Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 1049 - Mahilig Sa Bata (2)

Chapter 1049 - Mahilig Sa Bata (2)

Ang maliit na itim na pusa na dala-dala ni Jun Xie sa kaniyang bisig ay sumabog sag alit nang marinig ang

sinabi ni Qu Xin Rui.

[Ano daw!]

[Ang matandang ito na matagal nag nabubuhay ay gustong akitin ang Mistress!]

[Nabubulok!]

[Nakakadiri ang matandang ito na mahilig sa mga bata!]

Kung hindi lang dahil sa hindi nararapat gumanti sa mga oras na iyon, ang maliit na itim na pusa ay

gustong tumalon papunta sa kay Qu Xin Rui upang kalmutin ang mukha nito.

Si Qu Xin Rui ay diretso at walang pakundangan sa mga sinasabi nito at kahit pa si Jun Xie ay masyadong

walang muwang sa mga bagay na ito, Malalaman niya kung ano ang gustong iparating ni Qu Xin Rui.

Sa parehas niyang buhay, ang nakaraan at ngayon, ito ang unang pagkakataon na may nagtapat ng

pagkakagusto sa kaniya at isang matanda pa, na wala ding maramdamang kahit ano si Jun Xie sa

pagtatapat na ito.

Young Master Jun, bakit hindi ka umiimik? Huwag mong sabihin sa akin na hindi ako sapat?" tanong ni

Qu Xin Rui, malungkot na tiningnan si Jun Xie, ang ekpresyon sa kaniyang mukha ay tila nasasaktan,

ngunit sa sarili nito, masyadong mataas ang tiwala nito sa sarili. Ang kaniyang mukha ay siyang

pinakamaganda sa buong Thousand Beast City at si Jun Xie ay isang bata lamang na wala pang

karanasan. Kahit na siya ay isang pinuno, wala pa din siyang gaanong karanasan at dahil sa kaniyang mga

inihandang pamamaraan, walang sinong lalaki ang makakatakas sa kaniya.

Si Jun Wu Xie ay napapagod nang ipagpatuloy ay pagiging magalang kay Qu Xin Rui.

Bigla siyang tumayo at tiningnan si Qu Xin Rui at nagsabing, "Tungkol sa suhestyon ni Ginang Qu, pag-

iisipan ko ito. May mga bagay pa akong kailangang asikasuhin at kung wala ka ng sasabihin, aalis na

ako." Pagkatpos sabihin ito, hindi na hinintay ni Jun Xie na makasagot si Qu Xin Rui at umalis na.

Ngunit si Shen Chi ay hinarangan ang kaniyang daraanan, may nakakainis na ngiti sa kaniyang mga labi.

Nagulat ng ilang sandali si Qu Xin Rui. Hindi niya naisip na tatangihan siya ni Jun Xie. Ni wala itong

reaksyon sa kaniyang pang-aakit at mukhang iniiwasan din siya nito.

Dahil masyadong mataas ang tiwala niya sa kaniyang alindog, medyo natagalan bago niya natanggap na

halos hindi siya pinapansin ni Jun Xie. Inangat niya ang kaniyang ulo at tiningnan si Jun Xie na hinarangan

ni Shen Chi, kumislap ang kaniyang mga mata sag alit.

Kahit kailan, wala kahit isa ang tumanggi sa kaniyang ganda at alindog!

Dahan-dahang lumapit si Qu Xin Rui sa tabi ni Jun Xie, ang kaniyang dalawang kamay ay nakaangat

upang hawakan si Jun Xie sa kaniyang mga balikat.

"Jun, aking mahaal, aalis ka lang ng ganoon lang? Nasusuklam ka ba talaga na kausapin ako?" Tanong ni

Qu Xin Rui, malungkot na tiningnan si Jun Xie, at idinikit ang kaniyang buong katawan sa likod ni Jun Xie.

Mas matangkad siya kay Jun Xie at dahil sa pagyakap niya kay Jun Xie mula sa likod, naramdaman ni Jun

Xie ang pagdikit ng buong kataawan nito sa likod niya.

Nanlamig si Jun Xie sa ginawa nito at pinilit ang sarili na kumalma.

"May mga bagay pa akong kailangang gawin." Malamig na saad ni Jun Xie.

Ilang beses na kumisap ang mata ni Qu Xin Rui at inilapit ang mukha kay Jun Xie. Katulad ng kulog na

tatama sa iyo bago mo pa matakpan ang iyong mga tenga, si Qu Xin Rui ay inilapat ang mga labi sa pisngi

ni Jun Xie.

Nanigas si Jun Xie sa kaniyang kinatatayuan.

Tiningnan ni Qu Xin Rui si Jun Wu Xie na nagulat sa kaniyang ginawa at dahil dito ngumiti siya. Katulad

ng kaniyang inaasahan, ang batang ito ay tatamaan pa rin ng kaniyang alindog.

"Kung gayon, dahil ang aking mahal ay may kailangan pang gawin, hindi na kita aabalahin pa. Ngunit

kailangan mong pag-isipan, huwag mo akong pag-alalahanin sa paghintay." Pagkatapos sabihin iyon,

binitawan ni Qu Xin Rui si Jun Xie at tiningnan si Shen Chi.

Sa wakas, nang makalaya si Jun Xie sa mahigpit na hawak ni Qu Xin Rui, kumisap ang mga mata ni Jun

Xie. Pagkatapos siyang bigyang daan ni Shen Chi, binitbit ni Jun Wu Xie ang maliit na itim na pusa at

bumaba sa hagdan ng walang ekspresyon ang mukha.

Ang maliit na itim na pusa ay tiningnan ang kaniyang amo.

[Katapusan na! Katapusan na ng lahat!]

Ang puro at walang baahid niyang amo ay pinagsamantalahan ng matandang iyon!

Related Books

Popular novel hashtag