang kanilang pamilya. Maliwanag na umaga, ang
mga tao ay nagtipon sa tarangkahan ng Thousand Beast City, sabik na tintingnan kung ang
miyembro ng kanilang pamilya ay kasama sa mga pinabalik sa sandaling iyon.
Sa Heavenly Cloud Chambers, si Qu Xin Rui ay balisa habang nakaupo sa harapan ng kaniyang
tokador. Ang pagbabago ay kumalat na sa buo niyang kanang braso at ang dating makinis at
maputing balat ay napalitan na ng tila sa matanda at kulubot na balat. Ang alingasngas ay
halos sinlaki lamang ng palad noon at ngayon ito ay kumakalat na sa buong braso niya, unti-
unting umaakyat sa kaniyang balikat.
"Ano ba talaga ang nangyayari? Shen Chi! Hindi mo pa ba nakumpleto ang sakripisyo? Bakit
wala akong maramdaman na kahit ano?" galit na tanong ni Qu Xin Rui, kaniyang ibinato ang
tansong salamin sa sahig.