Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 1042 - Hindi Ko Kailangang Gawin (1)

Chapter 1042 - Hindi Ko Kailangang Gawin (1)

Pagkatapos lumabas sa Heavenly Cloud Chambers, si Qu Wen Hao ay hindi gumagalaw habang nakatayo

sa isang tabi at tinitingnan si Jun Xie na parang may gustong sabihin ngunit hindi nagsalita ng kahit isang

salita.

Malungkot na umalis si Lin Que habang ang ibang pinuno at kasamahan nito ay nagpaalam na muna

bago lumisan.

Si Jun Wu Xie ay umalis kasama si Xiong Ba at Qing Yu. Malalim na ang gabi at tanging ang mga ilaw

lamang sa poste ang tumatanglaw sa kanilang daanan.

"Young Master Jun, papaanong bigla kang naging Emperador ng Fire Country?" Tanong ni Xiong Ba na

kanina pa pinipigilan ang sariling magtanong at nagyon hindi niya na natiis kung kaya tinanong niya na si

Jun Xie sa mababang boses.

Malinaw pa sa kaniyang alaala na si Jun Xie ay isang disipulo mula sa Zephyr Academy at kahit napaalis

niya ang Emperador ng Fire Country, hindi niya kinuha ang trono nito. Mula sa sinabi ni Qu Ling Yue,

hindi ba ipinaaubaya ni Jun Xie ang pamumuno sa tagapagmanang prinsipe na si Le Chen nang mga

panahong iyon?

"Hindi ko alam." Sagot ni Jun Xie.

Ang mukha ni Xiong Ba ay napuno ng pagkagulat.

"Ang alam ko lang ay katulad lang din ng alam niyong dalawa." Kalamdong saad ni Jun Xie. Pumunta siya

sa Thousand Beast City kasama si Xiong Ba at iba pa at matapos nilang umalis sa Fire Country, kung ano

man ang ginawa ni Lei Chen ay hindi na niya alam.

Ngunit kung titingnan ang paraan ng pagsasalita ni Qu Xin Rui, mapapansin na mukhang

pinaimbestigahan siya nito.

Kung walang problema sa pinaagkuhanan ni Qu Xin Rui ng impormasyon, maaring may ginawa ang Fire

Country pagkatapos niyang umalis doon.

Sa una, ipinilit ni Lei Chen na si Jun Xie ang umupo sa trono ngunit ayaw itong tanggapin ni Jun Xie at

ipinaubaaya na kay Lei Chen. Mabilis na lumisan si Jun Xie nang walang sinasabi kahit isang salita at

pumunta sa Thousant Beast City kasama si Xiong Ba at ng iba pa. Akala niya ay makakalimutan niya na

ang Fire Country ngunit kung mamarapatin ang mga naganap ngayon, ang mga bagay ay hindi kaatulad

ng kaniyang inaasahan.

Dahil bigla siyang naging Emperador ng Fire Country ng walang magandang dahilan,, hindi ito

nagugustuhan ni Jun Xie.

Nagpalitan ng tingin si Xiong Ba at Qing Yu at dahil alam nila na hindi mahilig si Jun Xie magsinungaling,

naniwala sila sa sinabi ni Jun Xie.

"Base sa mga galaw ni Qu Xin Rui, mukhang pakay niya na gamitin ka. Ito ay hindi inaasahan ngunit sa

tingin ko ang kapangyarihan ng Fire Country ang tunay niyang pakay, upang matulungan siyang libutin

ang rehiyon sa mapa." Paliwanag ni Xiong Ba.

"Mula sa mga sinabi niya, handa siyang ibigay ang Purple Spirit bilang kapalit. Nguni maari bang mailipat

ang kapangyarihan ng Purple Spirit mula sa isang tao papunta sa iba?" Iyan ang isa sa mga punto na

hindi maintidihan ni Xiong Ba. Kung si Qu Xin Rui ay may abilidad na magbigay ng kapangyarihan ng

Purple Spirit sa iba, hindi ba nilalabag nito ang kalangitan?

Hindi sumagot si Jun Xie. Si Xiong Ba at Qing YU ay mula sa Lower Realm at hindi nila alam ang mga

pamamaraan kung paano puwede temporaryong maitaas ang spirit power sa Middle Realm. Ngunit

napansin niya na si Qu Xin Rui ay ginagamit ang parehong pamamaraan ng dating may-ari ng ring spirit.

Pareho silang pinainan ng kapangyarihan ng Purple Spirit upang mapasunod sila.

Kahit hindi pa ito nakikita ni Jun Xie, kinikilala niya na ito bilang kaniyang pinuno. At ang paglagay ng

disipulo sa parehong posissyon ng kaniyang pinuno, ang painan ng parehong tentasyon ay tila isang

tadhana na pinaglalaruan sila.

"Young Master Jun, hindi mo naman… totoong kinokonsidera na tumulong kay Qu Xin Rui, hindi ba?"

tanong ni Xiong Ba habnag nag-aalaalang tiningnan si Jun Xie. Hindi naman sa wala siyang tiwala sa

karakter ni Jun Xie, ngunit masyadong maganda ang pain ni Qu Xin Rui.

Ang hinahanap ni Jun Xie, na maaring maibigay ni Qu Xin Rui, at matutulungan siyang makuha ang

Purple Spirit. Ngunit ang Thousand Beast City sa kabilang banda ay nagtataglay lamang ng isang parte ng

mapa at wala nang iba pang makukuha si Jun Xie at hindi mapigilan ni Xiong Ba ang mag-alala.

"Hindi ko kailangang gawin." Saad ni Jun Xie.