Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 107 - May Bagyong Nabubuo (Pangatlong Bahagi)

Chapter 107 - May Bagyong Nabubuo (Pangatlong Bahagi)

Natatakpan ng dilim, ang mga nakatagong guwardya sa palasyo ng Lin galing sa sandatahan ng Rui Lin ay nakapansin ng kakaibang kilos. Lumabas sila sa lilim para salubungin ang mga bisitang hindi naman imbitado.

"Kung hinahanap ninyo ang presensiya ng kataas-taasan, bumalik na lamang po kayo sa umaga. Hindi tumatanggap ang Palasyo ng Lin ng bisita sa gabi." Ang maputing buhok na tito Fu ay tumayo sa harap nila, kamay ay nasa likod at mga mata'y matigas. Sila'y humarap sa mga pasugod na mga asasin. Nakatayo sa likod nya ang kinseng matatag na lalaking nakaharang sa nagiisang daanan patungo sa bakuran.

"Hindi kami nandito para bumisita. Nasa ilalim kami ng utos para dalhin ang lahat ng nasa palasyo ng Lin sa impyerno!" Ang naka-cloack na tao'y sumagot, natawa na parang baliw.

Nagbago ang tingin ni tito Fu. Nawala ang kanyang mabait na ngiti at napalitan ng hasang pamatay na kalikasan.

"Hindi ko na kailangan maging magalang. Ang mga entremetido ay haharap lamang sa… kamatayan!"

Sa isang iglap, si tito Fu at ang kinseng sundalo ng Rui Lin ay lumusob sa kawan ng mga anino. Ang kanilang mapuputing uniporme ay maliwanag kumpara sa dilim ng mga aninong gustong pumatay.

Nasira ang katahimikan ng gabi, ang simoy ay napuno ng kamatayan at dugo.

Dalawang grupo ang nakalusot at nakapasok sa loob ng palasyo sa likod habang ang labanan sa harap ay sumisiklab. Mabilis nilang napatay ang mga guwardiya ng palasyo. Nakapasok sila sa bakuran ng may bitbit na espadang tumutulo pa ang dugo.

Ang mabangong amoy ng dahong gamot ay napuno sa bakuran, lahat tahimik. Nagalaw ang tubig ng lawa ng baino nang humangin ng bahagya, dala dala'y lamig.

Isang grupo ng mga anino ay lumabas, sinira ang kagandahan ng gabi. Hawak nila sa kanilang mga kamay, mga espadang natulo pa sa dugo galing sa kanilang pagpatay, nagiwan ng bakas ng pula sa sahig.

"Tsk tsk, hindi ko maipapayong guluhin niyo ang pahinga ni Wu Xie." Ang malamig na boses ay biglang nagsalita, at sinira ang katahimikan ng gabi. Nagulat ang mga anino at agad tumalikod upang harapin ang boses na biglang nagsalita.

Isang matangkad at payat na katawan ang lumabas sa lilim ng gabi na naliwanagan ng buwan. Ang gwapong lalaki na may ngising napares sa matang nakakatakot.

Tinignan lang ni Jun Wu Yao ang grupong nagaalala na parang wala lang, at inilipat ang kanyang tingin patungo sa espadang natulo pa ng dugo. Nagbago ang mata at kuminang ng murado

"Pagbaboy sa patyo ni Jun Wu Xie ay isang krimen. Isang krimen na pagbabayaran nyo ng… buhay nyo." Unti unting lumawak ang ngiti ni Jun Wu Yao ngunit itong ngito na ito ay ang ngiting nagbibigay ngilabot na gumagapang sa buto.

Sa ilalim ng liwanag ng buwan, nakikita ng grupo ang nagiisang katawan ng maliwanag. Ang tingin galing sa muradong mata, kasing talas ng isang espada, ay nakabutas ng kanilang mga puso.

"De..demonyo…"

"Walang pakundangan!" Napailing si Jun Wu Yao. "Paano ako naging isang demonyo lamang?"

Ang muradong tingin sa kanyang mga mata'y kumislap, ang kanyang katawan ay biglang naging malabong galaw sa sobrang bilis.

Sa isang iglap, bumalik ang katahimikan sa patyo, pulang ulan ang bumagsak at kumalat sa sahig.

Binuksan ni Jun Wu Xie ang kanyang pinto sa panahong iyon, antok parin sa kanyang tulog.

Sa kakaibang kaakit akit na pulang ulan, isang eleganteng katawan ang nakatayo, hindi nagalaw. At nang humarap siya, ang kanyang gwapong mukha ay natapunan na ng pulang ulan.

Natawa siya sa sarili niya nang nakatingin kay Wu Xie, ang kanyang mga labi'y nakangisi.

Ang mga matang iyon ay di nagpapakita ng awang paglipol, ang tawa'y nagdala ng pangingilabot sa buto. Hindi makakalimutan ni Wu Xie ang tanawin na iyon.

Napakaganda, tila'y nakakaakit ngunit nakakapangilabot makita.

Related Books

Popular novel hashtag