Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 1009 - Ang Panlulumbay Sa Isang Tao ay Isang Sakit (1)

Chapter 1009 - Ang Panlulumbay Sa Isang Tao ay Isang Sakit (1)

Bumaba ang tingin ni Jun Wu Xie at isang malamig na tawa ang umusbong sa kaniyang puso.

Siya at ang Soaring Serpent ay parehong hindi nagtitiwala sa isa't isa.

Nang magising si Jun Wu Xie, ang pusang itim ay balisang nakatayo sa tabi niya. Maging si Lord

Meh Meh at ang Sacrificial Blood Rabbit ay lumapit at pinalibutan siya. Ang tatlong pares ng

kaakit-akit na munting mga hayop na iyon ay puno ng pag-aalala at balisa, at nang makita nila

si Jun Wu Xie na naalimpungatan, ang mga mata ng tatlong munting mga nilalang ay napuno

ng tuwa.

"Anong nangyari sa iyo? Bakit bigla ka na lamang nawalan ng malay?" tanong ng pusang itim

habang hinahaplos ang kamay ni Jun Wu Xie. Biglang nawalan ng malay si Jun Wu Xie at

natakot itong namatay na siya.

"Ayos lang ako." sabi ni Jun wu Xie habang iniiling ang kaniyang ulo. Itinaas niya ang sugatang

kamay at nakita na ang matinding sugat ay tuluyan ng naghilom at bahagya niya iyong

ikinagulat dahil sa bilis ng nangyaring paghilom.

Bigla niyang naalala ang binanggit ni Qing yu sa kaniya tungkol sa katangi-tanging abilidad ng

Devious Wyvern na mabilis na paggaling at ng ang gintong binhi ay ipinasok ang spirit stone ng

Devious Wyvern sa kaniyang katawan, tila nagkaroon siya ng kakaibang abilidad na pumukaw

sa kuryusidad ni Jun Wu Xie.

Nakahawak na si Jun wu Xie ng ilang spirit stones sa kaniyang mga kamay noon, ngunit ang

gintong binhi ay hindi tumugon sa mga spirit stone na iyon tulad ng ginawa nito kanina. Bakit

nito pinili na higupin ang spirit stone ng Devious Wyvern na desperadong hinahanap ng

Soaring Serpent?

Tumayo si Jun Wu Xie at inilabas ang mga spirit stone sa kaniyang Cosmos Sack at sinubukan

iyong ilagay paisa-isa sa kaniyang palad. Ngunit walang reaksyon, hindi tulad ng nangyari

kanina. Anumang spirit stone ang kaniyang gamitin, ang gintong binhi ay wala man lang

reaksyon.

"Devious Wyvern." wala sa sariling sambit ni Jun Wu Xie. Hindi siya pamilyar sa Spirit Beast na

iyon at ang tanging nalalaman niya ay nanggaling sa mga sinabi ni Qing Yu sa kaniya kanina.

Ngunit kung huhusgahan ang kasalukuyang sitwasyon, halata na mayroong kakaiba sa Devious

Wyvern. Ang Soaring Serpent ay hindi nag-alinlangan na ibunyag ang kaniyang pagtatago para

makuha lamang iyon at kahit ang misteryosong gintong binhi ay naapektuhan doon… higit pa

riyan, ang tao mula sa Twelve Palaces na nangunguna sa Thousand Beast City ay hiniling na

hanapin ang Devious Wyvern. Ang mga kakaibang reaksyon ng tatlong nilalang na iyon ay tila

may sinasabi kay Jun Wu Xie.

Ngunit kung ano man iyon, ay nanatiling misteryo kay Jun Wu Xie.

At sa mga sandaling iyon, ang alaala ni Jun Wu Yao ay biglang pumasok sa isipan ni Jun Wu

Xie.

Kung nandito siya, siguro ay matutulungan siya nito na linawin lahat ng agam-agam niya.

Sa anumang paraan o sa halip, tila naramdaman ni Jun Wu Xie na walang hindi nalalaman sa

mundong ito si Jun Wu Yao. Anumang problema na iharap sa kaniya tila madaling nalulutas.

Si Jun Wu Yao mismo ay nababalot ng misteryo. Sino nga ba siya talaga at bakit siya

nakakulong sa kuwebang iyon?

Hindi gaanong binigyang pansin iyon ni Jun Wu Xie noon dahil sa wala siyang pakialam. Ngunit

hindi niya alam kung bakit tila bigla siyang nagkaroon ng interes na makilala pang lubusan si

Jun Wu Yao, ang nakaraan nito, at lahat ng tungkol sa dito…

Hindi nakaramdam ng ganito si jun Wu Xie noon. Sa tuwing maiisip niya si Jun Wu Yao, tila

nawawalan siya ng kontrol sa kaniyang emosyon at mga kilos, ngunit gayunpaman, ay patuloy

niya pa rin itong iniisip.

Bagama't nagawa nitong maramdaman na tila wala siyang magawa, pero hindi siya

nasusuklam sa pakiramdam na iyon.

Kaya lamang…

tila nangungulila siya sa kaniya.

Tumaas ng bahgya ang tingin ni Jun Wu Xie upang tingnan ang kalangitan sa labas ng bintana.

[Hindi alam… kung nasaan siya sa mga sandaling ito at kung ano ang ginagawa nito?]

[Para siyang hangin na alam ng mga tao, laging nandiyan ngunit hindi makita, hindi mo mahuli

o mahawakan, laging walang tunog kapag darating at walang iniiwang bakas sa tuwing lilisan.]

"Big Brother Wu Yao…" mahinang sambit ni Jun Wu Xie kasabay ng isang buntong-hininga.

Subalit, nang mapagtanto niya ang kaniyang sinabi, at maramdaman ang kakaibang

pakiramdam sa kaniyang puso ay minabuti na niyang huwag nang isipin pa iyon at humayo na

siya upang lagyan ng benda ang kaniyang sugat.