Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 1005 - Ang Spirit Stone Ng Devious Wyvern (3)

Chapter 1005 - Ang Spirit Stone Ng Devious Wyvern (3)

Isang maingat na hiwa ang pumunit sa palad ni Jun Wu Xie na gawa ng gintong pangunyapit at

ang dugo ay unti-unting lumabas mula sa sugat na iyon. Ang gintong pangunyapit ay hinatak

ang spirit stone papasok sa palad ni Jun Wu Xie at iyon ay namantsahan ng pula habang unti-

unting binabalot ng balat.

"Letse! Anong nangyayari dito!?" nataranta ang pusang itim habang nakikita niya ang kulay sa

mukha ni Jun Wu Xie na lalong sumasama bawat segundo. Lumundag ito at ninais na alisin ang

gintong pangunyapit na nasa kamay ni Jun Wu Xie ngunit bahagya pa lamang niya itong

nahahawakan nang makita niya si Jun Wu Xie na namimilipit na sa sobrang sakit.

Nang makita iyon, ang pusang itim ay hindi na nangahas pa na galawin iyon, ngunit nahihilo na

siya sa labis na pagkataranta.

Nang akala ni Jun Wu Xie na ang gintong pangunyapit ay dadalhin na ang buong spirit stone sa

kaniyang palad, ang liwanag mula sa gintong pangunyapit ay biglang sumabog sa isang

maliwanag na putok!

Isang komportable at malamig na pakiramdam ang biglang kumalat sa buong katawan ni Jun

Wu Xie!

Ang pakiramdam ng mayroong ibang bagay sa ilalim ng kaniyang balat ay unti-unting

nawawala…

Ang gintong pangunyapit ay bumalot sa spirit stone at habang nawawala sa palibot ng balat,

ang gintong liwanag ay naging bahagi ng dugo at buto ni Jun Wu Xie…

Ang sugat ay malinaw pa rin at ang dugo mula doon ay nagbaybay sa linya ng palad niya bago

tumulo sa lupa. Tiningnan ni Jun Wu Xie ang kaniyang kamay at may matinding pagtataka sa

kaniyang mukha. Lahat ng mga naganap ay talagang kakaiba at ang hindi kapani-paniwalang

mga bagay ay mangyayrai sa harapan ni Jun Wu Xie.

Ang sugat sa kaniyang palad ay unti-unti at mabagal na nagsara. Ang hiwa sa kaniyang palad

ay hindi na nagdurugo at nararamdaman niya ang balat na unti-unting tumutubo at

gumagaling, ang kamangha-manghang pakiramdam ay kumalat sa buong kamay niya.

Ang bilis ng paggaling ay hindi masasabing mabilis na mabilis, ngunit iyon ay mas mabilis kaysa

sa pagpapagaling ng iba.

"Anong nangyayari dito?" kahit na matalino si Jun Wu Xie, ay wala pa rin siyang ideya kung

ano ang nangyayari sa kaniyang katawan. Ano iyong mga gintong pangunyapit na iyon? Bakit

bigla iyon lumabas sa kaniyang palad at bakit nais nitong ibaon ang spirit stone ng Devious

Wyvern sa kaniyang katawan?

Sa dami ng hindi kapani-paniwalang mga kaganapan na nangyari sa kaniya noon, ay wala pa

ring paliwang si Jun Wu Xie sa mga nangyari kanina.

Nakita ng pusang itim na nakatayo si Jun Wu Xie doon na natutuliro at bigla siyang tumalon sa

balikat ni Jun Wu Xie at maingat na pinag-aralan ang sugat ni Jun Wu Xie.

"Anong iyong nangyari ngayon?" tanong ng pusang itim, nag-aalala ang boses nito.

Umiling si Jun Wu Xie at susuriin pa lamang niya ang buong pangyayari ng mabuti.

Maghahanda pa lamang siya sa pag-upo ng isang makahari at nangingibabaw na puwersa ang

pinilit na hatakin ang kaniyang kamalayan sa isang matinding kadiliman!

Tahimik sa kaniyang paligid. Nakatayo si Jun Wu Xie sa tahimik na kadiliman. Pakiramdam niya

ang paligid niya ay tila hindi nabubuhay at kahit ang kaniyang katawa ay tila nakalutang.

Ang lugar na iyon ay hindi pamilyar kay Jun Wu Xie. Nang una siyang nilamon ng ring spirit ay

nagpunta rin siya dito sa madimil na spiritual dimension at imbis na sabihing siya ay nasa kung

saan man, maaraing sabihin na siya ay nasa kaniyang sarili.

"Bata!" isang malalim na boses ang biglang narinig sa kadiliman.

Bahagyang itinaas ni Jun Wu Xie ang kaniyang ulo at tiningnan ang gawi ng pinagmulan ng

boses.

Mula sa kadiliman ay dalawang liwanag ang biglang lumabas, at ang liwanag sa mga sandaling

iyon ay direktang patungo sa kaniya!

Ngunit, nang ang dalawang liwanag na iyon ay lumabas sa kadiliman, ay nalaman niyang hindi

iyon nagmula sa kung ano man, sa halip, iyon ay dalawang matalim at tumatagaso na mga

mata!

Isang malaking ulo ang lumabas mula sa kadiliman at malamlam na liwanag ang nakita halos

kalahating metro sa paligid ni Jun Wu Xie, at kasabay niyon ay sinalamin ang ulo na nasa

malapit! Ang ulo ay tila sa isang ahas at nababalutan ng itim na kaliskis, at ang kabuuan ng

katawan sa ibaba ng ulo nan iyon ay natatakpan pa ng kadiliman