Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 106 - May Bagyong Nabubuo (Pangalawang Bahagi)

Chapter 106 - May Bagyong Nabubuo (Pangalawang Bahagi)

"Anong sinabi mo?!" Napatitig si Jun Xian, hindi makapaniwala sa kanyang narinig.

"Alam ni opisyal Lin, na ang kamahalan ay nagiimbestiga sa kanyang mga gawain. Hindi ko po alam kung paano niya ito nalaman. Bigla na lamang nya pinatay ang lahat sa kanyang bahay, at gusto ko siyang hulihin. Di ko lang alam na mas angat ang kanyang kakayahan sa akin. Natalo niya ang sampu sa mga guwardiya ko at nakatakas. Hindi ako ang katapat niya, kaya ako nandito, para humingin ng tulong sainyo, kataas-taasan. Tulungan niyo po ako. Kapag siya'y nakatakas, hindi ako papalampasin ng kanyang kamahalan." Nagmakaawa si Li Ran ng nakaluhod sa harapan ni Jun Xian.

Nakatago sa mga manggas ni Jun Xian ang kanyang kamaong nakasarado ng mahigpit. Gamit ang lahat ng kanyang lakas, tinago niya ang gulat na namahagi sa buong katawan niya.

Imposibleng magagawa iyon ni Lin Yue Yang, isang napakatapat na ginoo, para patayin ang mga tao sa kanyang bahay dahil lang sa mga akusasyon sakanya!

"Asan siya ngayon?" Malamig na tanong ni Jun Xian.

"Pinasundan ko po siya. Umalis siya ng Imperial City papuntang timog silangan." Sagot ni Li Ran ng walang pakundangan.

"Aalis na ako ngayon." Hindi naniniwala si Jun Xian na kayang gawin ni Lin Yue Yang, pero dahil saksi ni Li Ran ang pagpatay sa kanyang asawa, papatayin nila si Lin Yue Yang agad agad kapag sila ang nauna.

Malaki ang utang na loob ng Lin Yue Yang, hindi ito makakalimutan ni Jun Xian. Siya na mismo ang hahawak sa kasong ito, ibalik si Lin Yue Yang at ipaalam ang totoo para mapanatili siyang buhay.

Karamihan ng guwardiya ng palasyo ng Lin ay kasama ni Long Qi sa pagdala ng gamot sa sandata. Tinipon ni Jun Xian ang mga natitira. Kahit sila'y konti, lahat ay mga magagaling na manlalaban.

Walang pakundangan, umalis na si Jun Xian.

Isang tagong anino ang nanood sa pagalis ni Jun Xian sa lungsod. Ngumiti siya ng masama, nakabalot sa kadiliman.

"Ang iyong Kataas-taasan, kahit matalino't tuso ka, hindi mo hahayaang mamatay ang benepaktor mo ng isang walang dangal na kamatayan." Ang anino sa dilim ay naglabas ng isang seryo ng mababang pagtawa, ang mga kamay nakatago sa kanyang likod. Sa loob ng madilim na eskinita, ang mga pares ng malamig at masasamang mata at nakatitig sakanya ng husto, na bumibilang sa daan-daan.

"Tiyak ba na ang karamihan sa mga guwardiya ng palasyo ng Lin ay wala sa lungsod? Ang nakatagong anino ay nagtanong.

"Sigurado ako! Nakita ko ang dami ng guwardya na sumama sa maraming kalesa kanina."

"Alam mo ba kung saan sila nagpunta?"

"Hindi ko alam. Guwardiya ng palasyo ng Lin ay pagmamayari ng sandatahan ng Rui Lin. And daanan ay masyadong bukas pagkalagpas ng lungsod kaya di na ako sumunod at baka mahuli pa ako. Pero nalaman ko rin na karamihan sa mga guwardiyang natira ay umalis rin ng palasyo ng Lin para samahan si Lin Wang sa paghanap kay Lin Yue Yang. Wala nang kinseng guwardya ang natira sa buong palasyo ng Lin."

"Kinseng sundalo galing sa sandatahan ng Rui Lin?" Ang madilim na anino'y ngumisi.

"Gusto kong makita kung kaya ng pagpatay na pulutong kong bumibilang ng tatlong daan na puksain ang palasyo ng Lin ngayong gabi! Ikalat ang utos ko. Pasukin ang palasyo ng Lin! Walang matitirang kahit na isang buhay pagsikat ng araw. Lalo na si Jun Wu Xie at ang walang kwentang si Jun Qing. Gusto ko makita ang mga ulo nila!"

"Masusunod po."

Sa isang iglap, ang kadiliman ay bumalot na sa anino at ito'y nawala sa eskinita.

Ang aninong nagutos ay umakyat sa mataas na tore sa imperial city at tumingin sa direksyon ng palasyo ng Lin.

Matapos ang gabing ito, mawawala na ang palasyo ng Lin pati na rin ang pamilya ng Jun!

Ang maliwanag na buwan ay nagtago sa madilim ng ulap, kung saan nawala na ang huling liwanag ng buwan.

Sa katahimikan ng dilim, ang mga madidilim na anino ay lumusob sa palasyo ng Lin.