Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 1044 - Hindi Ko Kailangang Gawin (3)

Chapter 1044 - Hindi Ko Kailangang Gawin (3)

Para patulan si Lin Feng, hindi na kinailangan ni Jun Wu Xie na iangat ang sarili niyang kamay.

Kinailangan niya lang ng kaunting pang pabuyo sa katawan ni Lin Feng at ipapaubaya niya na ang iba kay

Qu Xin Rui.

Para parusahan ang kalaban, minsan, hindi mo kailangan dumihan ang sarili mong kamay.

Tinitigan si Jun Xie ni Xiong Ba at Qing Yu at ang dalawa ay nanginig.

Siguradong katapusan na ni Lin Feng. Ang mahulog sa mga kamay ni Qu Xin Rui, kahit magawa niyang

mabuhay, siguradong lalabas siyang lumpo. Sa mga kamay ni Jun Xie, gamit ang kutsilyo sa pagpatay at

isinagawa sa mabilis at kagimbal-gimbal na paraan. Sobrang bilis na hindi pa rin alam ni Lin Feng na si

Jun Xie ang nasa likod ng lahat ng ito.

Kung titignan si Jun Xie ay maliit at payat sa pangangatawan, walang kakaiba sa anyo, ngunit tuso ang

pag-iisip.

Whew~

Tahimik nilang sinabi sa kanilang sarili, na hindi nila dapat galitin ang isang ito, dahil baka hanggang sa

kanilang kamatayan hindi nila alam kung ano ang pumatay sa kanila.

Nang makabalik sila sa Fiery Blaze Clan Hall, silang tatlo ay naghiwa-hiwalay para makapag-pahinga na.

Naupo sa kaniyang silid si Jun Wu Xie at pinalagatik ang daliri ng biglang dumating si Ye Sha sa loob ng

kwarto.

"Young Miss."

"Mayroon kang natagpuan?" tanong ni Jun Wu Xie, nakatingin ky Ye Sha.

Sumagot si Ye Sha, "Sa loob ng Heavenly Cloud Chambers, mayroong apat na tao ang nagtataglay ng

kapangyarihan ng Purple Spirit at higit pa. Ang pinaka-makapangyarihan sa lahat ay hindi si Qu Xin Rui.

Hindi maituturing pinakamalakas ang kapangyarihan ni Qu Xin Rui sa apat na iyon."

"Oh?" Itinaas ni Jun Wu Xie ang kaniyang kilay. Ang sabi ni Xiong Ba lahat ng nakapalibot na

makapangyarihan kay Qu Xin Rui ay mga taga-silbi niya lamang. Ngunit base sa mga sinabi ni Ye Sha,

hindi lang ganoon iyon kasimple. Ang karaniwang alintuntunin sa Twelve Palaces ay matira matibay

maliban nalang kung highborn, o di kaya ang kapangyarihang tinataglay nila ay ang pinakamalakas.

Hindi si Qu Xin Rui ang pinakamalakas sa kanilang lahat, ipinanganak siya sa Lower Realm. Ayon sa

katwiran, ang posisyon niya ay hindi dapat hihigit sa tatlo.

"Mukhang, itong si Qu Xin Rui ay nagpapakita lamang ng isang palabas." Katwiran ni Jun Wu Xie, habang

hinimas ang baba.

"Mayroon pa, ang iyong tagasilbi ay may hindi kaaya-ayang natagpuan." Saad ni Ye Sha.

"Ano iyon?"

"Ang iyong tagasilbi ay may nararamdamang kakaiba sa loob ng Heavenly Cloud Chambers. Ang

daluyong ng enerhiya ay naalala ng iyong tagasilbi kagaya ng sa Soul Return Palace sa lahat ng Twelve

Palaces. Ang Soul Return Palace ay kilala sa pagmanipula ng spirits para gamitin sa kanilang

kapakinabangan. Kung ang hinala ng iyong tagasilbi ay tama, sa loob ng Heavenly Chambers, mayroon

kagamitan mula sa Soul Return Palace na ginagamit." Saad ni Ye Sha.

"Nalaman mo ba kung ano iyon?"

"Hindi po. Naubosan na ako ng oras. Ang tatlong tao na galing sa Soul Return Palace ay wala sa palapag

na iyon at ang iyong tagasilbi ay hindi nagawang imbestigahan ng maigi nang hindi sila nakakapansin."

Tumango si Jun Wu Xie. Di bale nalaman pa din nila na ang kanilang kalaban ay ang Soul Return Palace.

.....

Balik sa Heavenly Cloud Chambers, lahat ng pinaborang tao ay pinalabas at pinapunta sa ikalawang

palapag, at ang hagdanan pataas ay bantay sarado.

Sa ika-pitong palapag, naupo si Qu Xin Rui sa harap ng lamesa, tinititigan ang kaniyang magandang anyo

sa pilak na salamin. Ang nakakaakit na mukha ay masisilayan sa pilak na salamin ngunit ang kaniyang

ekspresyon ay walang bahid ng saya o paghanga.

Nakakunot ang noo ni Qu Xin Rui, at ang kaniyang mata ay nakatitig sa pilak na salamin habang

tinititigan ang kaniyang mata, labi at ilong bago tinignan ang pulso.

Palibot ng kaniyang kamay, balot sa ilalim ng makinis na balat, kapirasong kulubot na balat ang nakikita.

Iyong gapalad kalaki na bahagi kumpara doon sa makinis at maputing balat sa ibang parte, ay nawala

ang orihinal na pagkabanat, at ang balat ay naging malalim na dilaw, puno ng kulubot ang palibot,

habang ang ibang parte ay mayroong kulay kayumangi.

Puno ng takot at pag-aalala ang mga mata ni Qu Xin Rui. Paulit ulit niyang inaabot ang kamay, gustong

punasan ang kapirangot na matandang balat, ngunit hindi ito maalis. Puno ng pangamba at takot, bigla

niyang winasiwas ang mga gamit sa lamesa papunta sa lupa!

Ang malinaw at malakas na kalabog ng mga nahulog na gamit ay umalingawgaw sa loob ng Heavenly

Cloud Chambers sa malalim na gabi.