Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 1 - “Ang Nakaraan at Kasalukuyuan”

Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog)

North Night
  • --
    chs / week
  • --
    NOT RATINGS
  • 5.8m
    Views
Synopsis

Chapter 1 - “Ang Nakaraan at Kasalukuyuan”

Mga bundok na nababalot sa kadiliman, at may kumukurap-kurap at tila sumasayaw na dilaw na apoy habang kinakain nito ang mga mountain villa na may nageecho na sigawan ng maraming tao sa napakatahimik na lambak.

Isang 14 taong-gulang na babae, nakatulala sa nangyayari, habang may hawak na isang fire torch sa kanyang kamay.

Kinain ng di mapawing apoy ang lahat, at ang tanging naiwan ay ang tunog ng mga sunog na kahoy.

Sunog, nasunog ang lahat.

Naglaho na ang masamang kulungan o hawla.

Sa wakas, ang bilangguan na ito sa nakalipas na 10 taon ay ngayon ay naging dagat na apoy.

 [Saan tayo pupunta?]

Isang malambot na tinig ang nagtanong habang tinititigan siya ng isang malinaw na pares ng mga mata ng itim na pusa na nakaupo sa kanyang balikat habang dinidilaan nito ang kanyang mga kamay nito.

 "Okay lang kahit saan, basta't hindi dito." Tinignan ng huling beses ng batang babae ang kanyang obra maestra bago umikot at naglakad patungo sa bulubundukin, habang naririnig ang tunog ng nagkakalasang mga kadena na naglilimita sa kanyang payat na mga bukong-bukong habang siya ay naglalakad ng walang emosyon patungo sa baku-bakong daan ng kagubatan.

Habang siya ay umiikot, isang katawan na nababalot ng apoy ang biglang lumabas mula sa gitna ng kaguluhan na may mga mata na puno ng kabaliwan habang nakatitig sa likod na kunti-kunting naglalaho sa kadiliman, ng may biglang matining na sigaw ang maririnig sa hangin.

 "Wu Xie! Bumalik ka dito! Hindi ka makakaalis dito! Sa akin ka lang!"

Halos sampung taon ng pagsisikap ang tuluyan ng naglaho.

Kalmadong tumigil ang babae sa kanyang ginagawa habang siya ay tumalikod upang makita ang lalaking nababalot ng apoy, at sinabi ng walang paki: "Namamatay ka na, habang ako ay nabubuhay pa."

The man was screaming in anguish. As she gave a last look at her greatest nightmare, she coldly said: "Farewell, Grandfather."

Ang lalaki ay humihiyaw sa dalamhati. Habang tinignan niya ng huling beses ang kanyang pinakakinakatakutan, sinabi niya: "Paalam, Lolo."

Ang maliit na itim na pusa na nakaupo sa balikat ng batang babae ay nagbigay ng mapanghamak na panlilibak at ngumisi. Lolo?

?

Para sa isang tao na nahuhumaling sa pagaaral ng medisina, isang baliw na kinulong ang kanyang apong babae sa loob ng mga bundok at ginagamit siya bilang isang guinea pig, anong karapatan niya para maging lolo ng kanyang may-ari?

 [Mistress, ano na ang iyong mga plano?]

Tinanong ng maliit na itim na pusa ang batang babae habang hindi pinapansin ang boses na dahan-dahang nilalamon ng mga apoy.

Tinignan niya ang kanyang payat na mga kamay at mahinang sumagot, "Mag-test para sa isang veterinary license."

 [Ha ha ha! Kung alam lang ng matandang lalaki na iyon, na ikaw, isang walang katulad na henyo sa larangan ng medisina ay ninanais na maging isang veterinaryo, siguradong hindi siya mapapayapa!] Sabi ng pusa habang isteryong tumatawa sa balikat ng batang babae.

 "Hindi siya mananahimik ng payapa?" Malungkot ang mga mata ng batang babae habang ang kanyang mga labi ay konting ngumiti.

Pagkalipas ng isang taon, nanirahan siya sa City A at nagkaroon ng veterinary license, at tinahak ang landas ng paggagamot ng mga hayop.

Hindi talaga masabi ang buhay. Ilang sandali lang ang nakakaraan, nasa loob pa siya ng operating room at nagoopera, ngunit biglang may sumabog, at nalaglag siya sa kadiliman.

Siya ay nasa isang kakaibang bagong mundo, pinalitan ang isang namamatay na kaluluwa at hinanap niya sa pira-pirasong alaala na pumasok sa kanyang isip, napagtanto niya na ang bagong 'siya' ay kilala din bilang si Wu Xie, ngunit may apilyedong Jun, Jun Wu Xie.