"Malugod na pagbati dakilang tiyahin." Sabay-sabay na pagbati ng isang gurpo ng kalalakihan habanng si
Jun Wu Xie ay hindi gumagalaw sa kaniyang kinatatayuan, at ang tingin ni Qu Xin Rui ay nabaling sa
kaniya.
Ang mala-demonyo nitong tingin ay maiging sinuyod ang maliit na pigura ni Jun Wu Xie na nakatayo sa
harap at sumingkit ang mga mata ni Qu Xin Rui at nagpamalas ng maliit na ngiti.
Nagpadala siya ng mga tao upang imbestigahan si Jun Wu Xie bago ang okasyong ito at nakita na rin niya
ang larawan nito. Unang tingin ni Qu Xin Rui sa larawan ni Jun Wu Xie, sa tingin niya ito ay maselan at
kaakit-akit na kabataan at hindi siya nasiyahan sa nakita. Ngunit ngayong nakita niya na ito sa personal,
siyta ay nagulat.
Ang mukha nito na hindi pa mababakas ang tanda ng pag-gulang ngunit kapag tiningnan ang mukha nito,
ang mga mata nito ay tila tumatagos sa kaluluwa!
Katulad ng malamig na tubig sa lawa, napakalamig at malalim.
Sanay siya makakita ng matitipuno at kaakit-akit na kalalakihan at nang makita ni Qu Xin Rui si Jun Wu
Xie, naakit agad siya ng mga mata ito.
Inignora ni Qu Xin Rui ang iba na nanatiling nakaluhod at tiningnan lamang si Jun Xie na matuwid na
nakatayo sa harap niya. " Ikaw ba si Jun Xie?"
Tiningnan ni Jun Wu Xie si Qu Xin Rui. Ito ay maganda at ang balat nito ay makinis. Wala siyang makitang
kahit na anong bahid ng pagtanda. Kung titingnan ito, mukhang mahigit sa dalawampung taong gulang
lamang ito. Ang anyo nito ay malayong malayo sa totoo nitong edad.
Alam ni Jun Wu Xie na kapag ang isang tao ay naging Purple Spirit na, maibabalik ng kaunti sa pagkabata
ang pisikal na anyo nito ngunit hindi nito kakayanin na maibalik ang pagiging mukhang dalawampung
taong gulang ang isang halos lola na.
Si Qu Xin Rui ay naging Purple Spirit ng siya ay halos lola na at aabot na sa isang daan taong gulang na.
Ngunit nang bumalik ito sa Thousand Beast City, ito ay bumalik sa pagiging dalawampung taong gulang
na kaakit-akit na dilag. Ngunit ang pagbabagong ito ay kahinahinala.
Sumingkit ang mga mata ni Jun Wu Xie at nagsabi, "Ang mapagpakumbabang si Jun Wu Xie ay hinihiling
magkaroon si Ginang Qu ng mabuting kalusugan."
Mas pipiliin pa ni Jun Wu Xie ang mamatay kaysa ang tawagin itong dakilang tiyahin.
Si Qu Wen Hao at ang mga kasamahan nitong nakaluhod pa rin ay halos atakehin sa paraan ng pagtawag
ni Jun Wu Xie kay Qu Xin Rui. Sa kabuuan ng Thousand Beast City, walang nagtangkang tawagin ng
ganoon lang si Qu Xin Rui!
Si Lin Feng ay lihim na napabungisngis, naghihintay sa magiging reaksyon ni Qu Xin Rui sa hindi
pagrespeto ni Jun Xie dito.
Ngunit, pagkatapos na masurpesa ni Qu Xin Rui sa insal ni Jun Wu Xie, tumawa lamang ito ng
napakalakas. Ang tawa nito ay walang bahid ng galit o pagkainis.
"Young Master Jun, ikaw ay napakagaling sa salita. Sa edad ko, paano nga ba naman ako matatawag na
Ginang? Ang salitang iyan, Ginang, ay hindi ko na narinig sa nakalipas na higit na isang daang taon."
Nakangiti si Qu Xin Rui, ang mga mata nito maaliwas.
At ang pagtawag ni Jun Wu Xie sa kaniya ng Ginang ay mas lalong ikinagalak ni Qu Xin Rui imbes na
magalit.
Kahit hindi gaanong alam ni Jun Wu Xie ang makihalubilo sa ibang tao, ngunit narinig niya na ang mga
babae ay karaniwang may natatanging kagustuhan sa isang tao.
"Nang marinig ko na pinuri ka ni Wen Hao bilang isang bata at napakagaling at pinagaling ang mga sugat
ni Ling Yue, bilang kanilang senior, gusto kitang opasalamata. Kung okay lamang sa iyo, halika at umupo
sa aking tabi." Marahang itinaas ni Qu Xin Rui ang kaniyang kamay at itinuro ang mesa na malapit sa
kaniya.