[Blue spirit… Paano nangyari iyon…]
Ang taong nagpakawala ng blue spirit energy ay isang payat na bata na mukhang katorse o
kinse anyos lamang. Hindi iyon kapani-paniwala!
Mas nagulat si Xiong Ba, napanganga siyang tumingin kay Jun Xie. Naaalala niya nang sila ay
nasa Capital City ng Fire Country, ang kapangyarihan ni Jun Xie noon ay green spirit lamang.
Ngunit wala pa ang isnag buwan simula noon, ay nagawa na ng bata na maging blue spirit?
Ang ganoong kabilis na pag-unlad ng spirit power level ay hindi pa nagagawa mula sa
sinaunang panahon at hindi iyon natularan sa hinaharap na dumurog sa lahat ng akala ng mga
taong naroon!
Sa kasalukuyang panahon kung saan ang Purple Spirit ay halos wala na, ang indigo spirit ang
itinuturing na pinakamakapngyarihan na nabubuhay, isang antas sa ibaba ng indigo ay ang
blue spirit…
Itinuon ang kanilang tingin sa buong mundo, mayroon ba isang blue spirit na kasing bata nito?
Mahigpit na hinawakan ni Qu Wen Hao ang knaiyang dibdib habang tinitignan ang likod ni Jun
Xie, ang puso niya ay nawawalan na ng pag-asa.
Ang ibang Clan Chief ng Thousand Beast City ay biglang tumayo at sa likod ni Jun Xie ay
sumigaw: "Jun Xie! Ikaw ay makapangyarihan! Bakit hindi mo nais na tulungan ang Young
Miss! Hindi ba't ikaw at ang Young Miss ay magkakilala? Bihag ni Qu Xin Rui ang Young Miss at
hindi pa alam kung siya ba ay buhay o patay na. Matroon kang dalawang Guardian Grade
Spirit Beast sa iyong kamay. Bakit hindi mo magawang isakripisyo ang isa upang isalba ang
buhay ng tao? Kung papayag ka… ikaw ay magiging habambuhay na tagapagpala ng Thousand
Beast City!"
Bahagyang lumingon si Jun Wu Xie at malamig na tumingin sa Clan Chief na nagsalita.
"Dahil lang sa pagiging mahina ay magiging tama ka?"
Natigilan ang Clan Chief.
Ayon sa mga pangyayari, si Jun Wu Xie at ang Thousand Beast City ay walang ugnayan nung
simula at ang dahilan kung bakit siya nandito ay dahil sa kasunduan nila ni Qu Ling Yue na
makipagtulungan. Bukod doon, hindi nakatali si Jun Wu Xie na ibigay ang kahit ano para sa
Thousand Beast City.
Ang bagay na ito ay tanging mga tao lamang ng Thousand Beast City ang sangkot ngunit
hinihingi nila na ibigay nito ang pagmamay-ari niya yupang resolbahin ito…
Kung malalaman ito sa mga tao sa labas ay kukutyain at tatawanan sila ng buong mundo!
Hindi na siya nag-aksaya ng kaniyang hininga sa mga taong iyon at nagpatuloy na si Jun Wu Xie
na maglakad palabas ng Fiery Blaze Clan Hall, at sa buong buhay niya ay hindi na siya muling
pupunta pa sa lugar na iyon kahit kailan!
Ang anyo ni Jun Xie at Jun Wu Yao ay tuluyan ng nawala sa pintuan ng Fiery Blaze Clan Hall.
Sinikap ni Qu Wen Hao na tumayong mag-isa, tinanggihan ang tulong na inaalok ng Clan Chief.
"Grand Chieftain…" tinignan ni Xiong Ba ang hapo na hitsura ni Qu Wen Hao. Siya ay mariing
tumutol tungkol sa bagay na ito simula pa lang ngunit…
"Grand Chieftain… Talagang mali ang iyong ginawa…" saad ni Qing Yu at malalim na
bumuntong-hininga. Bagama't hindi sumabog sa matinding galit si Jun Xie sa pagkakataong
ito, ngunit mula sa tingin ng mata ng bata, ay naintindihan ni Qing Yu na ang relsyon nila
bilang magkasama na magtutulungan ay nasira na, ang bata ay personal nilang inimbitahan
dito upang sagipin ang Thousand Beast City mula sa dinadanas nitong suliranin ngayon ay
tinulak nilang palayo.
Hinding-hindi malilimutan ni Qing Yu ang malamig at nakakahindik balahibong sulyap na
nakita niya kay Jun Xie.
Maputlang-maputla na ang mukha ni Qu Wen Hao at hindi nagsasalita. Nasiraan ng loob na
naglakad palabas sa pintuan, mahigpit na hawak sa kaniyang kamay ang Spirit Taming Bone
Flute.
Si Xiong Ba at ang iba pa ay walang ibang maramdaman sa kanilang mga puso kundi ang
kawalang magawa. Hindi na nila alam kung sino pa sa mundong iyon ang maaaring
makatulong sa kanila sa suliranin na ito, matapos nilang sirain ang huling pag-asa nila gamit
ang sarili nilang mga kamay…
Nilisan ni Qu Wen Hao ang Fiery Blaze Clan Hall, at mag-isang naglakad patungo sa Heavenly
Cloud Chambers. Ang sipang iyon mula kay Jun Xie bago ito umalis ay tumama diretso sa
kaniyang dibdib na nagpakirot sa kaniyang lamang-loob dahil sa matinding lakas.
Naramdaman niya ang matinding sakit na animo'y mayroong apoy na lumalagablab sa kaloob-
looban niya ngunit hindi niya iyon binigyang pansin, at sa halip ay sinikap na ihakbang nang
paisa-isa ang kaniyang paa patungo sa Heavenly Cloud Chambers, at kinaladkad ang kaniyang
kamay pataas upang kalampagin ang nakapinid na pintuan.